Chapter 10-"AYOKO SAYO!"

88 1 0
                                    

Chapter 10- "AYOKO SAYO!"

Pagkatapos nga ng pangyayaring yun, medyo iniiwasan ko munang lumapit kay Bratz (Ronald), mahirap na, baka tama pa ang hinala ko na kwan ko sya... Na ano---BASTA!>_<

Nung lunch nga nagpalusot pa akong may gagawin lang sa library, sasamahan nga sana ako ni pandak (Minn) kaso humindi na ako.

Naku,kapag nalaman nya ang dahilan kung bakit ako lumalayo,tutuksuhin lang ako nun.

Tutal marami namang canteen dito,dun nalang ako kumain sa canteen ng college building. As usual ulit, siksikan na naman ang eksena. Meron pa nga akong nakitang lalaki na sobrang tangkad! Grabe, katakot.>__<

Habang kumakain naman ako, may eksena pa akong nakita, nagsampalan pa yata. Ay ewan! Bahala kayo, basta kakain na ako.

Nung natapos na akong kumain, papalabas na sana ako kaso..

O.O

"Oh Lhen, umaano ka dito?"

Wala naman, umiiwas lang sayo.(=_=)

"Kumain natural,canteen to diba?"

(-_-'')----mukha nya.

Bakit? Tama naman ako ah?

"Ang ibig kong sabihin,bakit hindi ka sumabay saming kumain? Sabi ni Minn may gagawin ka raw sa library?"-Ronald

"Eh nagutom ako eh kaya pumunta na ako dito." tapos tumabi muna kami saglit kasi nasa daanan kami, mamaya may makabunggo pa samin.

At yung totoo lang din? Diba lumalayo ako dito? Bakit pa ako nakikipag-usap? Haistz.

"Bakit dito ka pa pumunta? Pwede naman dun sa canteen natin ah?"-Ronald

EH BAKIT DIN BA ANG DAMI MONG TANONG?(~~.)

"W-wala lang, para maiba naman." tapos naglakad na ako.

Nung una,akala ko hindi sya susunod, pero maya-maya lang din.

"LHEN!"

(>__<) UUPAKAN KO TO EH!

Huminto naman sya sa tabi ko,"Sabay na tayong bumalik. Hehe."

Inirapan ko lang sya.

Bahala ka sa buhay mo.(.~~)

**********

"OY! Akala ko ba sa library ka galing? Tsaka ikaw Ronald? Akala ko ba pupunta ka dun sa pinsan mo? Bakit kasama mo na si Lhen ngayon?"-Minn

Umupo muna ako bago nagsalita."Pwede naman sigurong magkasalubong sa school at magsabay papunta sa room diba? Kaw talagang pandak ka dam------ARAY!>__<"

"Maka-pandak ka talaga eh no? Tsk."-Minn

Nagtawanan naman tong mga kasama namin. Sila Mark at Nick, wala na kasi nandun na sila sa room nila.

"Uy mga kaibigan, libot naman tayo mamaya, periodical na next week kaya kailangan na nating magsaya ngayon."-Gienn

"Bakit di nalang after ng exams? Para wala ng poproblemahin."-Princess

"Tama...Tama."-Xianne

Nakita ko namang tiningnan sya ng masama ni Princess.

"Oh bakit na naman? Sumang-ayon lang naman ako.:("-Xianne

"Psh."-Princess

Nag-away na naman tong dalawang to.(-_-)

"Para naman bago tayo maghirap,ma-relax muna yung mga utak natin. Diba? Diba?"-Gienn

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon