Chapter 53-My Hero

24 1 0
                                    

Chapter 53-My Hero

(Lhen’s POV)

From: Mark

~Lhen,pwede ba kitang makausap? Kung gusto mo, isama mo na rin si Ronald. Nandito ako sa Math Club.

Napatingin naman ako agad sa lalaking kasabay kong kumakain ngayon. Wala kaming first subject ngayong tanghali dahil may meeting daw yung mga teachers  kaya nakakain pa kami after naming mag-usap sa garden.

“Ronald, punta muna tayo sa Math Club.”

Tumingin naman sya sakin. “Bakit?”

“May sasabihin yata si Mark.”

Tapos naman na akong kumain kaya hinintay ko nalang matapos si Ronald. Pagkatapos nyang uminom ng tubig, tumayo na kami at umalis ng canteen.

Hindi tulad ng dati, tahimik lang si Ronald habang naglalakad kami. Kaya tinanong ko sya.

“May problema kaba?”

Napailing naman sya agad. “Naiinis lang ako sa sarili ko.”

Marami kaming nadadaanan na mga estudyante na nakatambay sa corridor.

“Bakit naman?”

Napabuntong hininga muna sya bago nya hawakan yung kamay ko. “Hinayaan ko kasi si Anne na kuhanin ang first kiss ko. Dapat sayo yun e. Kainis.”

Bigla namang namula ang pisngi ko kaya iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

Pagdating namin sa Math Club, pumasok agad kami tutal nakabukas naman yung pinto. Tapos nakita namin si Mark na nakaupo sa sulok.

“Oh Mark, emo? Haha.”-Ronald

“Baliw, nabalitaan ko yung ginawa mo.”-Mark

“Hindi ko ginusto yun.”-Ronald

Huminto naman kami sa tapat nya kaya tumayo sya.

“Ano ba yung sasabihin mo Mark?”

Napahawak agad sya sa ulo nya at napayuko. Yung parang nahihiya?

“Ahh..gusto ko sanang magpatulong.”-mark

--------

“Ano, ayos ba?”-Mark

Magkakatabi na kami ngayong nakaupo sa loob ng Math Club. Tutal naka-ayos na ang upuan, sa sahig nalang kami umupo. Nakapa-gitna ako sa kanila.

“Hmm. Okay lang. Kaso, kailan mo gagawin yan?”-ako

“Oo nga. Alam mo naman yun, palaging gala. MA palagi.”-Ronald

“Teka lang. Kailangan ko pa kasing ihandang mabuti para mas maganda.  Next week siguro pwede na.”-Mark

Napangiti naman ako bigla. Mabuti naman at nakapag-isip na si Mark.

“Tama yan. Ng hindi na kayo nagkakahiyaan sa isat isa.”-Ronald

Pagkatapos ng pag-uusap na yun, bumalik na kami ni Ronald sa room. Napatingin nga ako agad kay Micka na nakatingin samin. Nagulat ako dahil nginitian nya ako, kaya nginitian ko na rin sya. Hindi ko aakalain na makakasundo ko si Micka.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon