Chapter 34- “Namumula ka.”
(Lhen's POV)
Pagkabalik namin sa canteen, wala na sila Minn, Mavy, Xianne at Mae.
"Hala! 1 na pala. Tara Lhen." napatingin naman ako kay Ronald
"Bakit? Aano ka?"
"Try-out. Tara." sabay hila nya sakin.
Naalala ko na naman yung kanina. Hindi ko naman talaga sya ginustong paiyakin e. Malay ko bang iiyak pala sya kasi naglit ako. Pero kinikilig ako. :''') Haha.
"Ronald, kumain ka kaya muna? Hindi kapa--------"
"Mamaya nalang kela Nick. Babawi ako. Hehe."
Napailing nalang ako at napangiti. Katakawan talaga.
*********
Nandito na kami ngayon sa covered court, dito kasi sila nagta-tryout ng badminton. Konti lang naman yung tao kaya ayos lang.
"Dito ka muna Lhen ha? I-cheer mo ako."-Ronald
Nag-"behlat" lang ako sa kanya bago sya umalis. Ginulo pa nga yung buhok ko e. Tsk.
Habang nag-aayos pa sila, kinuha ko muna yung cellphone ko at tinext sila Minn.
To: Minn; Gienn;Princess; Mavy
~San kayo? Dito ako sa covered court. Ngpsama si Ronald e.
*sent
Napatingin na ako ngayon kay Ronald na pinaglololoko ng coach nila. Natawa naman ako bigla kasi pinagtutulungan sya. Wala namang magawa si Ronald kundi ang sumimangot lang. Haha. Ang cute talaga.
*brrt-brrt*
From: Minn
~ Dto ako sa ofis. mrami na nman kcng ggwin. Alm mo na! bka kailangan ako ni Mark.:D
Loka loka talaga. Haha.
From: Princess
~ Nandito kmi ni Gienn sa gymnasium. pnapanuod ko sila Nick at Xianne.
Hmm. Siguro si Mavy nasa volleyball court na rin.
Napatingin naman ako kela Ronald nung may narinig akong nag-*prrrrrt*
Naunang nag-serve si Ronald, natanggap naman nung kalaban, tapos kay Ronald ulit. Hmm. magaling pala talaga si Ronald. Kahit payat sya, malakas syang pumalo ng shuttlecock.
Medyo dumadami na rin yung mga tao dito sa court. Wala naman kasing klase kaya pwede kaming manuod.
"GO RONALD!!"
"KAYA MO YAN!"
"GWAPO MO!! WHHOOOH!"
Napailing nalang ako at napangiti. Sikat talaga si Ronald kahit medyo may pagka-isip bata sya. Maraming nagkakagusto sa kanya.
Habang nanunuod ako, hindi ko maiwasang mapatitig kay Ronald. Kahit pawis na pawis na sya ang gwapo nya parin talaga. >//<
"RONALD DELA CRUZ WIN!"
Nagsigawan naman yung mga nasa likod ko. Aba, papatalo ba ako??
"ANG GALING MO RONALD!! *CLAP CLAP*" Habang nakatayo ako at nagtatatalon pa. Ang saya saya! Haha.
Napatingin naman sya sakin at ngumiti, tumakbo sya papunta sakin kaya nagulat yung mga nasa likuran ko.
*Teka, girlfriend nya ba yan?*
*Malay.*
Nakangiti parin sya habang nakatingin sakin.
"Baho mo Ronald, amoy pawis ka." sabay takip sa ilong ko.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...