Chapter 49- Come Home
(Lhen’s POV)
Sobrang saya talaga ng birthday ko kahapon. Hindi ko ini-expect na ganun yung gagawin nila Ronald. Todo effort talaga yung ginawa nila.
Yung samin naman ni Ronald, sinabi namin agad kela Minn, at ang resulta??
(Flashback)
“PUTEK RONALD BINATA KA NA!! HAHAHA.”-Xianne
“Congrats Ronald!”-Princess
“MANLIBRE NA KAYO OY!”-Minn
Nasa harap ko naman sila Gienn at Mavy, ginugulo kasi ni Gienn yung buhok ko, masyado raw syang kinikilig saming dalawa ni Ronald.
“Gienn naman!!>__<”-ako
“E kasi naman! HAHAHA. Teka nga, pupuntahan ko muna si Ronald.”-Gienn
Loko loko talaga tong Gienn na to. Nagulo tuloy yung ayos ng buhok ko. Itatali ko na nga lang ulit.
“Congrats nga pala.”
Bigla naman akong napatingin kay Mavy.” Salamat.:)”
“Basta kapag may problem aka kay Ronald, magsumbong ka lang sakin ah?”-Mavy
“Grabiii ka! Kasasagot ko lang problema agad?*laughs*”-ako
(End of Flashback)
Puro asaran at tawanan lang yung pinaggagawa namin kahapon. Tuwang tuwa talaga sila, lalo na yung mga kaklase namin. Hindi kasi sila makapaniwala na magkaka-girlfriend si Ronald, e masyado pa raw kasing isip bata. Tapos ang sinabi lang nya,
“Masyado nyong minamaliit ang kakayahan ko.”
Mayabang e. Haha.
“Lhen samahan mo na rin akong bumili ng damit ah? May nakita kasi ako sa mall, ang cute kasi.”-Minn
“Okay sige.”
Pumasok na sya ng cr kaya naupo muna ako dito at nanuod. Kakatapos ko lang kasing maligo. Pupunta kasi kami ng mall para mamili ng mga pagkain, e naubos na kasi.
Hay naku. Next week klase na naman. Na-enjoy ko naman ang Intrams, kaso parang nakakabitin talaga. Nga pala, pang-2nd place lang yung 4th year. Akala nga namin over all champion na kami, aba yung mga 3rd year umariba bigla!
Pero, napili yung booth namin bilang isa sa mga pinakamadaming pumunta nung Intrams.:) Hihi. Kaya masaya narin kami.
*toot-toot*
From: Payat.<3
~Goodmorning taba! Ingat kayo ni Liit sa pagpunta sa mall ah?
Nireplyan ko naman sya agad. Aga yatang nagising nito?XD Tsaka liit talaga? Hahaha. Kapag nalaman ni Minn to lagot sya.:D
~Goodmorning din.:) Okay sige, salamat. Aga mo yatang nagising?XD
~Di kasi ako makatulog. Di parin ako makapaniwala na girlfriend na kita. HAHA. Nung snabi ko nga kay mama hala niyakap pa ako!-__-
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...