Chapter 55-Why so pogi?:>

23 1 0
                                    

Chapter 55-Why so pogi?:>

(Lhen’s POV)

Nakatingin lang ako kay Minn habang nakaupo sa tabi ng kama nya. Sa sobrang kaba ko kanina, napaiyak nalang ako bigla. Mabuti nalang nandito sa tabi ko si Ronald at hindi ako iniwan.

Katabi naman ng kama nya ay yung kama ni Mark. Mas grabe yung natamong gasgas ni Minn kesa kay Mark. Mabuti na nga lang, hindi gaanong malakas yung pagkakabangga kay Minn, si Mark naman, naitulak nya kaso napahiga din sya sa daan, kaya nawalan sila ng malay. Papunta na rin yung magulang ni Mark. Wala kasi akong contact ng ate ni Minn e.

“Lhen.”-Ronald

“Hmm?” tumingin naman ako bigla sa kanya.

“Nagugutom kaba? Ano gusto mong kainin?”-Ronald

“Wala. Ayokong kumain.” Binalik ko ulit yung tingin ko kay Minn.

Marami ng nagawa sakin si Minn, kaya ngayong kailangan nya ako, hindi ko sya iiwan. Nasa kabila namang kama sila Mavy,Gienn  at Nick. Sila Princess, umuwi muna saglit.

“Hindi pwede Lhen. Alas-syete na, kailangan mong kumain. Gusto mo bang magpahatid ako ng pagkain kay mama?”-Ronald

“O sige.”

Dumukmo muna ako saglit sa gilid ng kama ni Minn. Bakit ba nangyayari tong mga to?

--------------

“Lhen….Lhen hija.”

Unti unti ko namang dinilat yung mga mata. Hala! Nakatulog pala ako. Pagka-angat ko ng ulo ko, akala ko gising na si Minn, ang kaso, tulog parin sya.

Napatingin naman ako agad sa babaeng nakatayo sa gilid ko. Si Tita!

“Tita.” Nginitian nya naman ako at inalalayan akong tumayo. Nakita ko naman si Ronald at nagulat ako nung bigla syang lumapit sakin at niyakap ako.

“B-bakit?” napatingin ako kay Tita na umiiling habang nakangiti.

“Mahal kita.”

O////O

“Hahaha. Sige Lhen. Eto yung dinala ko para sa inyo. Umuwi muna yung mga kaibigan nyo, natutulog ka kasi kaya hindi na sila nakapagpaalam sayo. Pero sasamahan ka naman dito ni Ronald. Hala sige anak, bitawan mo na si Lhen at namumula na. Hahaha.”-Tita

Bigla naman akong tiningnan ni Ronald, tapos bigla syang napangiti.

“Baliw ka talaga.”-ako

Hinalikan nya naman ako bigla sa ilong. AHHH! Nakita ni Tita.>////<

“Hoy Ronald! Maghunusdili ka! Hahaha. Sige Lhen. Alis na ako.” Hinalikan pa kami sa noo ni Tita bago sya umalis. At ngayon naman, napatingin ako kay Ronald.

“Loko loko ka talaga! Nandyan yung mama mo hinalikan mo ako sa ilong.”

“Bakit? Masama ba? Girlfriend naman kita e. Tara na. Kain na tayo.”-Ronald

Nilagay nya nasa side table yung mga dala ni Tita.Mukhang marami yung dala ni Tita kasi ang dami kong nakikitang lalagyan.

Nung naihanda na ni Ronald yung mga pagkain, umupo na kami at kumain.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon