Chapter 6- Sorry

122 1 0
                                    

Chapter 6

Pauwi na kami ngayon ni Minn sa dorm,dapat nga kanina pa kaso pumunta pa ako ng office,sabi kasi sakin ni Mrs. Adlimo,yun yata yung principal,itotour daw ako nung isang estudyante, sabi ko naman sa ibang araw nalang, eh uwing uwi na ako,  pumayag naman sya.

Nga pala,pagkatapos naming kumain kanina,pumunta agad kami sa room. At kanina ko lang din nalaman na kaklase pala namin sila Micka at Keyt.

Yung Micka yata yun,tinarayan pa ako. Sasabunutan ko sana kaso naunahan ako ni Princess.

Joke lang haha.:D

Mababait naman pala yung mga kaibigan ni Minn,si Bratz lang talaga ang may sayad.

"Nasayo ba yung susi?" sabay tingin ko kay Minn.

Umiling naman sya." Ikaw nagsara nyan kanina eh." habang nakatingin sa cellphone nya.

Yung totoo? Palagi nalang kasi yan yung hawak nya eh.

Napabuntong hininga naman ako.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo,medyo ulyanin kasi ako. Ewan ba,kakainis nga eh.

Yung tipong yung mga mahahalagang bagay pa talaga yung nakakalimutan ko.>.<

Minsan nga kasasabi palang maya-maya nakalimutan ko na.:D.haha,pero hindi naman lahat.

Tiningnan ko na yung loob ng bag ko,halos ilaglag ko na nga lahat ng laman para lang makita ko yung susi,kaso di ko padin maki----------

"Nu ka ba? Nasa wallet mo."-Minn

Kinuha ko naman agad yung strawberry wallet ko at TADA!! Nandito nga.Ahaha.

“Haruu! Tanda mo na!”-Minn

“Grabe ka naman.” Tapos tumawa lang sya.

Pagkatapos din nun,pumasok na kami sa loob.

********************

“So bukas,may quiz kayo dyan. Goodbye.” Sabay labas ni Ms. Cainglet

=____= Grabe,ganun na yun? Binigay nya lang yung formula tapos hindi man lang nagbigay ng mga examples.

Kaya kahit kailan ayoko ng Math eh. Tss

“Lhen,pupunta kami sa c.r., sama ka?”-Minn

“Ayoko,tinatamad ako. Hehe.”

“O sige,dyan ka muna ha?”- Gienn

Tapos yun,umalis na sila Minn,Gienn at Princess.

Teka nga,pag-aaralan ko muna to.

“Oww,nandito pala ang transfer student na dumidikit dikit sa papa Ronald ko.”

Teka,panu ba to? >___< Hindi ko maintindihan. T_T

“Hey Micka,bingi yata sya.”

Ah! Papaturo nalang ako kay Mark.:)

Tumayo na ako tapos kinuha ko yung notebook ko,kaso,may nakaharang sa dadaanan ko.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon