Chapter 48- The Surprise
(Lhen’s POV)
From: Mam Ho
~Lhen, pwede kabang maaga pumasok ngayon? Hindi ko pa kasi napapasa yung mga grades nyo, kailangan na to mamaya e.
Hmm. Anong oras naba? *tingin sa relo* 5:30 palang pala.
Kahit medyo inaantok pa ako, naghanda na ako ng pwede kong kainin bago ako maligo.
Birthday ko na pala. May mga nakatanggap na akong text galing kela mama at sa mga kapatid ko, sa mga pinsan ko, pati narin sa mga kaklase ko sa probinsya.
*yawwwnnn* Umuulan pa naman, sarap matulog.
Pagkatapos kong kumain, maligo at mag-ayos, naglagay nalang ako ng note sa ibabaw ng lamesa para kay Minn, tulog pa kasi e.
------
“Oh, bakit ang aga mong pumasok?”-Guard
“May pinapagawa po kasi sakin sa Mam Ho.”
“Nang ganito kaaga?”-guard
Si Manong guard parang bibiruin pa e, bakit naman ako papasok ng ganito kaaga? =____=
Tsaka Intrams ngayon,pwede kahit anong oras kang pumasok.
Pinakita ko pa sa kanya yung text ni Mam, tapos nung medyo na-convinced na sya, pinapasok na nya ako.
Nag-tsinelas nalang ako kasi umuulan, ayoko ngang suotin yung sapatos ko, masira pa yun.
Pagkasara ko ng payong ko, dumaan muna ako sa may locker room para mailagay ko dun yung dalawang aklat na nasa bag ko, ang bigat kasi. Palagi talaga akong may dalang libro,para kapag wala kaming ginagawa,may mababasa ako.
Pagkabukas ko naman, may tumambad saking mga envelope na kulay red. Hala! Ano to?
Kinuha ko agad at binuksan ang isa. Sulat?
~Ate! Happy Birthday po.:) More birthdays to come and Godbless.
^_^? Eh? Kainino naman galing to? Wala namang nakalagay kung sino nagsulat.
Ganun din yung ibang sulat. Wow naman. Nakakatuwa.:)
Binalik ko muna ulit sa locker ko yung mga sulat, mamaya ko nalang babalikan.
Naglakad naman na ako papunta sa office. Hmm. Mga sarado pa yung mga rooms, sabagay maaga pa naman.
Nga pala, dun sa Battle of the Bands, pang-second daw kami sabi ni Mark, nanalo raw yung Ury. Okay lang naman samin.:)
Nung nasa office na ako, bubuksan ko na sana yung pinto kaso parang may naramdaman akong dumaan sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Genç Kurgu*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...