Chapter 3- "Bakla?!"

136 2 0
                                    

Chapter 3

Ai naku! Bwisit talaga yung ngusong yun! Pagtawanan daw ba ako? Eh malay ko bang may tinuturo pala sya gamit ang nguso nya?

Di nalang sabihin na " MAY BUBBLEGUM KA SA PANTALON MO!" (-_-'') Bwisit.

Nung nalaman naman ni Michelinn yun,puro 'Ewww' lang ang narinig ko sa kanya. Tss.

Mabuti nalang at pagbalik ko dun kami na yung nasa pila.

Pagkatapos naman naming mag-enroll,nagyaya muna si Michelinn sa mall,tsaka kailangan ko rin palang bumili ng mga gamit ko tsaka mga pagkain.

Mahirap na baka kasi puro sunog na itlog lang ang kainin ko.(-_-'')

Sumakay lang kami sa jeep,nag-iinarte pa nga tong kasama ko kasi siksikan sa jeep,dapat daw nag-taxi nalang kami. Eh diba mahal bayad dun?

Siguro mga bandang 1 na nung nakarating kami sa mall,kaya kumain muna kami.

Pagkatapos naming kumain sa Mang Inasal,pumunta na kami sa National Bookstore para bumili ng mga gamit sa school.

Tutal may bag na ako,mga notebooks,ballpen at yellowpad yung binili ko.

Nung natapos na akming bumili,pumunta naman kami sa department store para bumili ng mga pagkain.

Habang bumibili kami ng mga de lata.

"Duh~ Lhen,puro ganyan lang ang bibilin natin?"<Michelinn

"Kauumpisa palang natin kaya wag kang excited,marami pa tayong bibilin."<Ako

"Iiih! Napapagod na ako eh,pwede bang umupo muna ako?"<Michelinn

Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Napapagod? San ka naman napagod? Sa kakasunod sakin? Eh lahat na nga ng mga pinamili mo ako na nagbibitbit eh,tsk,baka mamaya maging pandak na rin ako katulad mo."

"Anong sabi mo?!"<Michelinn

"Bakla?" Napatingin naman kaming dalawa dun sa nagsalita.

"OMG! BAKLAAA~~!" tapos niyakap nya yung..err~ Bading?

May itsura pa naman sana

Naghiwalay naman sila sa pagkakayakap nila.

"Grabe,umaano ka dito? Wag mong sabihin na nag-gogrocery ka? Himala yata." sabi nung bading

Simple lang yung porma nya,kung hindi nga sya nagsalita hindi ko sya mapagkakamalang bading.

"Bakla naman eh,secret muna yun ngayon,pero teka." tapos hinitak nya ako."Eto nga pala si Lhen,kasama ko sa dorm."

Tumingin naman sya sakin. 

Ang ganda ng mata nya.*O*

Ai Lhen behave!>.<

"Hmm,teka,parang nakita kita kanina sa school."

OMO! O_O

Wag mong sabihin na nakita nya yung "nguso scene" kanina??

Ang pangit,nguso scene.(~.~)

"Ah,oo,nag-enroll kasi kami kanina,at magiging kaklase natin sya."

"Ahh,okay,nice to meet you.(^__^)Ako nga pala si Mavy." sabay abot nya sakin ng kanang kamay nya.

Inabot ko rin naman yung kamay ko at nakipag-shakehands ako sa kanya.

Nga pala,nagtataka kayo kung ano na yung ginawa ko dun sa bubblegum?

Well,tinakpan ko muna sya ng bag ko.:)) Hihi.

So yun nga,kasama na namin si Mavy sa pamimili.

Nung natapos na kami,hinatid nya na rin kami sa dorm,may dala syang kotse eh,sosyal!

Kinwento narin ni Michelinn yung dahilan nya kung bakit sa nag-dodorm.

"Pagbaba natin babatukan kitang bakla ka! Loka ka,ganun lang naglayas ka na?"<Mavy

"Yii! Nasasaktan din ako nu."<Michelinn

"Pag nalaman to nila Gienn at Mae,lagot ka."<Mavy

T_T-Michelinn

Sino naman yung Gienn at Mae?

Ahh,makikilala ko rin siguro yun.

*************

"Salamat Mavy ahh." tapos nakita kong nilapag nya na yung mga pinamili namin. Sabi nya kasi sya na lang daw ang magbubuhat kasi pangit daw tingnan kung makikita nyang nagbubuhat ang isang babae habang sya walang ginagawa.

Kinilig nga ako eh*_* haha.:D.

Ganun talaga,konting kwan lang kinikilig na ako.:)

"Shocks,ang inet,makapaligo nga muna."sabi ni Michelinn sabay pasok sa banyo.

"Arte talaga nun.ahaha."<Mavy

"Sinabi mo pa."<Ako

"HEY! NARIRINIG KO KAYO!"<Michelinn

Tapos nagtawanan kami ni Mavy.

Pero kinakabahan parin ako kapag naiisip ko yung pasukan,makikita ko na naman yung lalaki kanina.>.<

Haistz,bahala na nga si Luffy.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon