Chapter 19-"Si bakla.....INLOVE?"

60 1 0
                                    

Chapter 19-"Si bakla.....INLOVE?"

(Mavy's POV)

"Hayyyy." napahiga nalang ako sa kama sa sobrang pagod. Sumakit din yung katawan ko sa pagbuhat kay Minn.(>_<)

Pinatong ko muna yung kamay ko sa noo ko. Sana nga walang magbago.

(Flashback)

Pauwi na kami ngayon ni Lhen sa dorm. Bumili lang kami ng slurpee tsaka donut sa 7eleven. Tango lang naman sya ng tango kapag tinatanong ko sya eh.

Nung nakarating na kami sa room nila, si Mark nalang yung naabutan naming nagbabantay kay Minn.

"Oh,nasan na si Ronald?"-Lhen

"Ahmm, umuwi na eh, s-sumasakit daw yung tiyan."-Mark

Nilapag ko muna yung binili ko sa lamesa nila Lhen.

"*sabay tayo* Sige Lhen, mauna na ako, kaw nang bahala kay Minn ha? Painumin mo sya ng gamot pagkagising nya,malamang kasi sasakit ulo nyan."-Mark

"Okay.:) Pasensya sa istorbo."-Lhen

"Wala yun.:) *tingin sakin* Sabay ka na?"-Mark

"Ahmm." napatingin naman ako kay Lhen, umupo lang sya sa tabi ni Minn, hinihintay ko kasi kung may sasabihin sya sakin, pero nung napansin kong wala, "Sige."

(end of flashback)

Pero feeling ko simula bukas, magiging iba na lahat.

(end of the day)

(Kinabukasan)----sa school

"Babye po mommy." tapos bumaba na ako ng kotse.

Naglakad naman na ako papasok ng school, naku! 10 minutes na lang pala bago ang time, kaya binilisan ko na yung lakad ko.

"Tsk,ang inet." sabay tanggal ko ng dalawang butones ng polo ko,naka-sando naman ako.

*Kyaaah! Ang hot ni Mavy!*

*Oo nga! Mas lalong umiinit yung panahon dahil sa kanya!*

(=__________=) Tagares naman.

Mas lalo ko pang binilisan yung lakad ko, ayoko kasi talaga ng napapansin ako. Naiirita ako kapag ganun, feeling ko kasi konting galaw ko napapansin nila. Tss.

Nung nakarating na ako sa room, tama ang hinala ko, nandun na ang teacher namin.(-__-'')

"Goodmorning po." tapos naglakad na ako papunta sa upuan ko,pero bago ako nakaupo,napatingin naman ako kay Lhen.

Nakayuko lang sya,pero dati nginingitian nya pa ako. Napansin nya na kaya?

Hayy,ewan, bahala na.

Nagdiscuss lang si Mam Ho ng kung anu-ano. Hindi kasi ako nakikinig, iniisip ko kung sasabihin ko pa ba kay Lhen tong nararamdaman ko.

Ang hirap kasi, ang hirap magtago ng emosyon. Wala akong mapagsabihan.

Si Minn palang ang nakakaalam pero hindi ko naman sya makausap ng matagal kasi palagi nyang kasama si Lhen.

Tsaka napapansin ko rin na parang lumalayo na yung loob nya sakin.:/ Ayoko naman ng ganun. Panu pa kaya kapag sinabi ko? Baka magalit pa sya sakin.:(

Nung break naman, nakita kong lumabas muna saglit si Lhen.

"Pupunta lang raw ng c.r."-Minn

Napatingin naman ako kay Minn."Tinatanong ko?"

"Lol! E makatingin ka eh!"-Minn

"Tss, bakit ba? Atleast ako tinitingnan ko lang, e ikaw? Nanghahalik ka pa dyan."-ako

">////< Hindi ko naman alam yun eh!"-Minn

Naramdaman ko namang nag-vibrate yung cellphone ko, nung tiningnan ko naman, group message lang nung kaklase ko dati.

"Whooh! Loko buti na lang mabait si Mark! Hinatid ka pa nya!"-ako

"I know! Kinwento na sakin ni LHEN!*smirks*"-Minn

"Sapakin kaya kit--------OY GIENN! CELLPHONE KO YAN!"

(>__<) Naku lagot na! Nawala sa loob ko.

Nilapag ko muna kasi sa arm desk ko yung cellphone, tapos nung kinapa ko na, wala, pagkita ko hawak na ni Gienn.(>__<) Sana di nya makita.

Nakita ko namang pinalapit nya sila Minn at Princess, lumapit naman yung dalawa, tapos parang may tinitingnan sila dun sa cellphone ko.

"Amina nga yan!" tumayo na ako at akmang kukuhanin yung cellphone ko kaso tinago nya.

"Alam ko na yan.:D"-Minn

"Bakit di mo sinabi samin?"-Princess

"Mag-usap nga tayo, dun tayo sa garden."-Gienn

Tutal malapit lang naman ang garden sa room, hinitak na nila akong tatlo papunta dun.

"OY SAN KAYO PUPUNTA? SAMA AKO!"-Ronald

"WAG NA! BAWAL MATAKAW DON!"-Minn

(sa garden)

"MAGPALIWANAG KA!"-Gienn

O_O

Lagot na talaga, tiningnan ko naman ng masama si Minn.

"Oh! Oh! Wala akong ginagawang masama."-Minn

"Bakit ang daming pictures ni Lhen sa cellphone mo?"-Gienn

"Ahh..kasi.."-ako

"Dalian!"-Princess

"Sandali lang naman kasi! Pinapakaba nyo ako eh!"-ako

Loka-loka talaga tong tatlong to.(>__<)

"*sigh* Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sa inyo, kailan ko lang kasi nalaman eh."-ako

"Bilis na! Excited na ako kahit alam ko na! Ahahaha.:D"-Minn

Tumingin muna ako sa kanila. Si Gienn nakapamewang pa, si Princess naman talagang hinihintay yung sasabihin ko, si Minn tuwang tuwa sa tabi ko.

"K-kasi.... m-m-m-m---------"-ako

"M-M-M-M-MAY ANO??"-Gienn

"May gusto ako kay Lhen!"-ako

O_O-----Gienn

*O*-----Princess

^O^-----Minn

"OMOYGOD!"-Minn

"S-si bakla.......INLOVE??"-Gienn

"At sa isang girl???"-Princess

Tumayo naman ako at aalis na sana kaso may nakita akong tumakbo papalayo. Hmm, narinig nya kaya?

"T-totoo?"-Princess

"Seryoso ka bakla?"-Gienn

"Uy wag nyo na raw syang tawaging bakla! Lalaki na sya! haha."-Minn

"Seryoso ako dun, tsaka, hindi ko naman hinihiling na sana magustuhan nya rin ako, maprotektahan ko lang sya, okay na ako."-ako

At naglakad na nga ako papalayo sa garden

Desidido na ako.

Kahit ano pang maging resulta, itutuloy ko to.

Hindi naman siguro masama kung magkakagusto ako sa isang babae diba? Tsaka ihahanda ko na rin yung sarili ko sa mga pwedeng mangyari.

Alam ko naman kasing hindi nya ako magugustuhan, at alam ko na kung sino yung taong gusto nya.

Pabayaan mo ng one sided love lang to, atleast mapaparamdam ko sa kanyang nandito lang ako.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon