*Chapter 01- New Friend?

156 3 2
                                    

Chapter 1

“Basta kapag may kailangan ka puntahan mo nalang ako sa 3rd floor ah?”

“Opo,salamat po ulit.:)”

Tapos umalis na si Manong na may-ari ng dorm.

Binuksan ko na yung pinto ng magiging kwarto ko.(Room 156)

Pagbukas ko naman. (=_=) Eto ang hirap kapag kumukuha ng dorm eh,gawa mo lahat.

Kahit pagod ako sa byahe,kailangan ko munang linisin tong magiging kwarto ko.

Pinasok ko muna lahat  ng mga gamit ko,baka kasi mawala kapag iniwanan ko sa labas.

Sabi pa naman ni mama,hindi raw katulad ng probinsya naming tong Maynila,marami raw masasamang tao kaya kailangang mag-ingat.

Linis...Linis....Linis..

Ako nga pala si Sarah Lhen Reyes,soon to be a 4th year student,15 years old. Bakit ako lumipat ng school? Ahh,bakit nga ba? Ewan ko,basta pinalipat lang ako ng mga kapatid ko dito sa Maynila,mas maganda raw kasi yung turo dito eh. Tsaka dito na rin ako mag-cocollege.

Siguro 1 month pa bago ang pasukan,pero lumipat na ako,di pa kasi ako nag-eenroll,yung mga gagastusin ko naman,ipapadala nalang daw nila Mama,kaya wala akong poproblemahin.

Back to Reality.

Ang sakit ng likod ko.>.<

Ng braso ko.>.<

At ng tiyan ko.>.<

Nagugutom na ako! Waaahh! T_T

Hindi pa naman ako nakakabili ng mga pagkain ko.

Itulog nalang natin.

(_ _) zzzzzzzzzzzzz.

*****

*BOOGSH*

“Hmm.” Sino ba yung maingay na yun?

Dinilat ko muna yung mga mata ko.

(_ O)

Tss,babae lang pala.

Pikit ulit..(_ _)

Kaingay ingay naman ng babaeng yun,ilalagay nalang  ng maayos yung bag ny-------

Teka.O_O BABAE?

“WAAHHHHHHH!”

“AHHHHHHHHHH!”

(.~~)......(>.<)

Tumayo agad ako at humarap sa kanya,nilagay ang mga kamay sa bewang at tinaasan sya ng kilay.

“Wow! Lakas ng loob magtaas ng kilay kanipis naman.”

“Ai napansin mo p---TEKA! SINO KA BA?”

Bwisit to..(-_-)

Nakita ko naman syang umayos ng tayo at ngumiti sakin.

Hmm,maganda naman sya,maputi,mahaba yung buhok kaso maliit.

“Ehem..ehem,ako nga pala si Michelinn Alvarez,15 years old,at ako ang makakasama mo sa kwarto na to for 1 year! Nice to meet you.:)”

MICHELINN?

MAKAKASAMA?

FOR ONE YEAR?

T-tong maliit at amazona na to ang makakasama ko dito?

“Ahhh..okay------ARAAAY!”

>.< Sabi ko sa inyo amazona to eh.

“Okay lang?Wala man lang ‘Hi! Ako nga pala si Kwan! Nice to meet you too!:)’ NU BA YAN!”

(~.~) Marunong pa sya sakin no? Hiyang hiya naman ako sa kanya.

“Eh bakit kailangan mong mambatok?”

“Syempre kailangan yun! Para maalog brain cells mo.” Tapos umupo sya sa tabi ko.

Tinititigan ko lang sya.

“Hayy,alam ko namang maganda ako eh,wag mo na akong lusawin.”

Pero hindi ko parin inalis yung titig ko sa kanya.

Bakit ko ginagawa to?

WALA LANG! BWAHAHAHAHA!!:D

“Psk,okayyyy. Im sorry! From the bottom of my hypothalamus! Tsaka nu ka ba? Kailangan nating maging magkaibigan. Hello?? One year tayong magkasama sa room na to tapos magka-away tayo? How sad ahh.” Sabay pilantik pa ng kamay nya.

“How arte lang ahh! Kailangan pati kamay pumipilantik?”

Natawa naman sya.

“Syempre! Ahaha.:D. Ahmm,so friends?” sabay abot ng kamay nya.

Tiningnan ko ulit.

“Seriously? Tititigan mo na lang yan forever??”

“Seriously din? Pakitigilan mo yang arte mo! Nakakairita!”

Tapos umayos naman sya,tumawa sandali.

Tsk,hindi naman talaga sya maarte eh,nang-iinis lang..Upakan ko kaya to?

“Okay na.. Game! Friends?”

Ngumiti naman ako bago nagsalita.

“Friends!” sabay abot ng kamay ko sa kanya at nakipag-shakehands sa kanya.

“Oh by the way! Tutal friend na kita,tulungan mo akong ayusin yung mga damit ko, mahirap kung ako lang mag-isa,diba?”

Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko kanina?(=_=’’) Anak mayaman pa yata to.

Author's Note.

"Medyo mabagal po yung pag-update dito,kasi tatapusin ko muna yung isa kong story.(Metanoia) 

Vote,comment narin para masaya.:)"

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon