Chapter 38-"Ako pa ba??"

39 1 0
                                    

Chapter 38-“Ako pa ba??”

(Lhen’s POV)

Nakayuko lang ako habang hitak hitak ako ni Ronald.

Nakakatuwang isipin na kahit may makaharap pa sya ng ubod nang gandang babae, sakin parin sya tumitingin. Pero nakakainis lang kasi bakit pa nila kailangang ipamukha sakin na “almost perfect” na sila samantalang ako, hindi?

Nagulat naman ako nung biglang pinisil ni Ronald yung kamay ko.

“Anu na naman yang iniisip mo?”

“Wala naman.”

“Sus, wala raw.. Pabayaan mo nalang yung mga yun.”

Tama, papabayaan ko nalang sila. Wala akong pakielam sa mga sinasabi nila, basta hanggat nandyan ka,dedma nalan ako sa kanila.

*************

“Nandito na yung mga costumes!!” napatingin naman kami agad kay Josette, sya kasi yung mag-aasikaso sa mga costumes.

“Patingin ako!!” lumapit ako sa mga costumes at nilabas isa isa.

Waaahh! Ang cute cute!! (>>__<<) Gusto ko ring magsuot ng ganto..

“Yan na ba yung susuotin namin?”-Mavy

“Oo, ang cute diba??”

Yung costume kulay black and white  lang, tapos meron pang parang headband na kulay black. Hindi naman masyadong maikli, yung sakto lang para sa mga boys.

Nagkakagulo na rin yung mga kaklase ko dahil sa costumes, yung ibang lalaki nga nagkukunwari pang bading habang sinusukat yung mga damit. Natutuwa ako! Hahaha.

Kumuha naman ako ng isa tapos pumunta ako kay Ronald, inaayos nya kasi yung mga kurtina.

“Ronald! Tingnan mo, eto na yung susuotin mo..” tumingin naman sya sakin tapos hininto nya na yung ginagawa nya, lumapit sya sakin at hinawakan yung damit na dala ko.

“Sa tingin mo, bagay sakin to?”-sya

“Oo naman! Basta ako talaga ang mag-aayos sayo.Ha?”

Ngumiti naman sya sakin at tinabi nya muna yung costume. “O sige.”

“Yey!!! Salamat!! Balik muna ako dun ha?”

Whooh!! Excited na ako sa Intrams..(^^_________^^)

(Ronald’s POV)

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya pabalik kela Mavy.

Buti naman napapangiti ko sya.:)

Yun lang kasi yung nakakapagbuo ng araw ko, yung ngiti nya. Kahit na magmukha na akong baliw sa iba, okay lang, mapangiti ko lang sya.

Ewan ba, pero talagang hindi ko kaya na nasasaktan sya, parang triple kasi yung sakin kapag ganun.

Inayos ko naman yung damit na binigay nya sakin at nilagay sa bag ko. Babalik na sana ako sa pag-aayos ng kurtina ng may nakita akong notebook sa sahig.

Teka,kay Lhen to ah?

Pano ko nalaman? AKO PA BA?? Basta kay Lhen malakas yung kutob ko. Wahahahaha.:D

Kinuha ko naman at ibabalik na sana dun sa table ni Lhen ng may nalaglag na papel galing sa notebook ni Lhen, pinulot ko naman at nung nakita ko yung nakasulat.

May naisip ako.(^__^)

Diba sinabi ko naman sa inyo na ayokong nalulungkot si Lhen? Kaya simula ngayon, mag-iisip na ako ng plano.

Inipit ko na ulit yung papel sa notebook ni Lhen at binalik sa table nya.

Hayy naku Lhen, mahalin mo lang talaga ako ng konti, ako na ang bahala magpadami.:)

~~~

Next week na ang birthday ko.:(( Sana maging masaya naman ako kahit papano kahit hindi ko kasama sila mama.*Lhen

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon