Chapter 29- "Ouch!"

50 1 0
                                    

Chapter 29-“Ouch!”

(Minn’s  POV)

“Hintayin mo muna ako dito ha? Wag kang aalis dyan, baka kasi mapagtripan ka ng ibang estudyante dito.” –Mark

“O sigeJ” pagkatapos kong sabihin yun, pumasok na sya sa office.

Nga pala, nandito kami ngayon sa Westridge, yung school na gaganapan ng battle of the bands? Nagtutulung-tulong kasi yung school namin, tong Westridge  tsaka yung St. John Academy  para dito sa event na to.

Bongga nga eh, minsan lang mangyari to kaya talagang marami na yung nag-aabang, tsaka hindi naman sila mabibigo dahil nakikita ko namang magiging maganda yung kakalabasan.

Pero naawa na nga ako kay Mark e, kasi talagang hindi na sya nakaka-attend ng mga klase nya para dito, sobrang busy nya, tsaka hindi  namin sya nakasabay kumain kaninang lunch, hindi ko tuloy alam kung nakakain na ba sya o hindi pa.

Hmm, bili ko kaya sya ng pagkain?

Talino ko talaga! (^O^) Wahahaha!!

Pero wag daw akong umalis dito eh.

Hmm, sandali lang naman yun.

Habang naglalakad ako papalabas ng Westridge, may nakakasalubong pa akong mga taga-ibang school na sasali rin yata sa battle. Bongga naman! Mukhang maraming makakalaban sila Lhen ah?

Speaking of Lhen! Ang haba ng hair ng bruhang yun! Hmm, ako kaya? Kailan ako bibigyang bouquet ni Mark??

AY ASA NAMAN AKO DIBA?(=_____=) Hindi ko nga alam kung may gusto ba sakin yun o ano--------

*boogsh*

“Ouch!” napahawak naman ako bigla sa may bandang dibdib ko. Shocks naman! Daming matatamaan dun pa?

Napatingin naman ako sa babaeng nakabunggo sakin.

“Im sorry Miss. Okay ka lang ba?”

Kung titingnan mo sya, para syang anghel na tinanggalan ng pakpak. Sobrang puti,tapos medyo maliit din sya, pero nakakainsulto kasi MAS MALIIT PA RIN AKO! Imbey. (~~.)

“Mukha ba akong okay?” tapos tinaasan ko sya ng kilay. Wala akong pakielam kahit marami syang kasama, EH SA NASAKTAN AKO EH!

“Ang arte neto ah! Ano Sha? Saktan ko n----“ lalapit sana sakin yung isa nyang kasama kaso hinarang nya naman yung kamay nya. Psh.

“Look, hindi ko sinasadya okay? Sorry” Hmm. Mukha naman syang sincere eh.

“Okay, apology accepted.”

Nilagpasan ko na sila habang yung mga kasama nya parang gusto akong kainin ng buhay. Tse! Bahala kayo.

Kaso hindi pa ako nakakalayo ng nagsalita ulit sya.

“Sa susunod Miss, wag kang lutang kapag naglalakad.K?”

ABA!

Tumalikod ako para sana tingnan sya kaso naglalakad na sila papalayo. Ayoko namang sumigaw dito at baka makagawa pa ako ng eksena.

ARGGH! Kainis! Hindi naman ako lutang ah??? Iniisip ko lang kanina si Mark pero---------

OKAY FINE! Nagiging lutang ako kapag iniisip ko si Mark. May magagawa ba ako dun? Tss.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang tindahan. Nung nakabili na ako, naglakad na ulit ako pabalik sa office ng Westridge. At kung sinuswerte nga naman ako ngayong araw....

Kausap pa ni Mark yung babaeng nakabunggo ko kanina!! Errrr.

Lumapit naman ako kay Mark para ibigay yung pagkain na dala ko. Medyo nagulat pa nga sya nung una pero kinuha nya rin agad.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon