Chapter 21- "Blush?"

49 1 0
                                    

Chapter 21-"Blush?"

Sinundan ko na si Ronald papunta sa canteen. Tutal 30 minutes pa naman bago yung next subject namin, tsaka nauuhaw na rin kasi ako.

Si Ronald talaga, wag mong sabihing nagugutom na sya? Ang takaw talaga.

Pero ang cute nya.(>///<) Ssshhh lang kayo, kahit na sinasabi ko sa kanya na nakakainis sya kapag inaagaw nya yung mga pagkain ko, o kaya naman kapag kumakain sya sa tuwing tumitingin ako sa kanya, sa ganong paraan, I find him cute.:)

Yung ibang lalaki kasi, hindi na malaman kung ano yung gagawin nila para lang maging macho, pero sya, wala syang pakielam kahit lumaki pa yung tiyan nya, basta ang mahalaga, nabusog sya, tapos!

Tsaka hindi sya yung tipong pa-cute. Natural na sa kanya yun, kahit may kanin sya sa gilid ng bibig nya o kaya naman may laman yung bibig nya habang nagsasalita, cute pa rin sya.

At dahil dyan, crush ko talaga sya.>///< Hihihi

Feeling ko ang landi ko na. Ahahaha.:D

Nung nasa canteen na ako, nakita ko syang namimili ng mga tinapay, kaya ang ginawa ko,dahan dahan akong lumapit at ginulat ko sya.

"BOO!"

"AY KALABAW KA MANONG!"-Ronald

Ahahaha.:D Magugulatin pala tong si Ronald, tapos sinabihan pa ng ganun si Manong, yung nagtitinda.:D

Kaya ang ginawa ni Ronald, nag-peace sign naman sya kay Manong, tapos tumingin sakin.

"Lhen naman!"-Ronald

"Ahahaha.:D"-ako

"Tawa tawa ka pa dyan.*pout* Bakit ka ba nandito?"-Ronald

Huminto naman ako sa pagtawa, medyo pinagtitinginan na rin kasi ako nung ibang estudyante , mapagkamalan pa akong baliw.

"Iinom lang,masama?" tapos pumunta ako dun sa may gilid ng canteen, meron kasi dung dalawang jag na malaki, tapos katabi nun yung mga baso.

Pagkakuha ko ng baso, kukuha na sana ako ng tubig sa jag kaso inagaw naman agad ni Ronald yung hawak kong baso.

"Teka-----"-ako

"Lilibre nalang kita ng juice, baka kung sinu-sino pa yung umiinom dito." tapos binalik nya yung baso dun sa parang tray at HINAWAKAN yung kamay ko sabay hitak sakin papaupo dun sa isang table.

"Dyan ka lang." tapos umalis sya.

Tinitingnan ko lang sya habang bumibili sya ng juice tsaka mga tinapay. Oo, MGA TINAPAY talaga, di pa kayo nasanay, matakaw yang kasama ko.

Nung tapos na syang bumili, bumalik sya dito sa table, tapos binigay nya sakin yung isang juice tsaka yung isang tinapay.

"Teka,di naman ako nagugutom eh." sabay abot ko ng tinapay sa kanya, kaso binigay nya ulit sakin.

" Baka sumakit tiyan mo kapag juice lang ang ininom mo."-Ronald

"Bakit naman?"-ako

"Ahhhh... ewan ko.hehe, basta kainin mo na yan, minsan lang akong manlibre no"-Ronald

Sabagay.:D

Yun nga, kumain na kaming dalawa.

Nung una, tahimik lang kaming dalawa, pero siguro after 5 minutes, napapansin kong nakapalumbaba na sya habang......nakatingin sakin??

Teka,ubos nya na yung tinapay nya??

Tumingin naman ako sa kanya tapos tinaasan ko sya ng kilay.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon