Chapter 24- "Uwi-uwi din pag may time.:D"

71 1 0
                                    

Chapter 24-"Uwi-uwi din pag may time.:D"

(Minn's POV)

"Napagod ka ba?"-Mark

"Ako? Pagod? Katabi ko yung vitamins ko mapapagod ako?? OH COMMON!"

OOPPS! Hindi ko yun sinabi no! Asa naman. Ahahaha.:D

"Ahh, hindi naman,ayos lang.:)"-ako

Pauwi na nga pala kami ngayon. Katatapos lang kasi naming gawin yung mga pinapapirma para sa Intrams next next week.:) Ang dami ngang activities eh, nakakaexcite tuloy.:D

Tsaka mag-isa nalang akong uuwi ngayon sa dorm,nagtext kasi kanina si Lhen sakin, mauuna na raw syang umuwi kasi sumasakit yung ulo nya,kaya pumayag na ako.

"Sorry ha? Ikaw pa yung pinili ko para maging assistant ko,wala na kasi akong ibang maisip eh."-Mark

Halu! Ibig sabihin ako lang yung iniisip nya?

Kilig!!(^////^) Ahahaha,:D

Kakaadik pala kapag pagod no?(-O-)

"Ayos lang yun nu ka ba! Tsaka nag-enjoy naman ako eh."-ako

Oo nag-enjoy talaga ako. Kahit medyo nakakapagod,nakatakas naman ako sa mga lessons. Bwahahaha.:D Tsaka ang tagal ng silay ko! Kaya masaya talaga ako.:D

Nakita ko namang ngumiti sya.

Pwede bang manapak? Nagpapacute pa sakin eh ang pogi pogi nya na.

Ay naku Michelinn! Manahimik ka dyan.(=__=)

Sabay naman kaming naghintay ng jeep sa may waiting shed. Konti nalang yung mga estudyante kasi 6:30 na rin. Di ko namalayan yung oras.

Nung may dumating ng jeep, sumakay naman kami agad ni Mark. Pinauna nya pa nga ako sumakay eh. Gentleman!:D

Tahimik lang kami habang nasa byahe, sa totoo lang medyo tahimik din si Mark,pero mas tahimik parin si Nick sa kanya. Kumpara naman kela Xianne, Mavy at Ronald, tahimik talaga sila. Tsaka hindi naman kami ganung nag-uusap ng matagal, pero close kami. Magulo ba? Pasensya,magulo ako eh.(^__^)V

"Manong! Bayad----------"-ako

"Libre na kita." tapos nag-abot sya ng 50 pesos sa driver.

Hindi naman na ako nakapagsalita kasi nakapagbayad na sya. Bakit ganto? Ang tahimik ko ngayon? AMAZING!

Nung nasa tapat na kami ng dorm,nagulat ako nung pumara sya. Tatanungin ko sana sya kaso bumaba muna kami.

"Teka Mark, bakit bumaba ka pa?"-ako

"Ahh, baka kasi mamaya nandito ulit sila Kris, mabuti na yung sigurado."-Mark

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Ganun? Sige,salamat. Pasok ka muna?"-ako

"H-hindi na. Aalis na rin ako. Sige." sabay takbo nya.

Napano yun? Ngumiti lang ako nautal na? ALAM NA!:D

************************

"LHEN!!! NASAN NA YUNG COOKIES KO?"

Nilapag ko muna yung bag ko sa kama, tapos nilapitan ko sya. Naabutan ko syang nakahiga eh.

Ang alam ko kasi mag-bebake kami ngayon ng cookies, eh dahil nga sa tumulong ako kay Mark baby honey cutie pie lovey doo-----AY! Hahaha.:d. Sorry, nadala lang ng emosyon, hindi na ako nakapag-bake.

"Wala na,inubos na ni Ronald."-Lhen

"Eh? Wala na talaga?"-ako

"Wala na nga,tsaka hindi naman masarap."-Lhen

"Weh? E akala ko ba naubos ni Ronald?"-ako

Nagugutom pa naman ako!!

" Ewan,basta inubos nya."-Lhen

"Hmp. Sige na nga, magluluto nalang ako ng ham." tumayo naman ako at pumunta dun sa may mini ref namin. Kumuha ng ham tapos nilagay ko muna sa isang plato.

Habang hinahanda ko yung kawali,nagsalita bigla si Lhen.

"Minn, may pumunta dito kaninang babae, hinahanap ka."-Lhen

Nilagyan ko na ng mantika yung kawali nung uminit na.

"Talaga? Ano raw pangalan?"

" Gabrielle daw. Kapatid mo raw sya eh."-Lhen

O_O

Napatingin naman ako kay Lhen. Si ate? Hinahanap ako? Pero pano nya nalaman na nandito ako?

"A-ano yung sinabi?"-Minn

"Wala naman,nung sinabi ko kasing nasa school ka pa umalis na. Teka,kapatid mo ba talaga yun?"-Lhen

Binalik ko naman yung atensyon ko dun sa kawali,tapos nilagay ko na yung ham.

"Oo, isa lang naman yung Gabrielle na kilala ko eh."

"Pero ang ganda nya ah! Bakit sya hindi maliit?"-Lhen

(=____=)

"E kung hampasin kaya kita ng sandok? Tsk" nung nakita kong luto na, hinango ko na tapos nilagay ko sa plato.

"Joke lang! Haha. Pero mukhang nag-aalala talaga sya eh. Hindi ka pa ba babalik sa inyo? Aba, uwi uwi din pag may time!:D"-Lhen

Umupo muna ako sa lamesa habang kumakain.

"Ayoko pa,hindi pa ako ready sa mga sermon ni dade."

Umupo naman sya sa kama tapos tumingin sakin.

" Kahit naman kailan ka umuwi,makakatanggap ka ng sermon. Pasaway ka rin kasi."-Lhen

Pero matagal ko na ngang iniisip yan eh, namimiss ko na rin kasi si Ate. Kahit naman palagi kaming kino-compare, mabait sakin si Ate.

Tsaka namimiss ko na rin yung kwarto ko!T__T

"Oo na.(=__=)"-ako

"Mabuti ka pa nga,kahit na anong oras pwede kang umuwi sa inyo,pwede mong makita yung mga magulang mo. E ako? Kailangan ko pang tapusin yung pag-aaral ko dito bago ako umuwi. Namimiss ko na nga rin si mama eh."-Lhen

Napabuntong hininga nalang tuloy ako. Sa totoo lang nahihirapan ako sa gantong buhay,yung tipong gawa ko lahat? Dati kasi spoiled ako sa lahat, yung lahat ng hingin ko nakukuha ko. Pero ngayon, hindi, kailan kong magtipid, hindi ko na nabibili yung mga gutso kong damit tsaka mga sapatos.

Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko habang si Lhen ayun, natulog na yata.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon