Chapter 61- The Plan

16 1 0
                                    

Chapter 61- The Plan

Pagkatapos kong malaman kung saan nagpunta si Lhen, tinext ko na agad ang tropa at sinabing mamayang uwian, kailangan naming mag-usap usap.

Hindi na rin ako pumasok ng hapon. Nakakatamad na kasi.

Sino ba namang gaganahang pumasok kung wala na yung dahilan ng pagpasok mo? Okay, masyadong madrama, pero tinamad na talaga ako. Umuwi nalang ako sa bahay at nagkulong sa kwarto.

Ilang oras ko palang hindi nakikita si Lhen, pero feeling ko nanghihina na ako. Hay.

Habang naghihintay ng oras, nagpatugtog nalang ako.

Now Playing: Bulletproof Love by Pierce The Veil

Napahiga nalang ako agad at napatingin sa kisame. Bakit kaya hindi ako tinext ni Lhen? May problema kaya?

Hindi ko na rin inasikaso yung grade ko, alam ko naman kasing papasa ako. HAHAHAHAng hirap tumawa ngayon.:/

Habang iniisip ko kung bakit hindi nagtetext si Lhen, napapikit nalang ako bigla at.

ZZZZZZZZZZZ.

------------------------------

“HOY RONAAAAAALD!!”

Teka, boses ni Lhen yun ah?

“BAKIT HINDI KA PUMASOK??”

Waaaah! T^T Si Lhen nga yun!!

Dinilat ko na agad yung mga mata ko at---------

Teka? Nasan si Lhen??

“HOY LALAKI KA! SABI MO PUPUNTAHAN MO SI LHEN? BAKIT NANDITO KA?? NASAN NA SI LHEN??”-Minn

Napayuko nalang ako bigla. Akala ko naman nandito na si Lhen. Wala parin pala.:(

“Totoo ba yung text mo Ronald?”-Mavy

Napatango nalang ako. Nandito silang lahat ngayon sa kwarto ko. PERO PAANO SILA NAKAPASOK?? Psh, pabayaan na nga.

“Teka! Anong text?? Bakit hindi mo tinext sakin??”-Minn

“Hindi ko alam yung new number mo.”-ako

“Shunga! Giniem ko yun! Hindi mo na naman sinave! Tss. So ano nga yun?? Nasan si Lhen??”-Minn

Tumingin naman ako kay Mavy at sinenyasan na sya na yung magsabi. Wala ako sa mood magsalita ngayon, wala ako sa mood gumalaw. NAKAKATAMAD TALAGAAAA.

“Umuwi na sa probinsya nila si Lhen. Baka next year na sya umuwi dito.”-Mavy

“OMG! ANOOO?? BAKIT? BAKIT HINDI NYA MAN LANG TAYO TINEXT??”-Minn

Napabuntong hininga nalang ako. Sa mga ganitong panahaon, kaharap ko na yung mga pagkain, pero  ngayon hindi ko pa nararamdaman yung pagwawala ng tiyan ko.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon