"So class,this week na ang recollection nyo sa Bahay Puso. Kailangan nyong magbayad ng tig-50 for foods. 8 ang alis so bawal ang malate."
"O Minn,bawal daw ang late."-ako
"Sus,pustahan 9 na alis nyan."-MinnRecollection. Sabi nila kuya dun daw yung time na mag-iiyakan kayo. Iniisip ko nga kung ano yung ipapagawa samin at magiiyakan kami. Papakainin kaya kami ng sili? Ay talaga namang iiyak ako nun.(/'Д`)/
Pero nakakaexcite din.
-----
"Guys,san nyo balak mag-college?"-GiennKatatapos lang naming kumain kaya tumambay muna kami sa may rooftop. Malakas kasi ang hangin dito.
"Baka sa Ateneo ako."-Minn
"Wala bang entrance exam dun?"-ako
"Oo nga no? Ewan ba."-Minn┐('д`)┌
"Ano ba naman kayo,ayoko ngang naiisip yung graduation e."-Minn
"Iiyak na yan!"-Ronald
"Mauna ka."-Minn"Ikaw Lhen,dito ka parin ba sa Maynila magcocollege?"-Ronald
Umiling naman ako. Napag-usapan na kasi namin nila mama yan,na sa Bataan ako mag-cocollege. Magaganda rin naman ang mga universities dun.
"Pero bakit?? Babalik ka sa Bataan after graduation?"-Ronald
"Oo,napag-usapan na kasi namin yan nila mama e."Nakita ko naman yung paglungkot ng mga mukha nila.
"May skype naman guys."
Pero ganun parin yung mga mukha nila.
"Ahh,text? Tawag?"
Kaso,ganun parin.
Napabuntong hininga nalang tuloy ako.
"Sa halos isang taon kong pag-aaral dito,marami akong natutunan,marami akong na-experience,at yun ay dahil sa inyo. Natutunan kong lumaban,natutunan kong makisama, oo mahirap dahil malayo ako sa pamilya ko,pero dahil sa inyo,naramdaman ko na may pamilya parin ako dito."Nakita ko naman silang lahat na ngumiti,kaya ngumiti narin ako.
"Salamat sa lahat. Hindi ko kayo malilimutan. Promise,kapag may pera ako dadalawin ko kayo dito."
"Waaah!! Naiiyak ako!"-Princess ( TДT)
"Ako rin."-Minn (╥﹏╥)"Group hug!!"-Mavy
------------
Araw ngayon ng recollection,at tama nga si Minn dahil 9 na kami nakaalis ng school. Sumakay kami sa mga inarkilang jeep at pumunta na sa Bahay Puso. Mga 30 minutes din ang byahe namin bago kami nakatuntong sa bahay puso.Tahimik lang ang lugar. Sa labas para syang opisina,pero pagpasok mo parang simbahan,wala nga lang mga santo.
May mga upuan na ring nakahanda dun. Kaya ang sabi ng mga teachers namin,umupo na kami.
Nung nakaupo na kaming lahat,nakita na namin ang pinaka-speaker ng recollection.
"Magandang umaga sa inyo. Ako nga pala si Fernando Hernandez."
Nasa kaliwa ko si Ronald,at nasa kanan ko naman si Minn. Lahat kami nakikinig kay Mr. Hernandez.
"Nandito kayo ngayon para alalahanin ang mga experiences nyo ngayong highschool. Mga nakakatuwang experience,mga malulungkot,lahat. Para bago kayo gumraduate,masasabi nyo na napakasaya talaga ng highschool life."
Ngayon palang naiiyak na ako. Hahahaha
Nagtatanong si Mr. Hernandez ng mga kakaibang experiences. At isa sa mga natanong ay si Micka.
"Dito ka sa harapan hija."-Mr. Hernandez
"Magandang umaga po." tumingin muna sya samin bago ulit nagsalita."Simula first year po ako,si Kate lang ang naging kaibigan ko. Marami kasing nagsasabi na ang arte arte ko raw,na masyado raw akong prangka,mataray,pero syempre,kahit ganun ako,nasasaktan parin ako sa tuwing nakakarinig ako ng mga masasakit na salita mula sa kanila."
"Tapos nagka-crush ako,ang gwapo at ang bait nya kasi,kaya ginawa ko ang lahat para lang mapansin nya ako."
Tumingin naman ako kay Ronald,at nakita ko sya na seryosong nakikinig kay Micka.
"Hanggang umabot kami ng fourth year,sya lang talaga ang nagustuhan ko. Inaaway ko nga rin yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Tapos may isang transfer student na nakabihag ng puso nya."
"Nung una hindi ako makapaniwala,kasi talagang yung transfer student pa na yun ang nagustuhan nya? E ako nga ang tagal tagal ko ng nagpapapansin sa kanya,tapos ilang buwan nya palang nakakasama yung transfer student nagustuhan nya agad?"
"Nagselos talaga ako,sobra,iniisip kung ano ang nagustuhan nya dun sa transfer student. Pero nung nakilala ko na ang transfer student na yun, parang na-guilty ako. Sobrang bait nya kasi. At maganda pala talaga sya,hindi lang gaanong nag-aayos."
"So anong natutuhan mo sa experience na yun?"-Mr hernadez
"Wag agad manghusga ng isang tao. Kilalanin muna natin sila."
Nagpalakpakan naman kami para kay Micka,at bago sya umupo,tumingin muna sya sakin at ngumiti.
Nagdiscuss naman si sir ng mga bagay bagay about sa mga teenagers ngayon. Na masyado raw mapupusok. Tama naman yun e.
Nung mga bandang 11:30,pinag-lunch muna kami. Binigyan nila kami ng tig-i-tig-isang pagkain. Ang nakakalungkot lang,bawal kang umalis sa pwesto mo.
Nag-resume kami ng 1,tapos ginrupo nya kami by section,bumuo kami ng circle,tapos kailangan daw naming magshare ng mga sad experiences.
Katabi ko naman ngayon sila Ronald at Xianne.
Yung ibang kaklase ko,umiiyak habang nagkekwento. Nakakalungkot nga naman kasing balikan yung mga naranasan mo na dati,na ayaw mo nang balikan.
Nung ako na,kinwento ko yung time na namatay si papa. Pinipigilan ko ngang wag umiyak,kaya hinawakan ni Ronald ang kamay ko.
Ganun din ang kinwento ni Ronald,at sa pagkekwento nya,dun ako naiyak. Ewan ko,parang baliw no?
Pagkatapos nun,pinabalik na kami sa mga upuan namin.
Maraming nangyari sa recollection,pero yung talagang hindi ko kinaya,nung pinasulat si Mr. Hernandez ang 10 mga tao sa buhay mo na talagang importante sayo,at kailangan mong mamili kung sino ang gusto mong matira. Grabe,ang hirap nun.
Pagkasakay nga namin sa jeep,halos lahat kami namamaga ang mga mata.
"Ingat kayo.:)" nagbabye nalang kami ni Ronald sa kanila bago kami pumasok sa dorm. Magpapawala raw muna ng maga ng mata si Ronald,baka raw kasi maparanoid yung mama nya.
Pagpasok namin sa kwarto ko,binuksan ko lang ang tv at parehas kaming nanuod ng tahimik. Masakit din pala sa ulo ang sobrang pag-iyak.
"Lhen."
Napatingin naman ako bigla kay Ronald. "Bakit?"Nung tumingin sya sakin,nakita ko na malungkot parin yung mga mata nya.
Dahan dahan nya akong niyakap.
"Wag mo kong iiwan ha?"
Niyakap ko na rin si Ronald at tumango,siguro nasobrahan lang sa recolletion tong si Ronald.
Pero hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...