Chapter 23- "Masarap naman ah?"

150 1 0
                                    

Chapter 23-"Masarap naman ah?”

(Lhen's POV)

Lumabas na si Mam Acuna pagkatapos nyang mag-discuss ng konting chu chu about sa lesson namin. Si Minn? Ayun! Sumama agad.(=__=) Ni hindi man lang nagpakipot.

Pero sabagay,para narin magkaroon sila ng time together! Hahaha. Madalas ko kasing napapansin na kapag magkakasama kami hindi naman sila ganung nagpapansinan.

Susunod na subject namin. T.L.E.,kaya pumunta kami agad dun sa room namin. Bale kapag T.L.E. kasi, nagiging chef kaming lahat.:D Tinuturo samin kung pano magluto ng mga ulam, at mag-bake ng mga cookies.

"So class! Ang activity natin ngayon ay ang pag-bebake ng cookies! Nasa whiteboard ang procedure at yung mga ingredients, nasa table nyo na lahat."

Malaki tong room namin. May kanya kanya kaming tables tapos meron din sa gilid ng mga gamit sa pagluluto. Yung mga ingredients naman, binabayaran nalang namin.

"LHEN! TABI TAYO!"-Ronald

Nilagay nya naman lahat ng mga ingredients nya sa katabing mesa ko.

"Kailangan talaga nakasigaw?"-ako

Nginitian nya lang ako. Naku! Buti nalang nasanay na ako sa ngiting yan,kundi baka himatayin ako dito ng wala sa oras. OA.(=__=)

"Lhen,patulong naman." sabi sakin ni Mavy habang hawak nya yung isang mangkok, nandun na yata yung mga ingredients para makagawa ng cookies.

"O sige. Ano ba yu--------"

"Ano ba yung dadalhin sayo? Eto?(sabay kuha nung baking powder) Oh!"-Ronald

Napatingin naman kami parehas kay Ronald.

“Lhen ba yung pangalan mo?”-ako

Hindi nya naman ako pinansin, nakatingin lang sya kay Mavy, tapos nung tumingin naman ako kay Mavy,nakatingin lang din sya kay Ronald.

AY SIGE MAGANDA YAN! MAGTITIGAN KAYONG DALAWA!(-__-‘’) Tss.

Hindi ko na sila pinansing dalawa,hinanda ko nalang yung mga gagamitin ko para makapag-bake na ako.

Kanina pa yang dalawang yan eh. Parang mga shunga.

Pero kinakabahan din ako.(>__<) Sana masarap tong cookies na ibebake ko.

“Ahh,Lhen,gusto mo sayo na lang yung mga ibebake ko?”-Mavy

Napatingin naman ako kay Mavy, magsasalita sana ako kaso sumingit na naman tong Bratz na to.

“Naku Mavy wag na! Baka mamaya kulang pa yung ibebake mo sa sobrang takaw--------Uy Lhen sexy mo! Ahahaha.”-Ronald

(.~~) Tiningnan ko kasi sya ng masama. Loko loko talaga kahit kailan.

“Naku wag na. Meron naman akong ibe-bake kaya yun nalang yung sakin.”-ako

Pagkatapos nun,hindi na sya nagsalita,kaya pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko.

“Lhen.” Napatingin naman ako kay Ron---------

“IIIHH!”

(>__<) At yung buwang naman tawa ng tawa. Pano ba naman kasi pagharap ko sa kanya nilagyan ako ng harina sa ilong.(>__<) Buwang talaga.

“Uupakan kita Ronald! Tsk.” Sabay punas ko sa may ilong ko.

“May problema ba Lhen?”-Mam

“Ahh,wala po!”-ako

Mabuti naman hindi na sya nangulit pagkatapos  nun,parang sineseryoso yung ginagawa nya eh.:D

Ako naman, ilalagay ko nalang sa oven yung ginawa ko at pagkatapos nun,pwede nang tikman! Yey!!\(^O^)/

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon