Chapter 39- "Mahirap kasi.."

40 1 0
                                    

Chapter 39- “Mahirap kasi..”

(Mark’s POV)

“Mark,okay na ba yung mga pinapagawa ko sayo?”-Mam Ho

“Opo, nilagay ko na po sa table nyo.”

“Sige,salamat.”

Pagkaalis ni Mam Ho, pinagpatuloy ko naman yung ginagawa ko. Kailangan ko na kasing papirmahan tong program para sa Intrams kaya kailangan ko na talagang matapos. Buti nalang halos lahat ng papapirmahin ko pumasok kahit Sabado.Medyo na-late na rin kasi yung paggawa namin, palagi kasi kaming pinapupunta sa Westridge, yung para sa Battle of the Bands.

“Excuse me, Minn, pakibigay naman to kay Sir Calupit, tapos pakitingnan na rin sa faculty kung nandyan si Mam Roque.”

“Okay po.” Napatingin ako sa direksyon ni Minn, papaalis na sana sya pero pinigilan ko.

“Minn.” Tumingin lang sya sakin.

“Sabay tayong mag-lunch?” tumango lang sya at umalis na sa office. Napabuntong hininga nalang tuloy ako.

Kanina pa sya ganyan e, o kahapon pa. Tinatawagan ko kasi pero hindi naman nya sinasagot, tapos kanina, kung hindi tango, ‘oo’ at ‘hindi’ lang ang sinasagot nya sakin. Dati naman talagang nakikipagkwentuhan pa sya sakin,pero ngayon parang... Hayy.

Napahawak tuloy ako sa ulo ko. Wala naman akong matandaan na ginawa ko para magalit sya sakin, pero nagagalit nga ba sya sakin? Sana hindi.

O baka naman nag-away sila ni Lhen?

Hmm, puntahan ko kaya muna si Lhen?

Tinext ko naman sya at tinanong kung nasan sya, nung sinabi nyang nasa room, nagpaalam lang ako saglit sa ibang teachers para pumunta sa room nila Lhen.

Medyo nahihilo na rin ako dala siguro ng pagod, pero kaya ko pa namang tiisin.

Nung nasa room na ako nila Lhen, nakita ko sila na nag-aayos para sa Intrams. Ang galing naman, talagang tulung-tulong sila.

“Oh Mark! Wala si Minn dito.”-Ronald

Napatingin naman ako agad kay Ronald, loko loko talaga. Napakaingay kahit kailan.

Nung nakita ko na si Lhen, sinenyasan ko syang lumapit sakin.

“Oy! San kayo pupunta?”-Ronald

“Manahimik ka dyan. Tapusin mo muna yung ginagawa mo.”-ako

Nung nakalapit na sakin si Lhen, nagsalita na naman si Ronald. Hay naku talaga.

“Oy!!!”-Ronald

“Pahiram muna saglit!!” sabay hitak ko kay Lhen papunta sa garden.

Nagtatanong pa nga si Lhen kung ano yung problema ko,pero sinabi ko naman na sa garden nalang kami mag-usap.

*sa garden

“Bakit ba Mark? At talagang dito pa tayo mag-uusap? Pwede namang sa room nalang.”

“May tanong lang ako sayo.. N-nag-away ba kayo ni Minn?”

Tinaasan lang ako ng kilay ni Lhen. “Hindi naman. Bakit?”

Hindi? Ibig sabihin, talagang lumalayo lang sya sakin? O galit sya sakin? Aahh! Nakakainis!

Kahit na isang araw pa lang syang ganun sakin, ang laki na ng epekto.

“Sa tingin mo, galit ba sakin si Minn?”

“Hmm, wala naman syang nababanggit na nagagalit sya sayo. Bakit ba?”-sya

At yun nga, sinabi ko sa kanya na parang nilalayuan ako ni Minn. Umupo muna kami sa isang bench sa garden.

“Ahh. Loko loko talaga yung si Minn, pero, hindi mo rin kasi sya masisisi e Mark.”

Napatingin naman ako sa kanya. “B-bakit ba? Ano ba yung nagawa ko?”

Napailing nalang si Lhen. “Alam mo Mark, torpe ka na nga, manhid ka pa. Bakit ba kasi hindi ka pa umamin?”

“Mahirap kasi,   hindi ko nga alam kung gust---------“

“Kung gusto ka rin nya? Ano ka ba Mark? O halimbawang walang gusto sayo si Minn, e ano naman? Masama bang magsabi ng nararamdaman mo para sa isang tao? Tsaka bakit mo ba iniisip na walang gusto sayo si Minn?? Nakuuuu~ Kamanhid talaga..”

Napabuntong hininga nalang ulit ako.

“E kasi, sa tuwing magkakasama tayo, palagi syang napapatingin sa mga sikat dito sa school, yung mga gwapo ba? E kung tutuusin, wala akong panama sa kanila, kaya naiisip ko na baka hindi ako gusto ni Minn.”

“Sus, napapatingin lang naman pala. E ako rin naman ah? Tumitingin din sa kanila, pero syempre, iba at alam ko naman kung sino talaga yung gusto ko.”

“Sino? Si Ronald?” tapos ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko. Snimangutan nya lang ako, tapos tumingin na sa ibang direksyon. Hahaha. Napaghahalata na e.

“Pero Mark, kung ako sayo, umamin ka na. Baka kasi mamaya, maunahan ka pa.” Sabay alis ni Lhen

Napatunganga naman ako sa sinabi nya.

Maunahan? Bakit? May nanliligaw na ba kay Minn?

Hindi. Hindi to pwede.

Napatayo ako at naglakad na pabalik sa office.

Hindi ko hahayaang makuha si Minn ng iba.

Sakin lang ang maliit na yun.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon