Chapter 43- "I love you"

35 0 0
                                    

Chapter 43- “I love you”

(Princess’ POV)

“Isang cappuccino raw sa table 6!”-Mavy

Hinanda naman agad namin yung order. Sa totoo lang medyo kumonti na nga yung customers ngayon kaysa kanina, halos malito na nga kami sa dami ng umoorder.

Pero kahit nakakapagod, Masaya naman. Tulung tulong kasi talaga para lang maging maganda yung kalabasan nitong booth namin.

“Heto na!!”-Minn

Inabot naman ni Minn kay Mavy yung order kaya nakaupo na kami pag-alis nya.

“Kakapagod.”-Lhen

“Oo nga. Init pa. Tsk.”-Minn

“Libot naman tayo.”-Gienn

Oo nga, simula nung nagbukas yung booth, hindi na kami nakapaglibot sa school. Masyado kaming naging busy dito kaya halos hindi na namin nakikita yung iba pang booths.

“Oo nga! Tara!” sabay tayo ni Minn

“Teka, pwede ba? E may mga dumadating pang customers.”-ako

“Pwede yan! Tara na.” Tapos hinila na nila si Lhen.

Hindi na rin ako naka-angal kaya sumunod nalang ako. Nagpaalam muna sila sa president namin bago sila lumabas.

“San kayo pupunta?”-Xianne

Natatawa parin talaga ako kapag nakikita ko syang naka-costume.:D Pero hanggat maaari, pinipigilan ko.

“Maglilibot lang.”

“E? Iiwan mo ako?”-Xianne

“Batukan kaya kita? Saglit lang kami.” Ngumiti naman sya bigla, alam ko namang niloloko nya lang ako kaya ganyan sya.

“Sige, ingat kayo.” Bumalik naman sya agad sa mga customers.

Kakainis nga e! Yung mga pumapasok dito halata namang yung mga boys lang namin yung gusto. Tsk. Pero ayos na rin para lumaki yung kita ng booth. *evil grin*

Sumunod naman na ako kela Gienn. Grabe, ang dami paring tao na bumibisita dito sa school namin. Karamihan mga taga-ibang school.

“Tara dun tayo!”-Lhen

Medyo maraming tao kaya nahirapan kami sa pagsiksik.

“Teka lang! Wag kang magulo!”-boy 1

“Kuhanin mo yung pink na teddy bear! Iyun yung gusto ni Allysa e.”-boy 2

Bale may mga teddy bears, libro,keychain, at iba pang accessories ang nasa baba, tapos sa taas naman may mga lobo. Iba iba yung kulay ng lobo tapos may kanya kanya ring panalo kapag nakaputok ka ng isa dun. Ang kaso,meron dung kulay black na lobo, kapag naputok mo yun, magbabayad ka ng 50 pesos.

“Boring dito. Dun tayo sa iba.”-ako

Umalis naman kami dun at naglakad pa sa ibang booths. Nakakatuwa nga kasi yung iba ngayon lang namin nakita.

“Pasok tayo ng horror booth!!!”-Lhen

“Manahimik ka oy! Pumasok ka mag-isa.”-Minn

“Tara! Game!”-Gienn

(=__=)----Minn

“Sige, kaming dalawa nalang ni Pri-----------“ tumabi naman ako agad kela Lhen.

“Go!”-ako

Sinimangutan lang kami ni Minn. Haha. Wala na rin naman syang magagawa kaya sumama na rin sya samin.

Bumili muna kami ng ticket bago kami nakapasok sa loob. Nung una nga ayaw pa naming pumasok kasi sobrang dilim, pero nung si Gienn na yung nauna, sumunod na kami.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon