~Pagpasensyahan na kung ganyan ang title, wala talaga akong maisip. Hahahaha
----
Chapter 47- Untitled
(Lhen’s POV)
O_o Nagawa ko talaga yun? As in?
“Lhen! Ang galing mo!”-Mavy
Napatingin lang ako sa kanya na parang shunga. Kahit sinasabi na ng utak ko na “Hello? Mind to Earth Lhen? Tapos na yung performance nyo.” Ang kaso ayaw paring sumunod ng katawan ko.
Ang sarap pala sa feeling na ang daming sumusuporta sayo. Mabuti na lang talaga hindi ako pumiyok kanina, kasi kinakabahan pa ako kanina, pero pasalamat narin ako kay Ronald, kasi kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi ko magagawa yun.
“Lhen?”
Napapikit nalang ako bigla. GRABEE! ANG GANDANG EXPERIENCE NITO! First time kong ginawa to pero sobrang saya talaga.
“Huy Lhen!!”
Napadilat nalang ako agad nung may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Si Ronlad.
“Okay ka lang ba? Kanina ka pa namin kinakausap e.”-Ronald
“*smiles* Oo. Tara, punta na tayo kela Minn.”
---
Habang hinahanap namin sila Minn, naririnig ko na yung malakas na sigawan ng mga tao. Nung napatingin naman ako sa stage, nakita ko yung mga taga St. Florentine. Grabe ah! Ang lakas ng impact nila sa mga audience.
Sabagay, mga gwapo naman kasi. Tsaka yung isa nilang kasamang babae may itsura rin.
“Mukhang sila ang makakalaban natin ah.”-Mavy
“Kaya natin yan. Diba Lhen?”-Ronald
Tumango naman ako. “Oo nga Mavy, kaya natin yan, tiwala lang.”
Ngumiti lang sakin si Mavy at nagtuluy tuloy na kaming maglakad.
---
Dumiretso nalang kami sa may garden malapit sa may gate ng Westridge, nagtext kasi si Gienn kay Nick, nandun daw kasi sila. Nung nakita na namin sila, biglang tumakbo si Minn papunta sakin at niyakap ako.
“WAAAH! LHEN ANG GALING GALING MO! NAFIFEEL KONG MANANALO KAYO! CONGRATS!!!”-Minn
“Utangnaloob Minn! Ang sakit sa tenga ng boses mo!”
Sumigaw ba naman daw sa tenga ko??
“Ay sorry, masyado lang akong natuwa. Anyway, kayo rin guys, good job!”-Minn
“Tama! So after nating malaman ang resulta, manlilibre ako ngayon!”-Gienn
YEHEY!\(^__^)/
“Whooh! Tara na Gienn!! Ngayon kana manlibre!!”-Ronald
“Basta libre talaga excited na excited si Ronald.(=__=)”-Mavy
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Novela Juvenil*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...