Chapter 35-“Nakakainis kasi..”
(Lhen’s POV)
“Tara na! Tara na! (^o^)”-Ronald
Hyper na naman po sya.(=__=)
Papunta na kasi kami ngayon sa bahay nila Nick. Magpapractice ulit kami ng para sa battle of the bands.
“Teka, sinu-sino yung sasabay sakin?”-Mark
Mabuti nalang natapos agad nila Mark yung ginagawa nila sa office ngayon, kaya ngayon, makakasama namin sila.
“Kay Xianne nalang kami sasabay. Nick, dun kana sumabay kay Mark.” Sabi naman ni Gienn sabay pasok dun sa kotse nila Xianne.
Nagkatinginan naman kami nila Minn at Princess. Hmm. Parang may mali kay Gienn ngayon.
“Sige.”-napayuko nalang si Nick.
Ano kayang problema nila?
*****************
“Ano Gienn? Galing ko no? “-Ronald
“Yabang mo.”-ako
Tumabi naman kaming dalawa ni Ronald kay Gienn. Kakatapos lang naming magpractice ng dalawang beses, kaya magpapahinga muna kami.
“Ha? Ah.. Oo. Haha.”-Gienn
“Eh? Muntanga ka Gienn.”-ako
“Ano bang nangyayari sayo? Kanina kapa wala sa sarili.”-Ronald
Napatingin naman ako kay Gienn na nakayuko lang. Parang ang lungkot nya ngayon. Kaya napatingin ako kay Nick, baka kasi may alam sya kung bakit ganto si Gienn, kaso nakatingin lang sya kay Gienn at parang ang lalim ng iniisip.
“Tara Nick, labas tayo.”-Xianne
Sumunod naman si Nick kay Xianne sa labas.
“Teka lang ha. Tara Ronald,Mavy.”-Mark
“E bakit pati ako? Kayo nalang!”-Ronald
“Tara na! Katamaran mo na naman e.”sabay hitak sa kanya ni Mavy papalabas. Kaya ngayon, kaming mga girls nalang ang nandito sa loob.
“Gienn, may problema ba?”-Princess
Tumabi na rin samin sila Minn at Princess.
“Nakakainis kasi.”-Gienn
“Bakit naman?”-Minn
Napasandal nalang sya sa sofa habang nakatingin sa kisame.
“Kahit pala anong gawin ko para pigilan to, hindi ko parin kaya.”-Gienn
Hanu raw?? @__@
“Mukhang alam ko na.”-Princess
“Okay, ikaw na matalino Princess, hindi parin kasi kita ma-gets Gienn. So pwedeng paki-explain?”-Minn
Kahit ako naguguluhan sa sinabi ni Gienn. Ano naman kaya yung pinipigilan nya?
Napabuntong hininga lang si Gienn. “Bakit pa kasi naging bestfriend ko si Nick?”
“Pwede Gienn? Pakidiretso na kami??”-Minn
Nagulat kami nung biglang umiyak si Gienn.
“Hala! Uy Gienn.”-ako
“Wait,kukuha lang ako ng tubig.” Sabay labas ni Princess
Iyak parin sya ng iyak. Hindi ko tuloy alam kung ano yung gagawin ko, kaya tumingin ako kay Minn at parang natataranta na rin sya.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...