Chapter 32-"Im sorry."

45 1 0
                                    

Chapter 32-“Im sorry.”

(Lhen’s POV)

“Lhen naman, maawa ka sakin. Baka pagkaguluhan ako nyan dahil dyan sa pakulo mo.”-Ronald

“Ahh basta! Kung ayaw mo edi wag.”-ako

“E kasi naman.T^T”-Ronald

Nasabi ko na kasi sa kanila yung naisip ko. Sumang-ayon naman yung iba kong kaklase  pero tong mga lalaki, ayaw.

“Princess, ayokong magsuot ng ganun.”-Xianne

“Ano ka ba! Okay lang. Cute kaya! Hahaha.”-Princess

“Si Mavy tahimik lang oh, if I know excited na yan! Haha.”-Minn

“Tumahimik ka dyan liit.”-Mavy

Papunta na kami ngayon sa canteen, hindi namin kasama si Gienn kasi sabi nya, nagtext daw sa kanya si Nick na sa rooftop nalang daw sila mag-lunch. Yun talagang dalawang yun, ayaw magpa-istorbo.

Si Mark naman susunod nalang daw.

Nung naka-order na kami, kumuha na kami ng table at umupo. To namang katabi ko, hindi parin maka-getover sa suggestion ko kanina.

“Lhen please..T^T”-Ronald

“E bakit ba ayaw mo? Para rin naman sa section natin yun.”-ako

“Pero.... Xianne, Mavy..” sabay tingin nya kela Xianne at Mavy.

“Ayos na sakin.”sabi ni Mavy

“Sakin din.” Sabi rin ni Xianne

“Naman tong dalawang to eh!” sabay tingin nya ulit sakin.

“Lhen, pwede bang ibahin mo nalang-----------“-Ronald

Dahil nga medyo puyat pa ako dahil sa practice kagabi at dahil hindi ako makakain ng maayos dahil sa lalaking to.

“Ibahin? O sige.” Tumayo naman ako at tumingin kela Minn.” Kayo na bahalang mag-isip kung ano yung pwedeng gawin sa booth.” Tapos tumingin ako kay Ronald “Bahala ka.” Sabay alis ko.

“Lhen!”

Nakakainis. Ano ba kasing mawawala kapag sinuot nya yun? Yung reputasyon nya? Na kapag nakita sya ng mga fan girls nya hindi na sya magugustuhan??

Nakakainis!! Arggh!!(>__<)

Napanuod ko kasi sa Hana Kimi yung ginawa nila Nakatsu, na nagsuot yung mga lalaki ng pang-maid. Yung naka-palda ba? Pero syempre hindi naman namin gagawing maikli at revealing. Tapos sila yung mag-seserve sa mga customers, yung tipong nagpapacute ba?

Akala ko papayag  sya dahil dun naman sya magaling, pero hindi. Tsk.

Nagpunta nalang ako sa may garden.

Nakakainis talaga! Minsan na nga lang ako mag-suggest aayawan nya pa.

Hindi naman sa pa-importante ako, pero para kasi akong na-reject. Yung ganong feeling ba? Sila Xianne at Mavy nga okay na, tapos sya.. Psh..

“Lhen.” Napairap nalang ako nung narinig ko yung boses nya.

Bigla naman syang umupo sa tabi ko, pero ako, hindi ko sya tinitingnan.

“S-sige na. P-pumapayag na--------“

“Wag na, sasabihin ko nalang sa mga kaklase natin na ibahin nalang yung idea.”

“Pero Lhen-------“ humarap naman ako sa kanya. Sinimangutan ko sya at nagsalita.

“Ngayon ka papayag kung kelan  ayoko ng gawin? Pero sige, kung gusto mong ituloy sabihin mo sa kanila, pero hindi ako tutulong.”

Napayuko naman sya nung sinabi ko yun.  Masama ba? Pasensya naman, nasaktan lang din ako nung tinatanggihan nya yung ideya ko.

Isama nyo na rin yung pagod ako at hindi pa ako ganung nakakakain dahil sa kakulitan nitong isang to.

“Im sorry.”

“Kung palaging sorry yung kapalit sa bawat pagkakamali, malamang palagi ka ng ganyan Ronald.”

Hindi na sya nagsalita pagkatapos nun. Tumahimik lang sya.

Maya-maya, tumayo na ako, at akmang aalis na sana pero pinigilan nya ako.

“ Pasensya na kung napagalit kita ngayon, sorry kasi ganto ako mag-isip, hindi ko iniisip yung nararamdaman ng mga nasa paligid ko bago ako nagsasalita. Hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako. Pero Lhen, wag ka.....namang ganyan sakin...kasi... k-kasi..*sob* ang sakit eh.”

Napatingin naman ako sa kanya. Teka. Umiiyak sya??

“O-oy Ronald! Umiiyak ka ba?”

Napayuko naman sya at hindi ako sinagot. Pero naririnig ko yung paghikbi nya kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan yung mukha nya para iharap sakin. Tama nga ako, umiiyak sya.

Ahhhh!! Hindi ko naman sya gustong paiyakin eh.T^T

“Ronald... Uy, humarap ka sakin.” Nung humarap na sya, nakita ko agad na namumula yung mata nya, dala na rin siguro sa pagiyak.

Parang may tinutusok sa dibdib ko nung nakita ko syang ganun. Ang sama sama ko. :/

“Lhen, s-sorry na. O-okay na sakin na gawin yun kaya please... bati na tayo? ”-Ronald

Pinunasan ko naman yung luha nya at tumango. Nakita ko namang huminga sya ng malalim at hinitak ako para mayakap nya.

Nagulat ako oo, pero nung naramdaman ko yung mabilis na pagtibok sa dibdib  ni Ronald, napangiti ako.

“Natakot ako Lhen. Akala ko hindi ko na makikita yung ngiti mo. Im sorry.” Tapos naramdaman ko na humigpit yung yakap nya sakin.

“Ronald.”

“Hmm.”

“Ako yung magmemake-up sayo ah?” narinig ko naman yung tawa nya kaya tumawa na rin ako.

Nakakatuwa kasi ganun pala yung epekto kay Ronald kapag nagalit ako. Kinikilig tuloy ako.:’)

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon