Chapter 50- Girl’s date
(Lhen’s POV)
NAKAKAPAGOD MAGLABA.(=__=) Grabe pa yung init kaya talagang tagaktak ang pawis ko.
Umupo muna ako at tumapat sa electric fan. AAHH. Dapat ganito nalang palagi.
“Magluluto na ako ng ulam ah.”-Minn
“Sige.”
Medyo marunong na rin namang magluto si Minn. Sa tinagal nya ba namang nagluluto dito, hindi pa sya nasanay? Minsan tinuturuan ko rin syang maglaba at maglinis, kasi talagang konti lang yung alam nya sa mga gawaing bahay. Buti nalang ako naturuan ni mama.
Habang nagpapahangin ako dito, nagulat ako ng may biglang kumatok.
“Hala. Sino naman yun?”-ako
“Baka si Ronald.”-Minn
“Hindi no. Hindi naman sya nagtext na pupunta sya dito.” Tumayo naman ako para tingnan kung sino yung nasa labas. Hindi naman kasi maaasikaso ni Minn dahil nagluluto sya. Hindi ko lang alam kung ano yung lulutuin nya.
Pagkabukas ko ng pinto.
“Oh Gienn! Princess!”
“Hello.:)”-Princess
“Dadalaw lang sana kami. Haha.”-Gienn
“Tara, pasok kayo.”
-----
“Buti nalang pala hindi pa ako nagsisimulang magluto. Hmm. Ang bango.^o^”-Minn
“Nagluto kasi si mommy kaya naisipan kong magdala dito. Tsaka gusto sana namin ni Gienn na maglibot tayo.”-Princess
“Oo nga, nakakatamad na sa bahay e.”-Gienn sabay higa dun sa kama.”Busy ba kayo ngayon.?”
“Hindi naman. Kakatapos ko lang maglaba. Teka, maliligo muna ako.”
Mabuti nalang talaga dumating sila. Gusto ko na rin kasing pumunta sa ibang lugar. Mamaya ko nalang siguro itetext si Ronald about dito.
(Minn’s POV)
Ang bango talagaaaa.^o^
“Minn, ano nga pala nangyari dun sa pag-uusap nyo ng ate mo?”-Gienn
Nilagay ko muna sa lamesa yung ulam bago ako pumunta sa tabi nila. Tinext ko kasi sila kagabi .
“Ayun, sinabi ko na sa Pasko ako uuwi samin.”
“Hindi nagalit ate mo?”-Princess
“Hindi naman. Magagalit sya sakin e namiss nya nga ako. Hahaha.”
Naiimagine ko na nga yung mukha ni daddy pag umuwi na ako.(>__<) Pero sabagay, ako naman ang may kasalanan kaya titiisin ko nalang.
Binuksan naman ni Princess yung tv. Mga feel at home tong mga to e. XD. Ako rin pala kapag nasa bahay nila ako. Hahaha.
“Nga pala, san tayo maglilibot?”
“Sa mall nalang siguro. Kain tayo, libre raw ni Gienn.”-Princess
“Hoy! Anong libre ko? Wala akong pera baliw.”-Gienn
“Suuus! Ganyan naman yan e. Dimot.”-ako
“Mga sira! Nilibre ko na kayo ah? IKaw naman Princess!”-Gienn
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Fiksyen Remaja*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...
