Chapter 8
“Ano Lhen,ayos na ba to?”-Minn
“Ayos na ayos na,ang problema natin, kung paano natin bibitbitin mamaya."
Pumunta na kami sa cashier.
Bumili kasi kami ng mga pagkain, naubos na kasi yung mga pagkain namin sa dorm.
"Nu ka ba,kayang kaya mo na yan." habang nilalagay nya sa counter yung mga pinamili namin.
"Ako lang? Di mo ako tutulungan?"
"Pagod na ako kakalakad eh.>__<"-Minn
=__________=
"Ay bakit? ako ba hindi?"
"Magpapalaki pa ako."-Minn
"Sabagay---PERO KAHIT NA! Di ko naman kayang mag-----------MARK!"
Sakto! haha
Lumapit naman sya samin.
"Oh Lhen,Minn,bakit?"-Mark
"Pwedeng mag-request?"
Ngumiti naman sya. *O* Shocks! Ang pogi nya!
Pero hindi ko sya crush noh. Naalala nyo pa ba yung sinabi ko dating nakakatakot yung aura nya?
Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung bakit ako natatakot, parang may kakaiba kasi.
"Sure,ano ba yun?"-Mark
"Pwedeng patulong magbitbit? Ang dami kasi eh."
Tapos nailagay na lahat ng pinamili namin sa plastic.
"Eh panu naman kasing hindi dadami? eh ang takaw takaw mo."-Minn
"Hindi kaya.(.~~)"
"Sus,hindi daw, tsaka baka mamaya may pupuntahan pa si Mark."-Minn
Napatingin naman ako kay Mark. "Wala na,tapos ko na rin namang bilin yung pinabibili ni mama."
"Yun naman pala eh!" tapos kinuha nya na yung mga pinamili namin.
Nagbibitbit din naman ako,kaso yung magaan lang. Si Minn? naku! ASA!
"Ihahatid ko na rin kayo pauwi."-Mark
"Sige.:) Salamat."
Tapos pumunta na kami sa may parking lot at pumunta sa kotse ni Mark.
Nung naayos nya na lahat,pumasok na kaming tatlo sa loob. Pinaandar nya na rin yung kotse nya.
Habang nasa byahe kami,napapansin kong bumilis yung patakbo ni Mark.
"Ah,Mark,nagmamadali ka ba?"
"O-oo,may pupuntahan pa pala ako eh,pasensya na."-Mark
"Ayos lang.:)"
Napatingin naman ako sa may bintana, puro mga naka-motor ang nakikita ko.
Feeling ko talaga sinusundan nila kami.
(end of Lhen's POV)
(Minn's POV)
SHOCKS! POV ko na pala!:)
Ang saya saya no?Pansin nyo?^__^
Okay,ako lang ang nakapansin.=__=
BTW! Kanina pa ako kinakabahan. >__<
Nakita ko kasi kung sino yung mga nasa motor, at alam ko ring sinusundan nila kami.
Si Lhen alam kong napapansin nya na parang sinusundan kami ng mga naka-motor na to,kanina pa kasi sya tingin ng tingin sa likod at sa gilid ko.
At alam ko ring kilala ni Mark yun,kaya mabilis yung pagapatakbo nya ng kotse nya.
Paano ko nalaman?
NATURAL! MAGANDA AKO!
Yung mga aangal lumayas na . -___________-''
Hanggang sa makarating na kami sa dorm. Bago kami pumasok,napatingin ako dun sa lalaking nakaupo sa motor.
Takte,di pa rin ba sya titigil? At ang kapal pa ng mukha nya kasi kinawayan nya ako at ngumiti. Tss,as if naman ngingitian ko sya,si Ma------nevermind. Basta! Hindi ko sya papakitaan ng oh-so-precious-smile ko.
Nung nasa loob na kami,nilagay agad ni Mark sa lamesa lahat ng mga pinamili namin.
"S-sige,mauuna na ako." pero bago sya umalis,tumingin muna sya sakin.
*dugdugdugdug*
"Ingat kayo." at tuluyan ng umalis.
Napahawak naman ako sa bandang dibdib ko. Yung puso ko,sya lang talaga ang may kakayahang gawing abnormal ang heartbeat ko.
Ang first love ko.
"PANDAK!!!"
O__O
*TOINKS*
"Maka-pandak ka ah! (_ _'')"
Bwisit talaga tong Lhen na to.
Pero kahit na sandali ko pa lang syang nakakasama,kahit na wala pa akong ganung alam sa buhay nya, feeling ko, gusto ko syang maging kapatid.
Ewan ba, ang gaan kasi agad ng loob ko sa kanya. Kaya kahit palagi kaming nag-iinisan, naging mahalaga na rin sya sakin.
"Ang sakit! >__<. Kanina ko pa kasi tinatanong kung ano yung ulam natin nakatulala ka dyan.”-Lhen
“May iniisip lang ako.” Umupo naman sya sa tabi ko.
“Sino?”
“Si Mark.”
“Eh bakit?” =______= Daming tanong neto, pero pabayaan na nga,kaibigan na rin naman namin sya.
“Napansin mo ba yung mga naka-motor kanina?” tumango naman sya.
“Sinusundan kasi nila si Mark, nandun si Kris, kaya natatakot ako ngayon.”
Alam kong naguguluhan sya, kaya nagtanong ulit si Lhen.
“Teka,sino si Kris? Tsaka bakit ka naman matatakot?” napabuntong hininga naman ako.
“Kababata ko kasi sila Mark at Kris, iisa yung school namin simula kinder hanggang highschool. Nung first year kami, nagtapat sakin si Kris na may gusto raw sya sakin, e nung panahong yun, si Mark ang gusto ko, kaya nabasted sya.”
“WAAAH! MAY GUSTO KA KAY MARK?”
*TOINKS*
“PANGALAWA NA YAN AH!>__<”
“Kailangan sumisigaw? Tsaka wag ka ngang madaldal,nagkekwento ako eh, tsk.”
Tumahimik naman sya bigla habang hawak hawak yung ulo nya.
“Okay,so yun nga, matapos ng pangyayaring yun, masyado nyang dinamdam kaya inaway nya si Mark, eh mas malakas sa kanya si Mark,kaya natalo sya.”
“Whoaw,marunong makipag-away si Mark? Akala ko puro pag-aaral ang alam nya.”
Hmm, ganun naman talaga ang akala ng iba kay Mark. Kami kaming magkakabarkada lang ang may alam ng sikreto nya,.
“Then after nun, naging basagulero na si Kris at na-dropped ng school, akala ko nga matatahimik na ako,pero hindi pa pala. At ngayon nga,sumulpot na naman sya. Hayy, ang haba kasi ng hair ko kaya namomroblema ako ng ganito.”
*BOINKS*
“OY! Gumaganti ka ba?? Ang sakit ah! Tsk.” Batukan daw ba ako?
“Eh pano naman kasi may problema ka na nga yang buhok mo pa din ang inaatupag mo. Psh, dyan ka nga muna, ihahanda ko lang yung pagkain natin.” Sabay tayo nya.
-_________-‘’ Na-gets nya kaya yung meaning nun? Ay naku Lhen.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...