Chapter 65
Tulad nga ng sabi ni Ronald,nagstay muna sya dito at hinintay na mailibing si lola bago sya umuwi. Nung unang araw nya dito,tulad nga ng pangako ko,ipinasyal ko sya sa mga bukid at sa hanging bridge.
Naalala ko pa yung itsura ni Ronald nung nagpunta kami sa hanging bridge.
"Tara na dito Ronald! Hindi naman nakakalula e."-ako
"Sige lang! Dito nalang ako. Cheer nalang kita."-Ronald
"Sus! Hahaha. Takot ka lang e!"
"H-Hindi ah! Sino takot?"-Ronald
"Ikaw! Sige nga,kung hindi ka takot maglakad ka papunta dito."
Pero kahit anong gawin ko hindi parin sya naglakad papunta sakin,kaya pinagbigyan ko na lang sya na wag na kami dun tumambay. Pumunta nalang kami sa may pilapil at doon naupo.
Sa ilang araw nyang pamamalagi dito, naka-close nya agad yung mga pinsan,tito,tita,sila mama at ang mga kapatid ko.
Nung una nga natatakot pa ako kay kuya kasi baka sungitan si Ronald,pero buti nalang hindi nya ginawa.
Tumulong din sya kapag may mga pumupunta sa burol ni lola.
At ngayon nang nailibing na si lola,kailangan na niyang umuwi,dahil ilang araw lang pagkatapos nito,Pasko na.
"Lhen."
"Hmm?"
Nasa tricycle na kami ngayon at ihahatid ko na sya papuntang terminal. Kailangan na nyang umuwi.
"Parang ayoko pang umuwi e."
Pinitik ko naman yung noo nya,pero wala man lang syang reaksyon.
Ang lungkot ng mga mata nya.︶︿︶
"Walang kasama yung mama mo. Gusto mo bang malungkot sya? After New Year naman babalik na ako dun."
" Eh bakit ang tagal kaseeee.≧﹏≦"-sya
"Eto naman, mamimiss ako agad. Hahaha. Dont worry,binalik na sakin ni kuya cellphone ko,kaya matatawagan na kita,o sa Skype?"
"Skype!(*^﹏^*)"
"Osige. :)"
Maya maya,nakarating na kami sa terminal. Medyo maraming tao nun kasi nga marami ring pumupunta sa Maynila para magbakasyon. Kaya ilang minuto rin kaming naghintay ng masasakyan nya.
Habang naghihintay,bumili muna sya ng pagkain para habang nasa byahe raw,kumakain sya. Ako nalang muna yung naiwan para magbantay ng mga gamit nya.
"Ate,pahingi naman po ng pambili ng pagkain. Nagugutom na po ako e."
Nagulat naman ako sa batang lumapit sakin. Ang dungis ng mukha nya,hindi ko alam kung bakit pero naawa talaga ako. May mga batang namamalimos kaso hindi nakakaawa,yung parang hindi naman bagay mamalimos? Ah basta!
Ang kaso,sapat lang yung pera ko para sa pamasahe pabalik.
"Ah,sorry bata,wala akong pera e."
"Sige na po ate,gutum na gutom na po talaga ako."
Napalingon naman ako at saktong paparating na si Ronald.
"Ronald,bigyan mo nga ng pagkain tong bata,nagugutom na raw sya e."
Napatingin naman si Ronald dun sa batang namamalimos. Bumili lang sya ng softdrinks tsaka donuts. Isang box.
Umupo muna sya sa tabi ko at kumuha ng isang piraso ng donut. Pagkatapos,binigay nya dun sa bata.
"Salamat po kuya."
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...