Chapter 15-"Bagay sila..:)"

66 1 0
                                    

Chapter 15-"Bagay sila.:)"

Mabuti nalang nakapag-review na kami ng maayos pagkatapos naming kumain kahapon. Naging seryoso na kami, mahirap na, baka wala pa kaming masagot sa test.

Si Ronald naman, hindi talaga sya bumaba pagkatapos mag-walk-out. Hindi tuloy kami nakapag-practice ng kanta.:/

At ngayon nga, Monday na! At mamayang hapon na yung performance namin sa Mapeh.Teka,matext nga si Ronald.

To: Bratz

Oy pumasok k na! mgpapractice pa tayo.

*sent

Nandito na kami sa room ni Minn, maaga kaming pumasok, magpapractice din daw kasi sila ni Michael ng kanta.

Ako naman, umupo nalang muna ako at hinihintay yung kapartner ko. Ayoko ng mag-review, baka sumabog na utak ko.

"GOODMORNING PAPA RONALD!"

Napatingin naman ako agad sa pinto, at sya nga yung dumating.

May dala syang gitara, astig na sana tingnan kaso nakasimangot naman. Napano kaya?

"Ronald! Practice na tayo!"-ako

Tumayo na ako at pumunta sa pwesto nya. Nakita ko namang binaba nya muna yung bag nya tapos inalis sa lalagyan yung gitara.

Busy na rin yung iba naming kaklase kaya ayos lang. Yung iba nagrereview, yung iba naman, nakikipagkwentuhan nalang.

“Kabisa mo na rin ba yung lyrics?”-ako

“*tango*”-Ronald

“May problema ka ba? Ang tahimik mo yata?”-ako

“Wala, tara, magpractice na tayo.”-Ronald

“Okey.”-ako

(Minn’s POV)

IM BAAAAAAACCCKKK! OHMYGOD! NAMISS KO TO!!

Namiss nyo ba ako guys?

(=_______=)Okay, wala na akong sinabi.

So by the way highway, katatapos lang namin magpractice ni Michael ng kakantahin namin para mamaya sa Mapeh.

Gusto nyong malaman kung ano ang kakantahin namin?

SECRET!:D. Mamaya na lang.

At ngayon naman, habang nakaupo ako dito sa upuan ko, nakita kong paparating si bakla------OH I MEAN SI MAVY!(^___^)

Maloko nga.

“GOODMORNING BAKLA!”-Ako

(-_________-)------sya yan.

Tumingin muna sya sa paligid, at nung nakita nya na ang dapat makita, pumunta muna sya sa tabi ko.

“Maka-bakla ka Minn.”-Mavy

“Oh bakit? Diba ganun naman na tayo dati-------“-ako

“*sigh* Alam kong alam mo na.”-Mavy

“Ang alin??”-ako

Kunwari wala pang alam. Nyahahaha!

“Uupakan kita Minn! Muntanga lang?”-Mavy

“Grabe naman to.*pout* Oo na, alam ko na. Pero grabe ahh!! Hindi ko talaga inaasahan yun.”-ako

“Ako rin naman.”-Mavy

OH! OH! NAGUGULUHAN KAYO NO? HINDI NYO ALAM KUNG ANO YUNG PINAG-UUSAPAN NAMIN?

Okay sasabihin ko.

E KASI NGA MAY GUSTO SI MAVY KAY LHEN!(^_______^)

Diba? Kinabog ako ni Lhen sa haba ng hair! Hahahaha.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon