Chapter 31- “Cafe Booth?”
(Lhen’s POV)
Friday na!!! \(^o^)/ Tapos waala ng pasok bukas! Whooh! Rest day!
Medyo napagod kasi ako kagabi kakapractice. Si Gienn kasi e.
Naglalakad na kami ngayon ni Minn papunta sa room. Ang alam ko wala namang klase ngayon dahil try-outs lang ng ibat ibang sports. Tapos sabi ni Minn, ngayon na rin daw sasabihin ng mga advisers kung ano yung hahawakang booth ng bawat klase.
Excited na tuloy ako! Hihi.:D
Pagkarating naman namin sa room, konti palang yung tao, pero nandun na sila Princess at Gienn.
“Oh, bakit parang ang daming absent? 7:30 na ah?”-Minn
Nilagay ko naman yung bag ko sa upuan ko at umupo. Oo nga no? Wala rin sila Ronald, Xianne at Mavy. E dati kapag dumadating kami nandito na yung mga yun.
“Tinawag na kasi sila para sa try-outs. Ang aga nga e.”-Princess
“Teka, san ba magtatry-out sila Ronald?”-ako
“Hmm, ang alam ko si Xianne sa basketball, si Mavy sa volleyball habang si Ronald naman sa badminton.”-Minn
Taray naman ni Ronald! Buti hindi sya napgkakamalang shuttlecock? Haha. Ang bad mo Lhen.(^__^)V
“Si Nick din yata basketball. Mga players na talaga sila. Sila nga lang yung mga nagpapanalo sa team eh.”-Gienn
Okay. Hindi ko naman alam e. Ngayon ko palang kasi mafi-feel yung Intrams dito. Pero ano nga kaya yung itsura ni Ronald kapag nagbabadminton? Gwapo.(*o*)
“Gusto nyo mamaya, panuorin natin sila?”-Princess
“O sige!:)”-ako
“Katagal naman kasi ni Mam Santos, ng malaman na natin kung ano yung booth na naka-assign satin.”-Minn
Konti lang talaga yung tao sa room, siguro 15 lang kami. Sila Micka raw kasi yata nagpapractice na ng cheerdance. Akalain mo kasali pa dun yun? Haha.
“Nandyan na si Mam.”- sabi nung kaklase namin na si Pau. Nagsiayusan naman kami ng upo pagkapasok nung teacher namin.
“Goodmorning class. So nandito ako para sabihin kung anong booth ang naka-assign sa inyo.” Sabi nya habang inaayos yung mga folders na hawak nya at may kinuhang papel. “4- star. Hmm. Eto. Cafe Booth yung naka-assign sa inyo.”
“Cafe booth po??”
“Oo, paulit ulit tayo? Parang isang restaurant ang gagawin nyo. Kailangan nyong pagbutihin ang pag-aayos sa booth na naka-assign sa inyo dahil at the last day of Intramurals, may award ang pinakamaraming naging customer sa loob ng apat na araw sa Intrams. Kayo ng bahala kung paano kayo didiskarte para makakuha ng maraming customer. So, yun lang, goodluck.”
Pagkaalis ni Mam,halata sa mga kaklase ko na medyo kinakabahan na.
“Hala! Ang hirap naman ng napunta satin.”-Tina
“Ngayon lang nagkaroon ng booth na ganun ah?”-Jed
Hmm. Cafe Booth. Parang katulad lang nung sa Hana Kimi, yung ginawa nila Nakatsu? Nagkunwari sila-------AH! Alam ko na!
“Classmates! May naisip ako!” nagtinginan naman sila sakin at lumapit isa isa.
“Ano yung naisip mo Lhen?”-Minn
Hahaha:D. Naiisip ko palang yung itsura nya natatawa na ako.
(Ronald’s Pov)
Break na namin, kaya pumunta muna ako sa locker ko para kunin yung extra t-shirt ko. Sobrang init kasi kaya tumatagaktak pawis ko. Akala ko naman papanuorin ako ni Lhen,*pout* kaso natapos na yung try-out hindi parin dumadating.
Pagkatapos kong magpalit ng t-shirt, pumunta na ako ng room, nakasalubong ko naman si Mavy at si Xianne.
“Oh, kamusta try-out?”-ako
“Okay lang.Kakampi ko nga si Nick eh.Kaso walang kwenta yung nakalaban namin kanina, kahihina! Hahaha.”-Xianne
Kahit kailan talaga ang yabang neto.(=_=) Pero hindi ko naman masisisi yan kasi magaling talaga sya sa basketball. Isa sya sa mga nagiging best-player kapag Intrams.
“Ako naman medyo napagod. Pinahirapan kasi kami agad ni coach. Tsk.”-Mavy
Nung nasa tapat na kami ng room, nakita namin yung mga kaklase namin na naguusap usap, kaya nilapitan namin. Nakasabay narin naming pumasok yung mga kaklase naming lalaki.
“Ano,ayos ba?(^__^)”-Lhen
Ngiting ngiti naman si Lhen habang tinitingnan isa isa yung mga kaklase namin. Hmm. Ano kaya pinag-uusapan nila?
“Ang galing mo Lhen! Mukhang makakakuha tayo ng maraming customers nyan.”-Haydee
“Natatawa na ako ngayon palang! Ahaha.”-Minn
At dahil naguguluhan na nga ako, tumabi naman ako kay Lhen at ganun na rin sila Xianne.
“Uy,ano yang pinag-uusapan nyo?” tiningnan naman ako ni Lhen.
“Pakulo namin para sa Intrams. Cafe booth kasi napunta satin.”-Lhen
“Teka, pakulo? Ano namang pakulo yan?”
Ngumiti muna ulit si Lhen bago sinabi sakin yung naisip nya raw na pakulo. At pagkasabi nya naman kung ano nga yun.
“ANOOOOOO?”-ako,Mavy, Xianne at ang iba ko pang kaklaseng lalaki
Bakit naman ganun?T^T
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...