Chapter 14-"Review...Review..Teka."

56 1 0
                                    

Chapter 14-"Review.....Review....Teka."

\(^O^)/ YAY! SA WAKAS NAKALABAS NA RIN AKO NG OSPITAL.

(=___=) Ang kaso, magrereview naman kami ngayon buong araw sa bahay nila Ronald. Tsk, kailangan ko pa namang mag-aral ng mabuti kasi medyo marami rin akong namissed na lessons.

Nauna na sila Ronald,Princess,Gienn,Nick,Mark at Xianne sa bahay nila Ronald, kaming tatlo naman nila Minn at Mavy,inuwi muna namin yung ibang gamit sa dorm.

Nga pala, yung tungkol kay Mavy? Yung about dun sa nagugustuhan nyang babae? Ayaw nyang sabihin.(-___-) Kadaya nga eh, pero sasabihin nya naman daw sa tamang panahon.

Akalain mo yun, pero sabagay, swerte yung babaeng yun, kasi sweet si Mavy,maasikaso, at sa tingin ko seryoso sya.

"Oh Lhen,wala ka na bang nakalimutan?"-Minn

"Wala na." dinala ko na kasi yung bag ko tsaka yung ilang aklat.

"Ako na magdadala nyang bag mo Lhen, baka sumakit yang likod mo eh."-Mavy

Hindi pa ako nakakasagot pero kinuha na ni Mavy yung bag ko, tapos nauna na syang naglakad papunta sa kotse.

"Alam mo,kung pwede lang talaga magiging crush ko yang si Mavy."-ako

"Bakit naman hindi? Lalaki na nga si Mavy diba?:)"-Minn

"Ay ewan! Basta."-ako

Naglakad na kami papunta sa kotse, tapos nandun na rin si Mavy sa loob. Kela Princess tong kotse, pinasundo lang kami.:D Atleast nakatipid sa pamasahe.

Siguro mga 20 minutes din yung byahe bago kami nakarating sa bahay nila Ronald.

Pagkababa namin, nandun na sa may gate si Ronald.

"Oy! Bilisan nyo raw, naiinip na yung mga tao dun sa loob."-Ronald

"Eto na!"-ako

Ang cute ng bahay nila. May maliit silang garden sa kanan, tapos sa kaliwa naman mga tables. Ang cute pa nga ng kulay ng bahay nila eh, kulay blue, ang sarap sa mata.

Pagpasok naman namin, naabutan na namin yung iba na nagrereview, si Xianne naman, naglalaro yata sa laptop.

"Hoy Xianne! Magreview ka nga dito! Lokong to kaya ka nazezero eh.Tsk."-Princess

Pumunta naman agad si Xianne sa tabi ni Princess. "Opo,para namang matitiis kita."

"Lol Xianne! Landi talaga nito.:D"-Ronald

"Nainggit ka na naman! Tita oh!"-Xianne

Umupo muna kami sa sofa, tapos may nakita akong babae na nakatayo dun sa likod ni Ronald, hmmm, siguro sa kanya nakuha ni Ronald yung mata nya.

"Ikaw talaga anak, bakit ba kasi hindi ka pa mag-girlfriend?"-Mama ni Ronald

"E ma! >__< Wala pa naman akong nagugustuhan eh."-Ronald

Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin kahapon,tsk, tinanong pa ako kung pwede raw mainlove sa pagkain, baliw lang eh.

"Sus! *sabay tingin samin* Ay hello sa inyo! Nga pala,ikaw ba si Lhen?"

"Ah,o-opo."

>__< Ay grabe, bakit ako kinakabahan??

Lumapit sya sakin, tapos lumuhod sa harap ko,pero para lang maka-level nya ako.

"Hmm, ano? Ayos ka na ba? Hindi na ba masakit yung likod mo?"

"Hindi na po.:) "

"O sige, nga pala, madalas kang makwento sakin ni Ronald eh."

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon