Chapter 54- Activity

22 1 0
                                    

Chapter 54- Activity

(Lhen’s POV)

Simula nun, palagi nang nasa tabi ko si Ronald. Lalo na sa school, kahit saan ako magpunta, kahit na inuutusan ako ng mga teachers, nag-vovolunteer sya na samahan ako.  Okay lang naman sakin yun, alam ko namang nag-aalala lang sya kaya ginagawa nya yun.

Ganun din yung ginagawa ng mga kaibigan ko. Lalo na si Minn, kapag nasa dorm kami, palagi nyang tinatanong kung ayos lang daw ba ako. Kaya talagang napakaswerte ko dahil nakilala ko sila.

“So class, may inihanda akong box dito, na naglalaman ng ibat-ibang salita. Kung ano man yung nabunot nyo, sabihin nyo samin at ipaliwanag nyo. Titingnan ko kung paano nyo papalawakin ang nabunot nyo. Magsimula tayo sa dulo. Ronald.”

Napatingin naman kaming lahat kay Ronald, na halatang nagulat.

“Siguro may tinatago na namang pagkain sa ilalim ng desk nya.”-Gienn

“Haha, di pa rin ba sya nagbabago? Nandito yung girlfriend oh.Hahaha.”-Princess

Napailing nalang ako habang tinitingnan sya na naglalakad papunta sa harap. Sanay na kasi ako kay Ronald, tsaka hindi ko naman sinabi kay Ronald na magbago sya. Kasi para sakin, kahit gaano pa sya katakaw, tanggap ko parin sya.

Okay, cheesy na masyado. Hahaha.

Nagsimula ng bumunot si Ronald. Niloloko pa nga si Mam Valdez e, nakahawak pa kasi sya sa dibdib nya na kunwari kinakabahan. Hindi naman sya pinapansin ni Mam dahil kilala nya na si Ronald.

Nung tiningnan na ni Ronald yung nabunot nya, napangiti agad sya at tumingin sakin.

“Ronald, isulat mo sa board kung ano man yung nabunot mo. Ganun din yung mga susunod.”

Kumuha na si Ronald ng chalk at sinulat sa board yung nabunot nya. At napangiti nalang ako nung nakita ko na yung nabunot nya.

Sinulat nya sa board ang ‘LOVE’. Malalaking letra talaga.

Umupo muna si Mam Valdez habang nakatingin kay Ronald. Ganun din kami, tahimik na nakikinig.

Nga pala, kung tinatanong nyo si Anne, nagpalipat na raw ng ibang school.

“Goodmorning classmates.:) So, yan nga yung nabunot ko. Swerte ko no? Kasi madadalian na akong ipaliwanag yan ngayon.”-Ronald

Nag-‘ayieh’ naman yung mga kaklase ko. Asahan mo na yan Lhen.:D

Naglakad pa sya papunta dun sa harap ng table ni Mam.

“Love. Hmm.. Madaming meaning yung love. Kung tatanungin mo ang ibat-ibang tao,iba ibang meaning din yung matatanggap mo. Kasi nasa tao na yun e, kung paano nya naramdaman yung love. Pero sige, sa ngayon, ako naman yung magbibigay ng meaning nun, kaya making kayo. Lhen. Alam na this. HAHAHA.”

Nagtawanan lang kami. Baliw talaga tong lalaking to!:D

“Para sakin, ang love ay isa sa mga needs ng tao. Hindi makukumpleto ang buhay mo kung wala kang love na naramdaman. Kaya yung mga nagsasabi na kawawa sila dahil hindi sila mahal ng taong mahal nila? Sus! Hindi totoo yan. Nandyan ang mga magulang natin, kaibigan, at si God na handang magmahal satin ng buong buo. Hindi rin totoo na masakit magmahal. Siguro nasasabi nila yun dahil sa mga pagsubok na nararanasan nila, pero yung love mismo? Grabe, blessing yun!”

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon