Chapter 63-“Bata mo?”
(Lhen’s POV)
“Lhen, magpahinga ka na muna, kami nalang yung magbabantay dito.”- Mama
Tumango nalang ako bago ako tumayo at naglakad papunta sa kwarto ko. Ang sakit na ng mga mata ko kakaiyak, kailangan ko munang magpahinga.
Si Lola naman kasi e.T^T. Ni hindi man lang ako hinintay maka-graduate bago umalis. Ni hindi ko man lang sya nakasama ng matagal bago sya nawala.:(
Tama. Namatay na si lola. Ilang oras lang pagkadating ko dito sa probinsya, pumanaw na sya. Siguro tama nga si kuya na baka ako lang yung hinihintay nya.
Hindi ko na matitikman yung specialty nya na palitaw.:( Hayy.
Tapos ni hindi ko man lang mahawakan yung cellphone ko dahil hindi ko alam kung saan tinago ni kuya. Baka nagalit na sakin si Ronald at yung mga kaibigan ko sa Maynila.
Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko na yung pinsan ko na natutulog sa kama ko. Kaya dahan dahan muna akong humiga sa tabi nya at pumikit.
Nakakapagod. ZZZZZZZZZZ.
----kinabukasan
Ang liwanag naman.>__<
Kahit nakapikit pa ako nasisilaw na ako sa liwanag. Kaya pagdilat ko, nakita ko agad yung bukid sa likod ng bahay namin.
Malamang si kuya na naman yung nagbukas ng bintana.Tsk.
Wala na sa tabi ko yung pinsan ko, baka nasa baba na.
Bumangon na ako sa kama at nagpunta sa banyo. Ginawa ko na yung mga dapat kong gawin bago lumabas at bumaba na papunta sa kusina. Busy ang lahat sa pagluluto. Medyo marami kasi yung myembro ng pamilya kaya kailangang maraming iluto.
Simple lang yung bahay namin, hindi sya kalakihan pero hindi naman masikip. May apat na kwarto kami kaya kahit maraming tao, pwedeng matulog at salu-salo nalang sa kwarto.
Sa may sala namin nakaburol si lola. Nakabantay naman dun yung mga tita ko kaya okay lang. Sabi kasi nila na bawal iwanan ang patay, baka raw kasi may kumuha. Alam nyo na, kasabihan ng mga matatanda.
Naglakad naman na ako papunta kay mama na nagluluto ng agahan.
“Ma.”
Napatingin naman agad sya sakin.”Oh Lhen. Gising ka na pala. Magtimpla ka muna ng milo, hindi pa luto tong sopas e.”-Mama
Nagmano na rin ako kay Tita Ise na katabi ni mama.
“Ang laki mo na Lhen ah. Dati palagi ka pang umiiyak kapag kinakarga kita, ngayon, hay. Ang bilis talaga ng panahon.”-Tita Ise
Napangiti nalang ako bago kumuha ng tasa para magtimpla ng Milo.
Naku, nung isang araw pa sila ganyan. Lalo na nung gabi na kadarating ko lang? Ay sus! Ang dami nilang sinabi.
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...