Chapter 07-"AYOKO!>.<"

107 1 0
                                    

Chapter 7

Uwian na namin, kaninang lunch,yun, natuloy nga yung chikahan nila.

=__= Sasama pa ba ako eh ako nga yung topic.

 Nandun na rin sila Nick at Mark kaya nalaman nila yung nangyari. Sabi nga ni Mark wag ko nalang daw pansinin yung dalawang yun, masyado lang daw obsessed kay Ronald.

At ngayon naman,nandito kami sa room (with Minn,Gienn at Princess).

Alam nyo kung bakit? -__^

"Hindi naman ako yung sumampal eh,si Micka.>.<"- Keyt

Yup,  kinakausap nila yung dalawa. Sabi ko nga wag na, eh kaso,sabi ni Nick, kapag hindi raw namin kinausap, masasanay silang ganun yung gagawin sakin. Ang taray nga eh,nag-comment kanina si Nick. Hehe.:)

"Kahit na,sana pinigilan mo man lang diba?"-Princess

"Tama! Tsaka ikaw Micka, wag na wag mong pagsasabihan ng malandi si Lhen dahil hindi mo pa sya kilala."-Minn

Si pandak ba talaga yan?T_T Teka,naiiyak na ako. Tissue please.T_T

Joke lang.haha.:D

Hindi naman nagsasalita si Micka,natatakot yata sya sa tatlong to eh. Pero sabagay,nakakatakot nga sila.:D

"Kapag inulit nyo pa to,isusumbong na talaga namin kayo kay Mam Adlimo."-Gienn

Nga pala,Tita ni Ronald yung principal ng school. At kanina ko lang din naalala na hindi pa pala ako bumabalik dun,dapat kasi diba itotour daw ako sa school kasi transferee lang ako?

Pabayaan na nga.:D

"At bago kayo umalis, mag-sorry muna kayo.”-Princess

“WHAT? At bakit naman ako magsosorry?’’- Micka

=____=

“Magsosorry ka o gagawin naming espasol yang mukha mo ng may pakinabang naman yang make-up mo?”- Gienn

>___<--- mukha ni Micka

Haha.:D. Grabe naman tong tatlong to,parang sila pa yung galit na galit, DI BA DAPAT AKO?:D

Pero sabagay,hindi naman kasi talaga ako mahilig makipag-away, sa totoo nga lang duwag ako eh.^__^V, pero kung alam ko namang mali na, magsasalita na ako.

“K! Im sorry!”-Micka

“Sorry din Lhen.”-Keyt

“Good,sige na,pwede na kayong umalis.”-Minn

At yun,umalis na nga yung dalawa.

“Bwisit talagang Micka yun,kaarte.”-Princess

“Basta,kapag inulit nila yung ginawa nila sayo kanina,sabihin mo samin.”-Minn

Ngumiti naman ako.” Salamat.:)”

Ginulo naman ni Gienn yung buhok ko. >__< Adik talaga to.

“Feeling ko tuloy kapatid na talaga kita.:D haha, bakit kasi di mo pinatulan.”-Gienn

“So next time alam mo na yung gagawin mo?”- Princess

Tumango naman ako,tapos inakbayan ako ni Minn.

“Tara na nga,at baka naiinip na yung mga boys sa labas.”-Minn

Nga pala,nagtataka kayo kung bakit wala dito sila Bratz? Nandun na sila sa may gate,ayaw daw kasi nilang makisali at baka makasakit sila ng babae. =__= Grabe yung mga yun.

Pero masaya parin ako kasi kahit papano,may nagtatanggol sakin.:)

Teka. “ Lakas ng loob umakbay oh!” sabay tingin ko kay Minn.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon