Chapter 62- Yown! Yown!

12 1 0
                                    

Chapter 62- Yown! Yown!

“Teka! Hindi na tayo sasama sa Christmas Party?”-Minn

“Wag na yun! Mas masaya tong pupuntahan natin.”-ako

Nilagay ko nalang sa gilid ng kama ko  yung bag na dadalhin ko. Excited na ko!:D

“Sus! Parang kanina lang ang tamlay tamlay ni Ronald, ngayon bibong bibo na naman.”-Gienn

Nginitian ko nalang si Gienn bago ako umayos ng upo.

“Ano? Sinu-sino na yung sasama sakin?”

Naisipan ko kasing sundan si Lhen sa probinsya nila, alam ko naman yung address kaya hindi ako maliligaw. Tsaka di bale nang hindi ako makasama sa Christmas Party, hindi rin naman ako magiging masaya dun.

“Ako hindi ako makakasama, uuwi kasi sila kuya e.”-Nick

“Ako rin, baka hindi na.”-Mark

“Sige, ayos lang. Kayo?” sabay tingin ko kela Gienn, Princess, Minn at Mavy.

“Kahit gusto kong sumama para mabatukan si Lhen, hindi rin ako makakasama. Alam nyo na, kababalik ko lang samin.”-Minn

“Ako rin e.”-Princess

“Wala akong pera papunta dun.”-Gienn

Si Mavy nalang ang natira.

“Mavy, okay lang kahit hindi ka sumama.”-ako

(=______=) Mukha ni Mavy.

“Edi wag! Bahala kang bumyahe mag-isa.”-Mavy

“Kaya ko naman no! Bleeh.:P”

Bigla naman akong hinampas ni Minn. Ang sakit ah!(>__<)

“Grabe ka naman Ronald!”-Minn

“Graber in ang hampas mo! Sakit.”-ako

“O sige, hindi na ako sasama.”-Mavy

“Uyy, tampo pa sya. HAHAHA.”-ako

“Sira! Hindi lang talaga pwede.”-Mavy

Ngayon, ako nalang ang pupunta kela Lhen? Ay teka! Lagot! Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay mama.

“Guys.”-ako

Tumingin naman silang lahat sakin.

“Hindi pa pala ako nagpapaalam kay mama.”

Bigla naman nila akong pinagbabatukan isa isa.T^T Kaibigan ko ba talaga tong mga to??

------------------

“MA SIGE NA!!”

“Aba! Sinisigawan mo ako??”-mama

Niyakap ko naman sya bigla. “Hindi naman po. Ma sige na kasi. Please??”

Tinanggal nya naman yung yakap ko sa kanya, tapos naglakad sya papunta sa kusina, kaya sinundan ko sya.

Kailangan ko pang ilabas yung powers ko para payagan ako ni mama.T^T

“Ronald, wala akong kasama dito sa Pasko.”-mama

“Edi punta kana lang dun ma, para alam na this! HAHAHA.”-ako

Oo nga, para magkakilala na sila ng mama ni Lhen. :D

Kumuha muna ng tubig si mama bago nagsalita. “Anak, hindi pwedeng basta basta nalang ako aalis sa Pasko, alam mo namang dumadalaw dito yung mga tita mo.”

Umupo nalang muna ako sa bangko at nagpangalumbaba sa table.

“Ganun po ba. O sige po, uuwi nalang po ako bago mag-Pasko.”

Ayoko namang maging malungkot si mama, kaya ganun nalang siguro yung gagawin ko.

“Kaya mo bang bumyahe mag-isa? At alam mo ba kung saan dun sa probinsya ang lugar nila Lhen?”

“Opo ma, nasabi napo sakin ni Lhen yun.”

“Hayy, o sige, ikaw na ang bahala. Basta umuwi ka dito bago mag-Pasko ah.”

Napatayo nalang ako bigla sa sobrang gulat sa sinabi ni mama.

“Talaga po??”

Nakita ko namang tumango si mama bago nilagay yung bote sa ibabaw ng lamesa. Yes! Makikita ko na ulit si Lhen!!

Lalapit na nga sana ako kay mama para yakapin sya, kaso tumama yung paa ko sa bangko kaya napaupo ulit ako.

“Aray ko!”

Tumawa lang si mama sakin. Grabe si mama, ni hindi man lang ako tinulungan?

Pero Lhen, hintayin mo lang ako. Makikita mo na ulit ang poging boyfriend mo. HAHAHAHA.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon