Chapter 2- BUBBLEGUM???

127 3 0
                                    

Chapter 2- BUBBLEGUM???

So yun nga,after ko syang tulu------ after kong ayusin ang mga damit nya,sa wakas,nakatulog na din ako.

Paggising ko naman,gabi na pala,at nakahanda na ang hapunan.

At alam nyo kung ano yung ulam?

Noodles at itlog.

Takte,wala na rin akong nagawa kasi nahiya naman ako sa SUNOG NA ITLOG AT WALANG SABAW NA NOODLES! (=_=)

Yung totoo? ano kaya yung ginagawa nito sa bahay nila?

Nga pala,kaya pala sya nagdodorm kasi nga lumayas sya!

AS IN!  Tanong nyo naman kung bakit.

"Kasi my mom always compare me to my sister.>.< You know? It hurts kaya!"<Michelinn

At kung sinabi ko sa inyo na amazona sya.

NOT TRUE! Kasi kikay pala sya!

Whooohh! Kikay na kikay talaga! Tinry nya lang daw maging amazona pero sumuko daw sya agad kasi hindi kinaya ng powers nya.

Pero kahit papano,naging close ko naman sya. 

Mabilis lang lumipas ang mga araw,at ngayon nga,enrollment na.

Parehas kami ng papasukang school ni Michelinn,kaya ngayon,nandito na kami sa school.

Tropaksz school yung pangalan,bongga nga eh. Astig.

Kung bakit ganyan ang pangalan ng school? Tanong nyo kay Michelinn.

"Kasi nga yung may-ari ng school ay magkakaibigan,then may mga toyo yata.. Yung mga maloloko?? Basta,pero mababait naman sila kasi I met them last year."

Ok,back to reality, ang dami namang tao.>.< Wala pa akong nakikitang pogi.

JOKE LANG! AHAHA.:D.Pogi agad eh nu?

Pero infairness,ang laki ng school na to. Ang lawak.

"Hello Kuya Enrick!!"<Michelinn

Napatingin naman ako sa kausap niya,guard lang pala.

"Oh,Minn! Kamusta ka na? Ang liit mo padin ah? Hahaha.:D"< Kuya Enrick

*Pfftttt* Natawa naman ako dun.

Tiningnan ko naman si Michelinn. Ang sama ng tingin nya sa guard.

"I hate you! Hmpf.tara na nga Lhen!" tapos hinitak nya na ako.

Kakaiba talaga ang prisensya ng mga taga- Maynila.

Habang papunta kami sa building ng mga teachers.

"Gosh! It's so hot..tsk." tapos nakita kong nilabas nya yung payong sa bag nya." Buti nalang pala dala ko to. hehe."

"Bilisan nalang natin para matapos tayo agad."

"Okay!"<Michelinn

Hanggang sa makarating kami sa building. GRABE! ANG HABA NG PILA! >.<

So wala na kaming magagawa,kailangan na naming sumunod sa pila.

**************

After one hour,nandito parin kami.(=_=)

*GROOOOOOOWLLL*

O_O

"Yikes Lhen! Ikaw ba yun? Ang lakas ah! Hahaha."<Michelinn

Pinagtinginan naman ako ng mga estudyanteng nakapila. Hiya ko naman pal.>//<

"Teka nga lang,kakain muna ako. San ba yung canteen dito?"

"There oh! Diretsuhin mo lang yan. Kasi ikaw eh,masyado kang excited kaya hindi ka na nakapag-almusal."<Michelinn

Kaya nga umalis muna ako sa pila at pumunta na sa canteen. Nandun naman si Michelinn sa pila eh.

(CANTEEN)

"Manong,pabili nga po ng sopas."

Tapos nakita kong nagsandok ng sopas si Manong sa isang mangkok. sabay abot sakin

"Magkano po?"

"Kinse."

Binigyan ko naman sya ng kinse at umupo na ako sa isang table dun.

Kain......Kain......Kain.......

Hayyy salamat,kahit papano nagkalaman din ang tiyan ko.

Hindi naman kasi pwedeng hindi ako kumain ng almusal,kasi ito nga yung pinakaimportanteng time para kumain diba??

Nagpulbos muna ako bago lumabas ng canteen.

Habang naglalakad ako.

"MISS!"

Napatingin naman ako sa likuran ko.

Teka,ako ba yung tinatawag nito? Tumingin naman ako sa paligid,baka nga ako.

Nagulat naman ako ng bigla syang ngumuso.

Eh? Napapano to?

Pero sya,talagang ngumunguso padin.

"Ha?"

Eh pano di ko alam kung bakit nya ginagawa yun.

At ewan ko din kung sinong impakto ang sumapi sakin para gayahin ang ginawa nya.

Yup,ngumuso rin ako.(-_-'') Kahihiyan

Pero sya,talagang pinanindigan nya ang pagnguso nya.

Hanggang sa marealize ko na..

O_O OH CRAP!

MAY BUBBLEGUM PALA SA LIKOD NG PANTALON KO!!! >.<

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon