Chapter 37-“Almost perfect ka?”
(Lhen’s POV)
Ang daming nangyari! Nakakaloka ah!
Yung kela Gienn at Nick, ganun parin. Nagpapansinan naman sila kaso hindi na tulad ng dati. Parang awkward sa kanila kapag nag-usap sila.
Yung kay Minn naman,NAKU! Hanggat maaari talaga ginagawa ko na lahat para lang hindi sya magsawa kay Mark. KATORPE NAMAN KASI NUNG LALAKING YUN! (>__<)
“Ahh Lhen, paabot naman nung kulay pink na kurtina.”-Lara
“Oh sure.” Kinuha ko naman yung kurtina sabay abot kay Lara.
Nag-aayos na kasi kami ng room para sa booth namin sa Intrams. Nakapag-meeting narin kami tungkol sa mga costumes, mag-aarkila nalang daw kami, tutal medyo malaki naman yung fund ng section namin.
Nakakatuwa nga kasi talagang tulung-tulong kami para lang mapaganda yung booth.
“Lhen! Kain muna tayo!”-Ronald
“Loko Ronald! Taga-abot ka lang ng kurtina nagugutom kana agad.”-Xianne
Hinawakan naman ako sa braso ni Ronald at hinihitak patayo. Nakatingin lang ako sa kanya.”Teka nga! Wag mo akong hitakin.”
Narinig ko namang tumatawa sila Gienn at Princess. Si Minn kasi wala, alam na kung nasan?:D Si Mavy naman tumitingin tingin lang samin habang umiiling.
“Baliw talaga tong si Ronald. Hahaha.”-Princess
“Dali na!! Gutom na gutom na ako eee.. Di kasi ako nakapag-almusal.”-Ronald
At wala na nga akong nagawa, tumayo na ako at nagpahitak sa lalaking to. Hayyyy.(=___=”)
(Sa Canteen)
“Lhen, ano gusto mo?”-Ronald
“Wala. Di naman ako nagugutom e.” Tumingin tingin nalang ako sa mga pumapasok sa canteen. Baka makakita ako ng chix. Wiwit!
Hahaha. Joke lang.(^__^)V
“E? O sige. Manong! Pabili po ng dalawang kanin, ay hindi, gawin nyo na pong tatlo, tapos isang hotdog, isang itlog, isang mineral water. Tapos yung dessert, hmm. Ice cream nalang po.”
Napatingin naman ako kay Ronald.
“Yung totoo? Ilang araw kang hindi kumain Ronald?” ngumiti naman sya sakin.
“Sabi ko naman sayo gutom ako e.”
“Halata nga.(~_~)”
Umupo muna kamikasi sabi ni manong sila na lang daw yung magseserve.
Kahit Sabado ang dami paring tao sa school, nag-aayos din yata sila ng mga booths. Tapos bigla akong nakakita ng limang babae na pumasok sa canteen.
“Ronald,”
“Hmm?”
“Tingnan mo yung limang babae na yun.*sabay turo sa kanila*”
O_O SHET!
“Oh bakit?”-Ronald
“*sabay tingin ulit sa kanya* Anong bakit? Bulag ka ba?*sabay tingin sa mga babae.*Ang gaganda nila Ronald!”
Totoo yung sinabi ko,ang gaganda talaga nila. Ang ganda ng porma,yung mga buhok nila ang kikintab! Shocks parang mga artista.
“Ronald, eto na yung order mo!”
“Salamat po Manong!”-Ronald
Tsss. Di man lang ako pinansin. Pero talagang sinusundan ko ng tingin yung mga babae. GRABE! HINDI AKO TOMBOY AH! Sadyang nabighani lang talaga ako sa mga ganda nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...