Chapter 28- "First move"

44 1 0
                                    

Author's Note:

~ AT DAHIL NGA SEMBREAK NA! NAG-UPDATE NA AKO! Wahaha!

Enjoy.:*

Chapter 28- “First move.”

Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip dun sa sinabi ni Ronald.

*Mahal kita*

Hanubenemenyen. **(^___^)** Kinikilig na nga ako pinapaalala pa?

“Muntanga si Lhen oh, ngumingiti mag-isa. Bahala kayo dyan.”-Minn

Napatingin naman ako kay Minn.

Ako? Nakangiti? Hindi ah! (^__^)

“Ang laki ng eyebags mo Lhen, anyare?”-Mavy

Lumapit naman sya sakin tapos hinawakan yung ilalim ng mata ko. Simula nung nangyari kagabi, back to normal na sya ulit. Maloko, masiyahin, PERO hindi na bading. Hindi naman ako naiilang sa kanya kaya ayos lang.

“Hindi kasi ako ganong nakatulog kagabi.”-ako

“Tsk, mukha ka tuloy zombie.”-Xianne

“GRABE KA NAMAN!”-ako

Tapos tumawa sila. (=__=) Mga sira talaga.

Pero teka, bakit wala pa si Ronald? Dati ang aga agang pumapasok nun.

Tapos nagulat nalang kami ng biglang sumigaw si Micka.

“GIRLS! MAY DALA RAW BOUQUET  SI PAPA RONALD! KYAAAH! BAKA SAKIN NYA IBIGAY YUN. Teka Keyt, okay lang ba yung make-up ko? Ha?”-Micka habang inaayos ayos nya pa yung mukha at buhok nya. Psh.

“Oo ayos lang! Mukha ka pa ring espasol!”-Minn

Natawa naman kami. Siraulo talaga tong si Minn. Haha.

Pero si Ronald? May dalang bouquet?

“First move.” Sabi ni Gienn sabay tingin kela Minn, Mavy, Princess, at Xianne .

Tapos, sabay sabay naman silang tumingin sakin. Hala!

“Oy! Wala akong ginagawang masa----------“ hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang nagsigawan yung grupo ni Micka.

“Tsk, pano sila magugustuhan ng mga lalaki kung ganyan sila? Hay naku.”-Mavy

Ow-shet! Bakit ang gwapo ni Ronald?? >////<

Pinagkaguluhan sya nila Micka kaya napahinto sya sa paglalakad.

“Ahmm, Papa Ronald, para sakin ba yang bouquet na dala mo?”-Micka

Bigla namang sumimangot si Ronald. Problema neto?

“Hindi no, padaanin nyo nga muna ako, nasira entrance ko sa inyo.”-Ronald

Nakita naman naming napayuko si Micka at pumunta sa tabi. Nagkatinginan naman kami ni Ronald.

Eto na naman yung puso ko, bakit ba sa twing nakikita ko sya nagiging abnormal yung pagtibok nito?

Oo alam ko namang crush ko sya eh, pero crush nga lang ba talaga?

Habang naglalakad sya, sakin lang sya nakatingin at nakangiti ng nakakaloko. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ba ako o ano. Panira kasi yung ngiti nya. Pero gwapo pa rin sya. Tss. Gusto kong ialis yung mga titig ko sa kanya, pero TALAGA NAMAN PO! Ayaw ng mga mata ko na tumingin sa iba.

Paghinto nya sa harap namin, ngumiti ulit sya. At biglang,

.

.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon