Special Chapter

26 1 0
                                    

Special Chapter

Author’s Note: Echo slang tong special chapter, dapat kasi eto yung Chapter 50, e hindi ko nalagay sa usb ko, kaya ayun! Yung dapat na Chapter 51 ay naging 50. Sareh!

(Lhen’s POV)

“Sige, salamat hija.”-Manong

“Okay po.:) Thank you rin.”

Nilapag na ni manong yung mga napamili namin ni Minn kanina. Talagang sya na yung nagkusang magbuhat ng mga pinamili namin kasi masyado raw madami, at baka hindi ko kayanin kaya hanggang dito sa dorm hinatid nya ako.

Inabot ko naman na yung bayad sa kanya. Syempre dinagdagan ko na, nakakahiya kasi talagang binuhat nya lahat.

Nung nakaalis na si manong, inayos ko naman na tong mga napamili namin. Anong oras kayang uuwi si Minn? Dito na kaya sya kakain? O baka uuwi na sya sa kanila?

Tinawagan nya kasi ako kanina, tinatanong yung opinion ko kung uuwi na raw ba sya. Syempre ako naman, sinabi ko yung mas makabubuti sa kanya. Na dapat, umuwi na sya sa bahay nila, kasi napapansin kong medyo nahihirapan sya dito,lalo na kapag naglalaba.

Kahit naman ayaw ko syang paalisin dito, wala akong magagawa. Mamimiss ko rin kasi yung lukaret na yun.

“Lhen.”

“AY KABAYO!!”

Napalingon naman ako agad sa nagsalita, at bumungad sakin ang nakasimangot na Ronald. Problema nito?

“Oh bakit? Ginugulat mo naman-------“

“Bakit pumasok dito yun? Umano sya dito? Anong ginawa nya sayo?”-Ronald

Bigla naman akong namula nung tinanong sakin ni Ronald yun. LOKO LOKONG RONALD TO! ANO AKALA NYA? MAY GINAWANG MASAMA SAKIN SI MANONG??

“Tinulungan nya lang akong buhatin tong mga to. Wala kasi si Minn.”

“O san na naman pumunta yun?”-Ronald

Bumalik na ako sa pag-aayos ng mga pagkain. Nilalagay ko na rin yung iba sa ref.

“Nakita kasi namin yung ate nya sa mall, kaya yun, nag-usap muna sila.”

Pumunta naman sya sa tabi ko, tapos tinutulungan nya na rin ako. Hindi na sya nagsalita pagkatapos nun, basta tinutulungan nya ako, kaya nakatapos ako agad.

Umupo muna sya sa sofa, ako naman, nagtimpla muna ng juice at kumuha ng dalawang rebisco.

“Ano gusto mong panuorin Ronald?” nilapag ko na sa lamesa yung juice at tinapay. Tumabi naman ako sa kanya at nakita ko syang nagpapacute.

“Mukha kang baliw Ronald.”

“*pout* Hindi ba ako pogi?”-Ronald

Kinurot ko naman agad sya sa ilong. Nagpapacute pa e.”Pogi kana, kaya wag mo nang gawin yan. Teka, bakit ka nga pala pumunta dito?”

“Wala lang. Gusto lang kitang Makita. Dito muna ako hanggang hapon ah?”-Ronald

Tumango naman ako at kinuha yung remote sa kanya, naghanap nalang ako ng magandang palabas.

Hanggang hapon si Ronald dito? Ano naman ang gagawin namin? Kwentuhan? Manood ng movies? Kumain? ARGH! Hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko lang kasing maranasan to. Yung dalawin ng boyfriend?

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon