Chapter 13-"Hindi ka pa naiinlove?"

65 1 0
                                    

Chapter 13- "Hindi kapa naiinlove?"

Kahit naguguluhan parin ako kung bakit naging ganun yung reaksyon ni Minn, pinabayaan ko nalang. Ayaw kasi nilang sabihin sakin.(-_-) Kainis.

Nung mga bandang tanghali na, umuwi muna sila Xianne, Princess, Gienn, Nick at Mark,babalik nalang daw sila kapag iaayos na yung paglabas ko dito bukas.

Nagulat nga ako kasi hindi umuwi si Ronald, kadalasan kasi, kapag tanghalian na, uuwi na yun, kasi kakain na raw sya. Pero ngayon, hindi, may naghatid lang ng pagkain dito, yaya nya yata yun, pero ang maganda dun, pati kami,meron na ring pagkain.:)

Pagkatapos naming kumain, nag-volunteer na si Mavy na sya na raw ang maghuhugas ng mga plato.

Hmm, parang may kakaiba kay Mavy ngayon?

Dahil nga nasa labas pa yung hugasan, kailangan pa nyang bumaba at doon hugasan yung mga plato.

"Ahh Lhen, uuwi muna ako ha? Iuuwi ko lang tong mga damit mo, tapos dadalhan na rin kita ng damit para makapagpalit ka mamaya, neh?"-Minn

"O sige."-ako

"Hoy Ronald, dito ka muna ha? Wag mong iiwan si Lhen papa-salvage kita."-Minn

(=_=)--------Ronald

"JOKE LANG! AHAHA.Sige!" hanggang sa lumabas na nga si Minn.

Baliw talaga tong si Minn.

Nga pala, nagtataka kayo kung bakit hindi na pandak ang tawag ko kay Minn?

Kasi minsan, nakita kong lumaki na si Minn, dati kasi hanggang braso ko lang sya,pero ngayon,BALIKAT NA! :D. O diba? Atleast alam kong lumalaki sya.:) Hehe

So ngayon,kaming dalawa nalang ni Ronald ang naiwan dito sa kwarto.

"Lhen, may tanong ako." tapos umupo sya sa may paanan ko.

"O sige, basta wag lang about sa Math or Science, wala akong isasagot dyan."

"*laughs* Hindi no, seryoso to ah, wag mo akong pagtatawanan."-Ronald

Tumango naman ako.

"Ehem...Ahh, Paano ba mainlove?"-Ronald

O_______O

"Anong paano mainlove? Bakit? Hindi mo alam kung paano?"-ako

"*kamot sa ulo* Eh, sa totoo lang, hindi pa."-Ronald

"Talaga? Hindi ka pa naiinlove?"-ako

Tumango naman sya, sabay yuko. Hahaha, ang cute nya, para talagang bata.:D

Oo na, hindi na ako kokontra sa sinabi ko, cute talaga sya, swear.

Umayos muna ako sa pagkakaupo ko, yung parang naka-indian seat? Hehe, komportable kasi ako sa ganung upo.

"Lhen umayos ka nga, para kang lalaki umupo."-Ronald

"I DONT CARE. Anyway... Bakit naman hindi pa?Ni crush or what wala pa?"-ako

Takte nagagaya na ako sa pagsasalita ni Minn.(>____<)

"H-hindi ko alam, wala talaga eh, ni crush wala."-Ronald

"Kahit sa mga celebrities wala kang crush?"-ako

"*tango*"-Ronald

TALAGA?? Grabe naman pala tong lalaking to. Parang si Luffy lang ay.

Kilala nyo naman si Luffy diba? Yung sa One Piece? Kasi nga diba? Kahit marami ng mga babae yung nagkakagusto sa kanya, wala syang pakielam, basta nandyan yung mga kaibigan nya at ang pagkain,solve na sya.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon