Chapter 42-“Salamat.:)”
Kahit hindi pa nagsasara yung booth namin, tumakbo na ako papunta sa clinic. Nagpaalam naman ako kela Minn kaya ayos lang.
Ang hirap ngang tumakbo kasi ang daming tao.(>__<) Medyo natagalan pa tuloy ako sa pagpunta ko dun.
Nung nakarating na ako sa clinic, nakita ko agad si Ronald na nakahiga habang nasa may paanan nya si Mam Chong.
“Ronald.”
“Oh nandyan na pala si Lhen. Pagsabihan mo nga muna to, ang kulit e.” Tumayo na si Mam Chong at lumabas muna ng clinic. Lumapit naman ako sa kanya tapos napatingin ako sa may kamay nya.
“Bakit may benda yang kamay mo?”
Napayuko naman sya. “Namali kasi yung tira ko.”
“Bakit? Ano bang nangyari?” kumuha naman ako ng isang bangko tapos nilagay ko sa gilid ng kama, kaya dun ako umupo.
“Hindi ko nga rin alam e, masyadong mabilis yung pangyayari. Basta ang alam ko matatalo ko na yung kalaban ko, tapos nung titira na ako, biglang kumirot yung kamay ko, sa sobrang sakit nabitawan ko nalang bigla yung raketa.”
“Ano ba yung sabi ni Mam Chong?”
“Napilay daw.”
Nakayuko lang sya habang sinasabi sakin yun. Siguro kasi gusto nya ring ipanalo yung laro kaya talagang nalungkot sya nung hindi nya natapos.
Hindi ko tuloy alam kung ano yung sasabihin ko na pwedeng makapagpagaan ng loob nya. Tawagin ko kaya sila Minn?
“Ahh, teka lang, tatawagin ko muna---------“ kaso hindi ko na natuloy yung pagtayo ko nung bigla nyang hawakan yung braso ko, kaliwa naman yung napilay nya kaya yung kanang kamay nya yung humawak sakin.
“Wag na, dyan ka na lang.”
Tumango nalang ako at umupo ulit.
“Kamusta yung booth?”
“Iyun, marami paring customers.”
“Lhen.”
“Oh?”
“Sorry.”
Napatingin naman ako agad sa kanya.” Bakit?”
Nakita ko naman syang ngumiti kaso halata namang pilit lang.
“Gusto ko kasing ipanalo yung laro para sayo. Alam mo bang ikaw lang yung iniisip ko habang naglalaro ako? Alam ko kasing pagod ka na kanina sa booth, gusto kong mapangiti kita kasi nanalo ako. Atleast, alam kong magiging masaya ka kapag nanalo ako diba?” nakatingin lang ako sa kanya nun.
Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Konti na nga lang maririnig nya na e.
“Ang kaso, nabigo ako. Hindi ko nai-panalo. Pasensya na.”
Ewan ko pero bigla nalang akong tumayo para tumabi sa kanya, nung napatingin sya sakin, niyakap ko sya bigla.
Yung yakap na, alam kong maiintindihan nya.
“Lhen.”
“Ano ka ba? Okay lang kahit hindi ka nanalo, palagi mo naman akong napapasaya e.” Aalis na sana ako sa yakap kaso pinigilan nya ako, naramdaman ko nalang yung isa nyang kamay sa likuran ko.
“Gusto ko kasi palagi kitang nakikitang nakangiti. Diba sinabi ko naman na sayo yun dati? Ewan ba, pero masayang masaya na talaga ako kapag napapangiti kita.”
Nung umalis na ako sa yakap, tumingin ako sa kanya at ganun din sya sakin.
=_________=----ako
“Eh.:( Akala ko pa naman ngingiti ka.“-Ronald
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...