Nakasimangot akong bumaba ng bus at pumunta sa abangan ng jeep papunta sa dorm. Mas mura kasi kapag jeep,kaysa tricycle.
Naku talaga Ronald! Kapag nalaman kong totoo yung sinabi ni Minn sakin lagot ka talaga.
Pano ba naman kasi,habang nasa byahe ako pabalik ng Maynila,bigla akong nakatanggap ng text mula kay Minn.
Lhen! Bilisan mong umuwi dito! Naku nakita naming may kasamang babae si Ronald. Hindi nga namin kilala e.
Kaya naman napasimangot ako agad. So yun pala yung dahilan kung bakit hindi sya nagtetext? Ilang linggo lang kaming hindi nagkita tapos makikipagdate sya agad sa iba.?
Pinipilit ko talagang kumalma,pero sa tuwing naiimagine ko----Arggh!!
Nakasakay na ako ng jeep nung tinext ko si Ronald na magkita kami sa dorm. Pero nakarating na ako't lahat sa dorm,wala parin syang reply.
Naglinis muna ako at inayos ang mga damit ko. Maya maya rin akong tumitingin sa cellphone ko para tingnan kung nagtext na ba si Ronald.
At nung tumunog na ang cellphone ko,senyales na tumatawag si Ronald.
"Hello."
Lhen,papunta------
"Ge ingat." sabay patay ko ng tawag nya.
Nakakainis talaga!! Tsk.
Hinintay ko lang sya habang nanunuod ng tv. Hindi nga ako mapakali.
Pano kung totoo nga? Na pinagpalit nya na ako?
( 'Д`)ノ~ wag naman.
*toktok*
Napatayo agad ako at pumunta sa pinto. Hingang malalim Lhen.
Binuksan ko yung pinto at nadatnan si Ronald na pawis na pawis.
"Lhen,sorry------"
"Pumasok ka." tinalikuran ko na sya at nagdirediretso sa tapat ng tv. Umupo nalang ako sa sahig.
Nakita ko yung paglungkot ng mukha nya habang papalapit sya sakin. Umupo rin sya sa sahig gaya ng ginawa ko.
"Lhen,galit ka ba? May problema ka ba?"-Ronald
Tinaasan ko lang sya ng kilay." Magpaliwanag ka nga."
"Ha?"
"May dinedate ka bang iba?"
Lumapit naman sya sakin at umupo sa tabi ko." Dinedate? Wala. Wala namang------"
"Bakit sabi nila Minn nakita ka raw nilang may kasamang babae?"
Napanganga nalang sya nung sinabi ko yun. Yan. Mahuhuli rin kita. Tsk.
"Teka nga. Ano ba yang sinabi ni Minn? Kadate na babae? Ako? Tsaka-----Ahhhh! Alam ko na."
Tiningnan ko lang sya ng masama." Wag kang magsisinungaling sasapukin kita."
Tumawa muna sya kaya hinampas ko na yung hita nya. Kainis e!Seryoso na ako dito tatawanan pa ako.
"Lhen,baka yung nakita nilang kasama kong babae,e yung pinsan ko."
Nakatingin parin ako sa kanya.
"Nagbakasyon lang din sila dito. Galing kasi sila sa America,tapos sabi ni mama,ipasyal ko muna raw. Sila Minn talaga."
"Totoo ba yan?"
Tinaas nya pa yung kanang kamay nya. "Promise. Hindi ako nagsisinungaling."
"Tsk." tumayo muna ako nun at umupo sa lamesa. Tampo pa ne? Nakakainis naman kasi. Malay ko bang hindi totoo yung sinabi ni Minn,kung anu-ano tuloy yung naisip ko.
Kahit sa iba ako nakatingin,nakita ko pa rin si Ronald kung paano magdahan dahan papalapit sakin.
"Wag ka nang magdahan dahan dyan,nakikita kita."
Kaya umayos na sya ng lakad papunta sakin,umupo sa tabi ko. Tama,sa tabi ko,sinisiksik nya yung sarili nya sa upuan ko,para magkatabi kami sa isang upuan.
"Ronald may isa pang bangko."
"Eh gusto ko dito."
"Tsk"Hindi ko sya tintingnan. Wala lang,gusto ko lang. Bawal mag-inarte?(-_-#)
"Lhen,selos much? Hahahaha."
"Para kang bakla."
"Ay bruha! Ako bakla? Wit!!"Ay potek! Napatingin tuloy ako sa kanya habang sya naman tawa ng tawa. Hindi bagay yung bakla sa kanya.>
"Masaya kana?"
Kahit alam kong gusto nya pang tumawa,pinilit nyang huminto. Maluha luha pa nga sya e. Tsk. Kaligayang bata.
"Lhen hindi kita ipagpapalit. Ano ka ba?"
"Sus! Pa-echeng nyo! Hindi ipagpapalit,pero kapag nakakita na ng mga sexy at maputi,kulang nalang mapunta sa sahig yung mga bibig nyo."
"Yan ka na naman e,nilalahat mo na naman yung mga lalaki. Hindi porke may mga lalaking ganun,e lalahatin mo na. Kaw talaga."Natahimik muna kami saglit. Wala talagang kumikibo. Hindi ko naman kasalanan magselos a? Tsk.
Hirap maging babae,napakamoody.
"Lhen."
"Oh?"Tapos bigla nya nalang akong niyakap.
"Wag ka nang magselos dyan."
"Hindi ako nagsese------"
"Okay,wag ka nang magalit dyan. Pinsan ko lang talaga yun."Hayy,ano pa nga bang magagawa ko? Tsaka mali rin pala yung akala nila Minn. Ako naman nagselos agad at nag-isip ng kung anu-ano kahit na hindi ko pa nakakausap si Ronald.
"Oo na,sige na."
Bumitiw naman sya sa pagkakayakap sakin. "I love you.:)"
"I love you too.:) Kunin mo sa bag ko yung mga pasalubong ko sayo."
At nung araw ding yun,maghapon lang kaming kumain ni Ronald ng indian mango.
------------Nakakamiss din pala tong school.
Pasukan ulit,at mukhang marami ang nagtransform ng mga looks nila. Ako kasi walang pinagbago. Hahaha
Pagkarating ko sa room,marami na agad tao.
"Happy New Year Lhen!!"
"Happy new year sa inyo.:)"Nagbatian lang kaming lahat at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari noong bakasyon.
"Nakita nga namin yung mga pictures mo Lhen sa Mt. Samat,mukhang maganda nga talaga dun."-Keyt
"Oo,maganda talaga. Kita mo nga dun yung Manila Bay e."
"Wow! Tapos yung dun sa krus? May elevator pala dun?"-Princess
"Oo.:) Mas maganda ang view dun,tsaka malakas ang hangin."Wala parin kaming ginawa nun. Syempre mga tinatamad parin ang mga estudyante at ang mga teachers.
Pero ilang buwan nalang graduation na. Nakakalungkot mang isipin pero malapit na kaming maghiwa-hiwalay.
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...