Chapter 59- OH NO!
(Lhen’s POV)
Medyo na-late na ako ng gising dahil sa sobrang pagod ko kahapon, naglinis kasi ako. Kaya ang resulta? Eto, late na rin sa klase.
Hindi na ako dumaan ng locker room para sana ilagay yung mga aklat na nasa bag ko. Mamaya nalang siguro.
Nung nakarating na ako sa room, nakita ko agad yung mga seryosong mukha ng mga kaklase ko, tapos napatingin din sakin si Ronald. Nag-signal pa nga sya na dalian ko, pero nakita na rin naman ako ni Mam.
“Sorry po Mam.”
“It’s okay. Umupo kana.”
“Huy Lhen! Bakit na-late ka?”-Minn
“Na-late ako ng gising e. Teka, bakit ang seseryoso nyo?”
Napatingin naman na sila kay Mam. “I-aannounce nya na kasi yung mga bumagsak sa exam.”-Gienn
Naku! Kaya naman pala. Pero sure naman ako na hindi ako babagsak dito. Oo nahirapan ako sa Math, pero nasagutan ko naman sya kahit papaano, nahirapan lang akong mag-solve.
Napatingin na rin ako kay Mam. Inayos nya muna yung salamin nya bago sya nagsalita.
“So, lahat ng babanggitin ko, pumunta sakin mamayang lunch break,para mapag-usapan kung kailan ulit kayo magtetake ng exam. Last chance nyo na yun, at kapag bumagsak pa kayo, pasensyahan na.”
“Grabe naman! Kinakabahan tuloy ako.”-Minn
Tumahimik na kaming lahat habang hinihintay yung mga pangalan ng mga bumagsak. Sana wala saming magkakaibigan ang mabanggit.
********
“Sige Xianne,mauna na kayo. Lhen, kumain ka ng madami ah?”-Ronald
Tumango muna ako bago sya pumunta sa office ni Mam Ho.
“Sayang naman yun, 1 point nalang papasa na sana si Ronald.”-Princess
“Oo nga. Pero buti nalang magaling akong manghula! Hahahaha.”-Xianne
Napalingon pa ako kay Ronald habang sya naman, naglalakad na para makausap si Mam.
Ano ba yung dapat kong gawin?
Nauna na kaming kumain kaysa kay Ronald. Dapat nga hihintayin ko pa sya, kaso pinilit na ako nila Minn na kumain dahil nga baka anong oras na syang palabasin. Kaya pagkatapos naming kumain, binili ko nalang ng pagkain si Ronald, para pagdating nya sa room, dun nalang sya kakain.
“Guys! Malapit na bakasyon ah. San tayo nyan?”-Minn
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa room.
“Hmm, baka sa bahay lang ako.”-Mavy
“Oo nga, ako rin, wala naman kaming kamag-anak sa ibang lugar e.”-Gienn
“Ako naman baka umuwi sa probinsya namin.”-ako
Kumapit naman sa braso ko si Minn. “Wow! Talaga? Kailan na yung uwi mo?”
“Baka sa January na, dun na ako magpapasko at bagong taon.”
Nung nakarating naman na kami sa room, humiwalay na muna sila Nick at Mark. Tapos nung pagpasok namin, wala pa rin si Ronald.
“Wala pa rin si Ronald. Hindi pa sya kumakain e.”-ako
“Sus, wag mong alalahanin yun, may baon namang pagkain yun.”-Minn
“Oo nga! Si Ronald pa ba? Hahaha.”-Gienn
Pinag-usapan naman muna nila kung saan at ano yung mga gagawin nila sa Christmas break. Si Minn pupunta yatang Palawan, bonding daw nila ng family nya, tapos si Princess naman, magpapahinga lang at manunuod ng mga movies.
Maya maya, nakita ko naman na papasok na ng room si Ronald.
“Ronald!!” kumaway naman ako sa kanya, tapos nung nakalapit na sya sakin, ngumiti lang sya at nakipagkwentuhan na rin kela Minn.
“Ronald, kumain ka na ba?”-ako
Tumingin muna sya sakin at tumango. “Kaso tinapay lang, mamaya nalang ako kakain ng kanin sa bahay.”
“Nga pala Ronald, ano na yung nangyari sa pag-uusap nyo ni Mam?”-Princess
Napabuntong hininga muna sya at umupo muna sa harapang bangko namin. “Ayun, pinag-take ulit ako ng exam.”
“O ano? Nasagutan mo ba lahat?”-Minn
“Oo naman! Ako pa ba?? HAHAHA.”-Ronald
Napangiti nalang din ako. Kayang kaya ni Ronald yan.
*************
Wala naman gaanong nangyari ngayong araw. Talagang puro klase lang dahil kailangan na naming makapag-exam bago sumapit ang Christmas Break.
Yung kay Ronald naman, bukas nalang daw sasabihin ni Mam yung resulta ng exam nya kanina. Mabuti na nga lang binigyan pa sya ng chance at hindi tuluyang binagsak.
“Lhen, baka hindi muna kita maihatid ngayon, pupunta ako sa ospital e, nasugod daw dun si kuya Art.”-Ronald
“Ay sige, okay lang.:)”
Nag-babye nalang sya sakin bago sya sumakay ng jeep. Iba kasi yung daan papunta sa ospital kaya hindi kami magkakasabay sa jeep. Sana maging okay lang si kuya Art. Naikwento kasi sakin dati ni Ronald na may sakit daw sa puso yung pinsan nya.
Nung may dumaan nang jeep papunta sa dorm, sumakay na ako para naman maaga akong makauwi. Pinauna na kasi naming makauwi sila Minn. Nagbayad na rin ako kay Manong para mamaya pagbaba ko, hindi na ako sisingilin.
Habang nasa byahe, bigla nalang akong kinabahan. Sus, bakit naman kaya?
Maya-maya, nakarating na ako sa dorm. Pagkababa ko nga, huminga muna ako ng malalim dahil ang bils talaga ng tibok ng puso ko.
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Tulad ng dati, parang walang tao sa dorm dahil sa sobrang tahimik.
Teka, bakit bukas ang pinto ng kwarto ko??
Dahan dahan ko namang binuksan dahil kung anu-ano na yung pumapasok sa utak ko. Natatakot? Oo naman. Ikaw ba naman maabutang bukas yung kwarto mo hindi ka matatakot? Uso pa naman ngayon yung kidnapping tsaka rape.
Nung nabukas ko na at nang makita ko kung sino yung nasa loob, halos mapanganga ako sa gulat.
“Kuya????”
OH NO! Bakit nandito sya? Tsaka bakit parang nagagalit sya?
Author's Note: SABAW ANG UPDATE! HAHAHA
Pasensya na. Natangay lang yung utak ko after ng finals. (^__^)V
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...