Chapter 33-"Bestfriend?"

41 1 0
                                    

Chapter 33-"Bestfriend?"

(Gienn's POV)

"Wow! Saraaaap talaga ng luto mo Nick!"(*O*)

Ngumiti lang sya sakin at nagsimula naring kumain. Hindi namin kasama ngayon sila Lhen kasi nagyaya tong si Nick na sa rooftop nalang kami kumain. Baka raw kasi ubusin nung dalawang batang yun (Lhen at Ronald) tong niluto nya para sakin.

Nung una nga hindi ako naniniwalang sya yung nagluto nitong caldereta, e biglang inagaw at sinabing bibigay  nya nalang daw kela Ronald, kaya naniwala na ako. May magagawa paba ako?\_(^_^)_/

"Teka Gienn." napatingin naman ako kay Nick. "Bakit hindi mo sinuot yung binigay kong bracelet sayo?"

Ah! Oo nga pala." Iniwan ko muna sa bahay, baka kasi mawala e." ngumiti naman sya at tumango.

Hayy. BURPINESS ITEY!! (^O^)

"Gienn."

"Hmm?"

"Bakit hindi ka sumali sa cheerdancing?"

Hmm. Naisip ko na yan dati. Sa totoo lang may plano talaga akong mag-audition para sa cheerdancing, kung hindi nyo kasi natatanong *ehem* marunong naman akong sumayaw kahit papano. Kaso nung nakita ko yung costume? Ay naku, umayaw agad ako! Kinapos yata sa tela kaya ang ikli nung damit.

"Pabayaan mo na sila Micka dun, kawawa naman sila kapag sumali pa ako diba? Alamuna."tapos tumawa ako. Haha. Yabang e no?

"Tsk. Edi ikaw na. Yabang neto."

Natawa ulit ako. Nakakatuwang isipin na nagagalit si Nick kasi hindi ko sinalihan yung hilig ko. Minsan talaga nakakatuwa rin tong si Nick e.:D

"Mamaya, hihintayin mo pa ba ako o ibibigay ko na yung susi ng bahay sayo?"

Ay oo nga pala, may practice pa yung banda mamaya.

"Hintayin nalang kita. Hindi naman kami makakapagsimula kung wala ka e." ang kaso parang iba yata ang pagkakaintindi nya, kaya napatingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit? Malungkot ba kapag wala ako?" naramdaman ko na parang uminit bigla yung mukha ko. Balliw talaga tong si Nick. O///O

"A-ARAAAAYY NAMAN NICK!!!" To namang loko lokong lalaki sa tabi ko. Tawa lang ng tawa!

Kurutin daw ba ng bongga yung pisngi ko?? (=__=) Ang sakit.

"Nakakatawa ka kasi. Bigla bigla kang namumula dyan! ahaha."-Nick

"E-eh kasi naman ikaw! M-masyado kang kwan! Syempre part ka ng banda kaya hindi kami makakapag-umpisa agad! Utak men! Tsk."

Nagulat naman ako nung bigla syang tumayo at naglahad ng kamay sakin. "Tara na, may try-out pa ko."

Hala. Galit si kuya?:D. haha

Inabot ko naman yung kamay nya para makatayo ako ng maayos. "Pero Nick,teka, pano tong mga lalagyan--------"

"Pabayaan mo na yan. Tara." sabay akbay sakin at hinila na ako para maglakad.

Nung inakbayan nya ako, parang may naramdaman akong kung ano sa tiyan ko, bigla ring bumilis yung tibok ng puso ko. Hala! Ano ba tong nararamdama ko??(>__<)

"N-Nick."

"Hmm?"

"Y-yung kamay mo. N-nasa balikat ko."

Napahinto naman sya kaya ganun din ako. Tumingin sya sakin. "Oh? Anong masama?"

"K-kasi baka may makakita sat--------"

"E ano naman? Bestfriend naman kita e."

Pagkarinig ko sa sinabi nyang yun, parang napako ako bigla sa kinatatayuan ko. Parang may kung anong malaking bagay yung bumagsak sakin at para bang nanghihina yung mga tuhod ko.

Parang meron ding gustong lumabas sa mga mata ko pero pinipigilan ko.

"Bestfriend?"-ako

Oo, dati naman kapag tinatawag nya akong "best" okay lang, na parang wala lang. Pero bakit ngayon parang...... ang sakit?

"Gienn?"

Napatingin ako sa kanya. Ang engot ko naman para maramdaman ko to sa kanya. Pero ang hirap kasing pigilan.

Si Nick yung palaging nandyan kapag malungkot ako, kapag kailangan ko ng karamay kapag may problema ako, sya rin yung nag-aalaga sakin simula noon. Bakit hindi ko naisip na pwedeng mangyari to?

Ang kaso, huli na ako. The only way that I can do is to forget this feeling and act like normal in front of him.

Ngumiti naman ako ng pilit.

"Oo nga! Hahaha. Bestfriend. Nakalimutan ko. Bestfriend."

Nakakatawa naman. Akala ko hindi mangyayari samin yung ganto. Marami na kasi akong nababasa, napapanood at naririnig na may posibilidad na magkadevelopan ang mag-bestfriend.

Nakalimutan ko Nick, BESTFRIEND nga pala kita, ang kaso, mukhang makakalimutin talaga ako e, kasi minahal kita hindi bilang bestfriend.:(

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon