Chapter 51- “Pangako.”
(Lhen’s POV)
To: Payat<3
~ Sge, nandto na ako sa 7/11.
*sent
Nilagay ko muna sa bulsa ko yung cellphone ko. Ang init naman. Pinunasan ko naman yung pawis sa may bandang ilong ko. Yan talaga yung madalas pawisan sakin.
Tinitingnan ko nalang yung mga taong dumadaan sakin habang hinihintay ko si Ronald. Dito nalang naming napagpasyahang magkita kasi naglilinis si Minn. Alam mo na, kunwari masipag.:D
Hindi na rin ako gaanong nag-ayos. Nagpantalon nalang ako tsaka pink blouse. Para mas makakilos ako ng maayos, nag-sandals nalang ako. Hehe.
Hanggang sa naramdaman ko na may kumakalabit sakin.
“Pasensya na, dapat ako yung nauna dito. Traffic kasi.”-Ronald
“Okay lang. Ano, tara na?”
Ngumiti naman sya at tumango. Binuksan ko muna yung payong ko para naman hindi kami gaanong mainitan. Mahirap na, baka maging kamatis yung mukha ni Ronald sa sobrang init.
“Pinagalitan pa nga ako ni mama kasi ang tagal ko raw maligo, baka mamaya mauna ka pa sakin. At nauna ka nga. Haha.”-Ronald
“Baliw ka kasi. Pwede naman akong pumuntang mag-isa-----“
“Hindi nga pwede, kailangan may kasama ka. Babae ka pa naman, hindi lang halata.”
Hinampas ko naman sya, kaya medyo napalayo sya sakin,pero lumapit din agad. Baliw talaga to.
“Haha. Joke lang, to naman.*sabay akbay sakin*”
Nung nakarating na kami sa paradahan ng jeep, sumakay agad kami. Buti na nga lang saglit lang kami naghintay at umalis na yung jeep. Kung maghihintay pa kami malamang hinimatay na ako sa sobrang init.
Tahimik lang si Ronald sa byahe. Siguro naiinitan din. O baka naiinis dun sa dalawang babaeng kanina pa nakatitig sa kanya?
“Para po manong!”-Ronald
Nauna syang bumaba kaya sumunod naman ako. Binuksan ko ulit yung payong ko at pinayungan sya. Kinuha nya naman yung payong kaya sya na yung nagpapayong sakin. Habang naglalakad kami, hinawakan nya yung kamay ko, kaya napangiti ako.
“Nakakainis yung mga babaeng papansin. Alam mo yun? Yung masyado na silang halata na nagpapa-cute sila.”-Ronald
“Gwapo ka raw kasi.”
“Alam ko naman yun, pero hindi naman ako sa kanila nagpapa-gwapo.*sabay tingin sakin at ngumiti.*”
Napa-iling nalang ako. “Gwapo kana sa paningin ko, hindi mo na kailangang mag-effort.”
Tumawa naman sya, tapos humigpit pa yung hawak nya sa kamay ko.
Maya-maya, huminto na kami sa tapat ng bahay nila. Tinatanong nyo kung kinakabahan ako? Medyo. Kasi yung last na punta ko dito, hindi ko pa boyfriend si Ronald nun, kaya ngayon, kinakabahan ako.
Binuksan nya naman yung gate at hinitak na ako papasok sa loob. Ang kaso, nakakadalawang hakbang palang kami sa loob ng bahay nila ng nakita ko na yung mama nya.
“Lhen!!” sabay takbo sakin at niyakap ako. “Welcome sayo.”
“Ma! Ako muna yung yayakap kay Lhen.”-Ronald
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...