Chapter 45-What you mean to me

35 1 0
                                    

Chapter 45-What you mean to me

(Lhen's Pov)

"Congrats Xianne!"

Sa tuwing nagseserve sya,palagi syang binabati ng mga customers. Napanuod din yata nila yung nangyari kahapon,kaya ayan,mas lalo pang dumami yung pumupunta sa booth.

"Annyeong!"-Ronald

"Table 6!"-ako

Dinala naman ni Mavy sa table 6 yung bagong customer. Nandito na kasi ako sa cashier,nakapwesto kami malapit sa pinto, sila Minn naman,nag-volunteer na dun nalang sila sa likod,kaya ang kasama ko nalang dito ay si Lee.

Tapos yung bumabati naman sa mga pumapasok ay si Ronald. Tutal pagaling palang naman yung kamay nya,sya nalang yung nandyan sa may pinto,mabuti na yung sigurado diba?

"Ronald!!"

Napatingin naman ako dun sa tumawag.

<(ˍ ˍ*)>Tss,si Micka lang pala.

Tinext na kasi sya ni Ronald na tigilan na yung pagtawag sa kanya ng Papa Ronald.

Panu ko nalaman? Kinwento sakin ni Ronald. Alam niyo naman yan,lahat ng nangyayari sa buhay nya sinasabi nya sakin.

"Ih! Micka! Lumayo ka nga."

Panu ba naman kasi,bigla biglang nanyayakap.

Hindi ko na sila natitigan kasi may nagbayad. Nung naayos ko na yung pera,bigla nalang lumitaw sa harapan ko si Ronald.

"Lhen,nagtext sakin si Nick,kakausapin nya lang daw ako saglit."

"Bakit? May problema raw ba?"

Hindi naman kasi nagtatawag yun kung walang dahilan.

"Ewan,pero baka hindi na ako makasabay kumain sa inyo ng lunch. Kitakits nalang mamaya sa praktis." Kinuha nya muna yung bag nya bago umalis.

Hmm. Bakit naman kaya?

(Gienn's Pov)

"Yan! Ganyan tayo e! Porke may mga lovelife na kayo di na kayo nanlilibre!"-Minn

"Kabibigay ko lang ng chocolate sayo kanina."-Xianne

"Bakit ba kasi ganun binibigay mo? Dapat yung pampatangkad!"-Lhen

"Harhar!(~_~メ)"-Minn

Napatingin naman ako sa relo ko. Kumain na kaya sya? Hay naku naman.

"Oy,una na raw tayo sa bahay nila Ronald,sunod na lang daw sila."-Mavy

Napabuntong hininga nalang ako.

Nakakamiss talaga yung dati. Yung dati na may nagtatanong kung may problema ako,yung may nagpapangiti sakin kapag malungkot ako,kaso ngayon,wala na.

Hindi ko alam kung bakit kami naging ganito ni Nick. Ako ba ang may dahilan? Pero hindi nya rin naman ako kinakausap e. Siguro nga,okay lang sa kanya ng lumayo ako.

Naiiyak na naman tuloy ako.~T_T~

Bago pa ako maiyak,nakarating na kami sa bahay nila Ronald. Last practice na to nila Lhen.

"San ba nagpunta sila Ronald?"-Xianne

"Ewan nga e."-Lhen

Sinalubong naman kami agad ng mama ni Ronald. Kapag talaga nandito kami,alagang alaga kami.

"Magmiryenda muna kayo habang hinihintay nyo sila Ronald. Lhen,tara, may papakita ako sayo."-Tita

Kilala na rin naman nya si Lhen,tsaka sya kasi yung unang niligawan ni Ronald,kaya tuwang tuwa talaga si tita.

Ang &quot;BATA&quot; Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon