Chapter 30- "Si Nick"

44 1 0
                                    

Chapter 30- “Si Nick”

(Gienn’s POV)

“Pwede ba Ronald seryosohin mo naman! Pano kayo mananalo nyan?? Tsk.”

Kanina pa kasi sila nagpapractice, pero tong si Ronald puro kulos naman. Ayaw seryosohin.

Halimbawa kapag nagduduet na sila ni Lhen, nagkukunwari si Ronald na pumipiyok, kahit hindi naman.

Napaupo nalang tuloy ako sa sofa, nandito kasi kami sa music room ni Nick. Buti nga nag-volunteer yung isang yun na dito nalang magpractice, nakakarelax kasi. May mga posters ng Paramore at A Rocket To The Moon dito, yung ibang banda hindi ko na kilala, tapos kumpleto rin sa gamit, may drums, ibat ibang uri ng gitara at mic sa harap. Sound proof naman tong kwarto kaya kahit magwala pa sila dyan, okay lang. Meron ding flat screen tv sa may harap, merong mga cds sa ilalim.

Akala ng iba ang swerte ni Nick dahil ang yaman nila, pero hindi nila alam na ang lungkot ng buhay nya.

Bigla naman lumapit si Ronald sakin. “Highblood agad to, unang practice palang naman. Tsaka wala naman tayong pakielam sa prize, basta mag-enjoy lang tayo.”

“Heh! Lumayo layo ka nga baka masapak kita.” Sabay hawak ko sa noo ko. Sumasakit ulo ko sa lalaking to.

“Gienn! Pahinga muna tayo. Nangangawit na ako e.”-Lhen

Sabagay. Kanina pa kasi sila nagpapractice.

“Sige. 5 minutes break.”

“5 MINUTES LANG??” sabay sigaw nila Ronald at Lhen.

“Hindi, limang minute.”-ako

“Tinagalog mo lang e.”-Ronald

Maya-maya, lumabas muna sila Ronald at Lhen, ewan ko kung san pupunta yung dalawang yun. Sila Princess at Xianne naman, nandun sa kabilang sofa.

“Nick, panood muna ako dito ah?”- sabay lapit ni Mavy dun sa may flat screen tv at pumipili na ng mga cd’s.

Tumango lang si Nick tapos umupo sya sa tabi ko.

“Sumasakit ulo mo?” tumango naman ako. “Masyado mo naman kasing pinoproblema yan eh, tama si Ronald, wag mong isipin yung prize, basta i-enjoy lang natin.”

“Oo na, sige na.”

Nagulat naman kami ng biglang pumasok si Ronald sa loob ng room.

“KAKAIN NA RAW!!”-Ronald

“Bunganga mo Ronald! Basta pagkain talaga to.(=__=) “- ako

Tumawa lang sya tapos lumabas ulit, kaya naman nagsitayuan na rin kami para makakain na, total nararamdaman ko na rin naman na nagwawala na tong alaga ko sa tiyan.

**********

 Pagkababa namin, nakita namin sila Minn at Mark kasama si Lhen. Si Ronald, nandun na sa kitchen, nangunguna na. Tsk.

“O Minn, bat nandito ka?”-Xianne

“Duh~ anong klaseng tanong yan Xianne? Wala akong kasama sa dorm so wala akong pagkain, kaya makikikain nalang ako dito.”-Minn

Napa-face palm nalang ako. Tong mga kaibigan ko, parang may mga sira eh.

“Wait lang ha.” Tapos umakyat ulit sa taas si Nick, hindi ko na natanong kung bakit kasi tumakbo na sya agad.

Kami naman dumiretso na rin sa kitchen nila Nick, may mga nag-aasikaso naman samin kaya okay lang. Nagkukulitan pa nga sila Lhen at Ronald, nag-aagawan sa ulam.

“Akin nga tong hita! Pakpak nalang sayo!”-Lhen

“E ayoko nun! Sayo nalang yung pakpak.”- Ronald

“Lalaki ka! Gentleman dapat.”-Lhen

“Sa pagkain walang gentleman-gentleman.” Sabay kuha ni Ronald sa pritong hita ng manok, pero nagulat sya nung inagaw ni Minn at kinagat.

“Nag-aaway pa kayo, sakin din naman mapupunta! Bleeh.:P”-Minn

“Naman to eh!”-Ronald

Nung nakaupo na kami lahat, dun palang dumating si Nick at tumabi sakin, sabay bigay nung isang gamot?

“Pagkakain mo inumin mo yan, uso sakit ngayon eh.”-Nick

Napangiti nalang ako bigla.

Oo hindi madalas magsalita si Nick, sa lahat sa kanila, si Nick ang pinakatahimik. Akala ng iba suplado sya, pero hindi. Sya kasi yung tipo ng tao na nag-iisip muna bago magsalita. Hindi sya padalus-dalos kung kumilos.

Isa pa, sweet sya para sakin. Kahit na alam kong may kulang sa buhay nya, pinipilit nya paring ngumiti. Kilala ko na si Nick simula bata pa lang ako, kaya nga nagging mag-bestfriend kami e.

Simula nun, sakin na sya palaging nagsasabi ng problema nya. Magmula kasi nung nag-first year highschool kami, nagkaroon na ng problema yung pamilya nya. Nagkaroon ng babae yung daddy nya, simula nun hindi nya na nakakausap ng matino yung mommy nya, hanggang sa nalaman nya nalang sa kapatid nya na umalis na rin yung mommy nya papunta ng Amerika. Yung kapatid nya naman na si Kuya Theng, may sarili nang pamilya kaya hindi na sya naaasikaso.

Tungkol naman sa financial, walang problema dun si Nick dahil palagi syang pinapadalhan ng daddy nya. Pero kahit na ganun, alam ko paring malungkot sya, kaya hanggat maaari, hinding hindi ko sya iiwan.

Pagkatapos naming kumain, pumunta ulit kami sa music room at nagpractice. Siguro naka-dalawang practice lang kami dahil nagrereklamo si Lhen na inaantok na raw sya. Kaya nagpahinga muna kami saglit at kanya kanya na kami ng uwi.

Naiwan nalang ako mag-isa dito sa bahay nila Nick, sinabi nya kasi sakin kanina na may  ibibigay daw sya sakin.

“Dyan ka muna ah?” sabay punta nya ulit sa kwarto nya. Hinintay ko naman sya sa sala, medyo inaantok na rin ako kaya hindi ko na napansin nung nasa tabi ko na sya. Pagtingin ko naman may hawak syang maliit na kahon.

“Ano yan?” sabay turo ko dun sa hawak nya.

Binuksan nya yung kahon at nilabas ang isang silver bracelet. May design syang heart sa gitna at may arrow naman sa gilid.

“Importante to sakin, bigay kasi ni mommy yan nung birthday ko nung 8 years old pa ako. “ nagulat naman ako nung bigla nyang kunin yung kamay ko at nilagay sakin yung bracelet.

“Teka, Nick..” ngumiti naman sya sabay tingin sakin.

“Ingatan mo yan ah.”-Nick

“B-bakit mo binigay sakin to?”

Ngumiti lang ulit sya at tumayo. “Tara, ihahatid na kita.”

Di man lang sinagot yung tanong ko? Psh.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon