Chapter 60
Author's Note: Hindi ko talaga alam yung pwedeng i-title, kaya wala munang title tong chapter na to. Huehue.:3
(Lhen's POV)
Binaba ko muna yung bag ko bago ako lumapit kay kuya. Tumayo naman sya at niyakap ako.
“O bakit parang gulat na gulat ka nung makita mo ako?”-kuya
Humiwalay muna ako sa kanya bago ako nagsalita. “E malay ko ba naman kasi kung sino yung taong nakapasok sa kwarto ko. Teka, paano ka nga pala nakapasok? Tsaka bakit ka nandito?”
Naglakad lakad naman sya sa buong kwarto. Yung parang inuusisa ba kung may agiw o dumi.
Si kuya Fred. Sya yung panganay sa amin. Mabait naman sya, pero minsan may pagkamasungit din. Pero dahil nga ako ang bunso, lahat ng ginagawa ko, sinusuportahan nya. Wala pang asawa si kuya, pero malapit na.:)
“Nakausap ko yung may-ari ng dorm kaya binigay nya sakin yung susi nitong kwarto mo. Tsaka bakit ako nandito?” tumingin naman sya sakin na parang pinapaamin ako sa kasalanang nagawa ko. “May nabalitaan kasi ako.”
Napalunok naman ako agad. Parang alam ko na to ah.
“Sabihin mo sakin bunso, may tinatago ka ba samin?”
Lumapit muna ako sa kanya para makapagpaliwanag ako ng mabuti.
“E kuya, kasi…” napayuko muna ako dahil nahihiya ako kay kuya. Ewan ko ba, pero kapag mga ganitong usapan talaga nahihiya ako.
“Kasi?”-sya
“Alam ko namang alam mo na----“
“Totoo nga.” Napatingin ako agad kay kuya at nakita ko na nakakunot ang noo nya. Kapag ganyan sya alam ko na hindi magiging maganda ang pag-uusap na to.
“Kuya, mabait si Ronald. Hindi nya ako sasaktan----“
“Bunso, alam mo naman kung bakit ka namin pinapunta dito diba? Nag-usap muna tayo nila nanay bago ka pumunta dito.”
“Oo nga, pero kasi.. Hindi ko naman pinapabayaan yung pag-aaral ko, tsaka hindi ako nalulungkot dito dahil kay Ronald. Palagi nya akong pinagtatanggol.”
“Pinagtatanggol?? Bakit may mga umaaway sayo dito?? Bakit hindi ka tumatawag samin?” naglakad naman si kuya kaya sinundan ko sya ng tingin.
“Ayoko naman kasi na mag-alala kayo, tsaka nandyan naman si Ronald---“
Huminto muna sya saglit sa paglalakad at tumingin sakin.
“Lhen, hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipag-boyfriend, pero alam mo naman siguro kung ano yung ipinunta mo dito diba? Tsaka ayan, may boyfriend kana pala hindi mo pa sinasabi samin. Kailan mo sasabihin? Kapag nabuntis kana---------“
“KUYA!!”
Napahinto naman sya sa pagsasalita nung sumigaw ako. Bakit ganyan sya mag-isip? Wala ba silang tiwala sakin?
![](https://img.wattpad.com/cover/3843643-288-k487017.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang "BATA" Ko!!
Teen Fiction*Buhay Highschool? Sabi nila dito mo na raw mararanasan lahat. Yung mga masasayang araw kasama ng mga kaibigan mo, kahit may problema mang dumating, malalagpasan nyo agad yun. Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang naranasan ko sa buhay ko, ay ang n...