Chapter 56-That moment

19 1 0
                                    

Chapter 56-That moment

(Lhen’s POV)

“O tapos? Anong sinabi mo??”

“Syempre ano pa ba? Magpapakipot paba ako? Pumayag na ako.”-Minn

“WAAAHH!!”

Hinawakan ko sya sa balikat at inalog alog! GRAVITY! ETO NA YUN! SA WAKAS! HINDI NA TORPE SI MARK!!

“A-aray ko naman Lhen! Hyper agad?”-Minn

“Ay,sorry.” Pagkabitaw ko sa kanya, tiningnan ko naman sya sa mukha. Mukhang masaya nga talaga si Minn.

Umalis muna kasi sila Ronald at Mark, pupunta lang yata sa cr. Tapos yun, kinwento sakin ni Minn yung nangyari kagabi. At talagang kinikilig ako!!XD. Hahahaha. Im soooo happy.*clap-clap*

*tok-tok*

Napatingin naman kami agad dun sa pinto. Sino naman kaya yun? Ang aga pa para dumalaw ah?

“HI!!!”

“GIENN!”-Minn

Pumasok na sila Gienn, Nick at Mavy. May dala silang isang basket ng prutas.

Tumayo muna ako saglit para makaupo sila Gienn sa gilid ni Minn. Tapos lumapit sakin si Mavy.

“Kumain na kayo?”-Mavy

“Ahh, oo. Kakatapos lang din. Ang aga nyo yata?”-ako

“Oo nga e. Ewan ko dyan kay Gienn, excited Makita si Minn e. Teka…Nasan si Mark?”-Mavy

“Pumunta lang sa cr. Kasama si Ronald.”

“Oh? Dito pala natulog yun.”-Mavy

Maya-maya, dumating na rin sila Ronald at Mark.

“Oh Mark, kamusta na?”-Nick

“Eto, okay na. Mamaya pwede na raw akong lumabas.”-Mark

“E si Minn daw kailan?”-Gienn

“Bukas!”-Minn

“Yun! Atleast may time tayo para makapag-review.”-Mavy

Oo nga pala. Next week na yung start ng mga exams.(=_=) Hayy. Akala ko makakapagpahinga ako.

“Sabay sabay na tayo magreview!”-Ronald

Napatingin naman kaming lahat kay Ronald. Energetic na naman. Pero infairness ah, hindi sya nangawit kagabi. Sa balikat nya kasi ako naka-sandal habang natutulog ako.

“Heh! Di kami nakakapagreview kapag kasama ka!”-Mavy

“De wag! Lhen! Tayo nalang ang sabay?:)”

Hindi naman ako agad nakasagot kasi iniisip ko si Minn. Wala syang kasama sa bahay.

“Sige na Lhen, pumayag kana. Uuwi na ako bukas sa bahay e.”-Minn

“ANO??”-sila

Napalapit tuloy ako ng wala sa oras kay Minn. Uuwi na sya bukas?

“T-talaga?”-ako

Bigla naman syang tumango. Kaya kaming dalawa ni Gienn, yumakap sa kanya.

“Sa wakaaaaas! Nauntog ka rin!”-Gienn

“Baliw. Hahaha. Bitawan nyo nga ako! Inet e.”-Minn

Sinunod naman namin yung gusto nya. Mabait kami e.:D

Pero kung uuwi na sya bukas, ibig sabihin, ako nalang mag-isa sa dorm. Wala na akong masisigawan kapag male-late na kami. Hindi ko na matitikman yung sunog na itlog.

Ang "BATA" Ko!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon