TINITINGALA NG LHAT

195 16 0
                                    


Ito ay isang gawa ng piksyun. Ang mga pangalan, karakter, lugar at kaganapan ay alinman sa produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang gawa-gawa lamang. Anumang pagkakahawig sa aktwal ng mga tao, buhay man o patay o aktwal na mga kaganapan ay purong hindi sinasadya.

DISCLAIMER: ALL MULTIMEDIA/
S HERE IS/ ARE NOT MINE. IT'S FROM MY PARENG GOOGLE.
cttro

*****
SON-IN-LAW WHO SURPASSES THEM ALL

ALL RIGHT RESERVED
COPYRIGHT ©️ 2021 by NONACK

AN: Hindi.po ako professional writer kaya naman asahan niyo na may mga grammatical error at mga typo. Hindi rin ito purong filipino.

KABANATA 1

"Nonack, itapon mo nga itong mga pinaghugasan namin ng paa."

Tatlong mga babae ang makikitang nakaupo sa isang sofa, katatapos lang nilang ibabad at hugasan ang kanilang mga paa. Nagpapakita ng kaakit akit na ganda at class ang mga ito sinumang titingin sa kanila mula sa malayo, mayroon din silang kanya kanyang mga asset. Isa sa mga ito ang asawa ni Nonack habang ang dalawang pinakamatatalik niyang mga kaibigan.

Matapos marinig ang utos ng kaniyang asawa, masunuring itinapon ni Nonack ang maruming tubig mula sa tatlong mga pinagbabarang batsa. Hindi na siya nakagawa ng kahit na anong imik dahil isa siyang manugang na nakikitira sa pamilya ng kaniyang asawa. Kahit tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila ng kaniyang asawa, hindi na siya nagkaroon ng lugar sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Madalas siyang sinesermonan ng kaniyang asawa at ng kaniyang biyenan sa tuwing nakakagawa siya ng kahit kaunting mali na makita ng mga ito sa kaniyang mga ginagawa. Mas nagawa pang irespeto ng mga ito ang kanilang aso kaysa sa kaniya.

Tatlong taon nang kasal sina Nonack ay Chen Perez, pero mukhang sa pangalan lang ito makikita dahil hindi pa kailanman nila nasusulit ang kanilang pagsasama. Ni hindiang lang niya mahawakan ang kamay ng kaniyang asawa! Sa sahig lang din natutulog si Nonack dahil sa tindi ng inis sa kaniya asawa niyang si Chen.

Paglalaba, pagluluto, paglilinis ng mga kuwarto, ang lahat ng gawaing bahay ay nakatoka kay Nonack araw-araw. Isang araw , kalahating oras siyang sinermonan ng asawa niyang si Chen matapos aksidenteng makabasag ng isang platito habang nagluluto.

Nagkaroon rin ng isang pangyayari kung saan hindi sinasadyang magising ni Nonack ang kaniyang asawa habang papunta sa banyo. Agad siya nitong sinampal nang malakas nang walang pag aalinlangan.

Ito ang unang beses na sinaktan si Nonack ng kaniyang asawa. Hindi siya nagawang pagbuhatan ng kamay maging ng kaniyang mga magulang noong siya ay bata pa! Kaya natural lang na magalit siya rito pero kinakailangan niya itong pigilan at sarilinin. Ang tanging magagawa niya lang ay ang magmakaawa at himingi ng tawad kay Chen. Pero sa huli, nagawa.pa rin siya nitong paluhurin magdamag.

Tatlong taon na ang nakalilipas kaya sanay na si Nonack aa ganitong buhay. Wala na siyang masisi kundi ang kaniyang sarili sa pagiging manugang sa pamilyang ito hindi ba? Ang masaklap pa rito ay ang matinding pagmamahal na nararamdaman pa rin ni Nonack sa kaniyang asawang si Chen kahit na araw araw siya nitong kinamumuhian at itinuturing na basura!

Pangalawang anak si Nonack sa angkan ng Wayne, kilala sila bilang pinakamalaking angkan sa buong Jiangnan Region. Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula noong gumastos siya ng sampung milyon para bilhinang 10% ng kumpanyang Southeast Petroleum.

Daan daang miyembro ng kanilang angkan ang nagalit sa ginawa ni Nonack noong mga panahong iyon. Tinawag naman siyang hibang ng iba niyang mga kaibigan, habang, inisip naman ng iba na sinusubukan nang solohin ni Nonack ang kayamanan ng kaniyang angkan sa ginawa sa niyang ito. Kaya nagkasundo at nagpasya ang buong angkan ni Nonack, kasama ang kaniyang mga sariling magulang, na itakwil siya at burahin sa kasaysayan ng kanilang angkan!

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now