TINITINGALA NG LAHAT K-64:
Operasyon sa ama ni Nonack:Tiningnan ng lahat si Nonack, tumingin sila na parang nakatingin sa isang demonyo!
"Ano ang ginagawa mo? Security! Tumawag ka ng security, itapon niyo sa labas ang tatlong ito!" Mahahalatang natakot ang nurse dito. Pero kung titingnan, nakasuot lang si Nonack ng mumurahing damit kaya paano niya magagawang takutin ang lahat?
"Oo nga, ano bang problema mo para sumigaw ng ganiyan sa isang ospital?"
"Tama nang mahirap lang kayo, pero nagawa mo pa ring utusan ang ospital na gamutin ang tatay mo nang libre?"
Hindi na nakapagpigil pa ang ilan sa mga doctor at agad na nagsilapit para magsalita.
Pagkatapos magsalita ng mga ito, higit sa isang dosenang mababagsik naga security guard ang lumapit sa kaniya. Kahit na nakasuot ng security uniform ang mga ito, makikita ang maskulado nilang mga katawan. Nagkaroon din sila ng mabagsik at pumapatay na ekspresyon sa kanilang mga mukha at sapat na ang isang tingin para masabi na dating mga gangster ang mga ito.
Nang makita ang mga security guard, sumigaw ang nurse at tumuro kay Nonack. "Siya iyon, siya ang taong nanggugulo rito!"
Kinuha ng Donghai City Hospital ang lahat ng kanilang mga security guard sa Black Wolf Security!
At sino nga ba ang humahawak sa Black Wolf Security? Sina Abby at Brandon.
Kilala ang magkapatid na ito sa buong Donghai City! Mayroon pa bang iba na hindi takot sa kanila?
Maraming mga lugar ang hinahawakan ng Black Wolf Security sa buong Donghai City. Kaya sino ba ang may lakas ng loob na manggulo sa lugar na ito?
Naglakad palapit sa kanila ang Head ng Security sa ospital na si Alex Garfield na may bitbit na batuta. Pero habang palapit kay Nonack agad itong natigilan sa sobrang pagkagulat.
"Siya po iyon, Mr. Garfield!"
Malakas na sumigaw ang nurse "Gusto niyang ipagamot ang kaniyang ama kahit na wala silang pera, pero nagawa pa nilang manggulo noong tanggihan namin sila!"
Ano?
Naisip ni Alex na baka nagkamali lang siya ng tingin.
Buwisit, ilang araw pa lang ang nakalilipas mula noong bantayan niya ang babae niyang boss sa isang kasalan at dito na niya nakita ang lalaking ito!
Hindi ba't si Nonack ang isang ito? Ang ikalawang young master ng pamilya Wayne! Nagawa pa nga nitong iligtas ang boss niyang si Abby.
At ayon sa kaniyang boss na si Abby, mayroon daw hawak na isang mahiwagang pill si Nonack-- na tinatawag niyang Golden Pill. Mayroon itong kakayahan na palampasin ang sinumang nasa bottleneck ng kanilang pagpapalakas sq kasalukuyan nilang mga level.
At kinakailangan nga rin ni Brandon ito para makatawid sa susunog na domain!
"Mr. Garfield, dalian niyo nang itapon ang mga ito sa labas," Nanlalamig na sinabi Nurse.
"Manahimik kang hayop ka!" Sigaw ni Alex. Agad na natakot nang husto ang nurse sa sinabing ito ni Alex.
"Kuya Nonack," Buong respetong sinabi ni Alex habang naglalakad palapit kay Nonack. "Paumanhin dahil hindi ka nakilala ng nurse na iyon, kuya Nonack..."
Napakunot ang mga kilay ni Nonack nang husto. Hindi niya nakilala ang lalaki sa kaniyang harapan pero bakit siya nito tinatawag na kuya Nonack?
Pero hindi natin masisisi si Nonack kung bakit hindi niya nakilala si Alex, dahil masyadong marami ang mga taong umattend sa kasalang iyon. Kaya ang isang mababang tao na katulad ni Alex ay walang karapatang magsalita sa mga ganoong okasyon.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."