KABANATA 32Nang marinig ang sigaw ni Samantha sa kaniyang kuwarto, naglakad si Nonack palabas ng kaniyang kuwarto.
Sa mga sandaling ito nagulat ang kaninang nakangiting si Kate. Bumulong ito kay Chen ng "Ate Chen, nandito si Wayne... si Nonack Wayne?
Mula noong marinig niya mula mismo kay Samson sa Moonlit River Bar na si Nonack ang ikalawang young master ng pamilya Wayne, hindi na niya madyadong binibisita ang pamilya Perez para batiin si Chen.
Hindi na niya ito tatangkain pang gawin!
Nagpunta siya ngayon para makipagkuwentuhan kay Chen nang marinig niya kahapon na ilang araw nang wala si Nonack sa bahay ng mga Perez.
Kaya hindi niya inaasahan magkikita muli sila ni Nonack sa muli niyang pagbisita sa mga Perez
Kalmado namang sinabi ni Chen na, "Kababalik balik niya lang kanina."
Mayroon sanang gustong sabihin si Kate pero agad siyang napatigil nang makita niyang bumababa si Nonack sa hagdanan. Agad na ibinaba ni Kate ang kaniyang ulo at huwag tumingin dito!
Parang nanloloko namang ngumiti si Nonack nang makita niya ang nakaupong si Kate sa sala.
Tumitig si Samantha kay Nonack at nag-utos, "Ano pang itinatayo tayo mo riyan? Dalhan mo na sila ng tsaa, bilisan mo!"
Hindi naman gumalaw dito si Nonack na para bang wala itong narinig.
"Hindi, hindi na po kailangan. Hindi naman po ako nauuhaw... kaiinom ko lang po kanina kaya huwag ka nang kumuha ng tsaa, kuya Nonack..."
Nang matapos sa pagsasalita si Samantha, agad na tumayo si Kate at sumenyas na ayaw niya gamit ang kaniyang mga braso.
Habang nagsasalita, pasimpleng tinitingnan ni kate ang magiging reaksiyon ni Nonack sa kaniyang mga sinasabi.
Isa itong kalokohan. Paano niya magagawang utusan ang ikalawang young master ng mga Wayne na bigyan siya ng tsaa. Maliban na lang kung ayaw na niya sa maganda niyang buhay hindi ba?
Nagtanong naman si chen habang nakakunot ang kaniyang mga kilay nang makita niyang hindi normal ang mga kilos ni Kate ngayon at sinabing, "Anong problema mo ngayon kate?"
Agad namang itinango ni Kate ang kaniyang ulo at sinabing, "Wala lang ito. Hindi lang kasi ako nakatulog nang maayos kagabi."
Nagulat din dito maging si Samantha.
Ano ang nangyayari? Bakit parang natatakot silang lahat sa walang kuwentang lalaki na ito?
Matapos mag-isip nang napakalalim, bumalik na rin si Samantha sa kaniyang diwa habang tinitingnan ang mukhang kawawang itsura ni Nelson.
Naisip niyang malinis si Kate sa lahat kaya naramdaman siguro nito na madumi ang walang kuwentang ito kaya hindi na siya nagpakuha pa ng tsaa.
Tumitig si Samantha kay Nonack habang iniisip ang lahat ng ito.
Hindi pa rin naging kumportable ang pakiramdam ni Kate kahit na hindi nagsalita ng kahit na ano si Nonack.
Matapos manatili ng ilang sandali, hindi kinaya ni Kate ang nararamdaman niyang pressure kaya agad siyang at sinabing "Mayroon pa pala akong dapat na gawin, Ate Chen kaya hindi na ako magtatagal pa rito. Mauuna na ako."
"Masyado kang nagmamadali ngayon, Kate?" Tanong ng tumatayong si Chen, "Hindi ko napansing pumarada ang sasakyan mo kanina kaya paano ka nakapunta rito?"
Nakangiti namang sinabi ni Kate na, "Nasa service center kasi ngayon ang sasakyan ko kaya nagtaxi lang ako papunta rito. Tatawag na lang din ako ng taxi pabalik."
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."