CHAPTER XLVI

53 14 1
                                    

KABANATA 46

Mukhang sinuwerte nga lang siya. Isang nakikitirang manugang na itinakwil ng kaniyang pamilya ang sinuwerte nang tumaas nang husto ang mga shares na binili niya. Kaya mayroon pa siyang dapat na ipagmalaki rito?

Hindi maiwasang matawa ng karamihan sa mga bisita kay Nonack. Matagal na nilang narinig kung paano pinatalsik ang ikalawang young master ng pamilya Wayne sa pamilya na siya ring naging nakikitirang manugang ng mga Perez.
Pero hindi inasahan na ganito magiging kakapal ang kaniyang mukha  matapos bumalik sa pamilyang nagtatakwil sa kaniya.

Sa mga sandaling ito, naglakad palapit ang kuya ni Nonack na si Franky at tumatangong sinabi rito na. "Mabuti at nakabalik ka na rin, Nonack. Huwag mo na siyang pansinin."

Nagmukhang bukas sa pagtanggap ang tono ni Franky pero makikita ang kawalan nito ng pakialam sa kaniyang mukha.

Kahit na magkapatid silang dalawa, wala silang naging kahit na anong pagkakapareho mula noong mga bata pa lang sila.
Madalang na rin silang mag-usap  mula noong pakasalan ni Franky si Yumi. Agad na lumayo nang lumayo ang loob ng dalawa sa isa't isa matapos maimpluwensyahan ni Yumi.

Hindi na nagsalita pa rito ang tumatangon si Nonack.

Dito na sila nakarinig ng isang nababagabag na boses.

"Dalian ninyo! Tulungan niyo kami! Nahimatay si President Guy!"

"Paano ito nangyari?"

Nagkalat ang mga nagpanic na bisitang may kumplikado at mahinhing mga mukha.

Makikita ang isang nakabihis pormal na babae sa sahig. Mukha itong nasa kaniyang thirties na mayroon ding magandang hubog ng katawan. Pero nakapikit ang mga mata nito habang hindi gumagalaw nanakahandusay sa sahig ng hall.

"President Guy?"

Agad na nagpanic si Drake nang makita niya ang eksenang ito.

Ang babaeng ito ay si Abby Guy, ang General Manager ng Black Wolf Security Group at isang kilalang tao sa buong Donghai City! Ang Black Wolf Security Group ay kinokontrata para sa seguridad ng mga high class residential area sa buong Donghai City, kasama na rin dito ang pag-eescost sa mga bangko ng kanilang City kaya masasabi natin na isa itong malakas na grupo.

Sa pangalan lang ito natatawag na security group. Dahil mga gangster ang lahat ng nagtatrabaho sa security group na ito. Tinawag lang ito bilang isang security group bilang pormalidad sa kanilang kumpanya.

Ang nakababatang kapatid ni Abby na si Brandon ay isang kilalang walang awang pinuno ng isang gang sa Donghai City.

Kaya nagawang naimbitahan si Abby na umattend sa kasal ni Jackson.

Mukhang hinimatay ito sa gitna ng handaan kaya sa sandaling may hindi magandang mangyayari rito, siguradong masisisi ang buong pamilya Wayne ng kapatid nitong si Brandon!

Magmadali ring lumapit sina Franky at Yumi nang marinig nila ang sigaw.

Nababagabag na sumigaw si Yumi nang makita niya ang nangyari. " Dali, Mayroon bang doktor dito?"

" Ako... Lumayo kayong lahat sa kaniya, hayaan ninyo akong alamin ang kalagayan niya."

Nang biglang isang matangkad na babae ang naglakad mula sa mga bisita, nagmukha itong mahinhin at maalaga. Agad na napunta sa kaniya ang tingin ng mga kalalakihan.

Natuwa si Yumi nang makita niya ang babae." Dalian niyo po Director Sullivan. Pakiusap."

Nakahinga na rin nang maluwag sina Drake at Franky kasama ng mga taong nakatayo sa kanilang tabi.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now